"LUNA POV"
Andito na kami sa school habang hinihintay namin yung Prof tahimik lang ako habang nakikinig sa pinag uusapan ng mga tarantado kong kaibigan.
"Pre sino yung babaeng katabi mo iisa lang ba kayo ng ino-uwian narinig ko kasi kayo kahapon" Takang tanong ni Maddy sa akin.
"Si Kiara yun anak siya ng friend ni mommy" Sagot ko naman.
"And oo iisa lang kami ng inuuwian ewan ko ba kay mommy kung bakit gusto niya dun pa ako tumuloy sa condo ng babaeng yun may sarili naman akong condo hayyst" Mahabang dagdag ko.
"Naku Luna baka siya na yung para sayo" Pang-aasar pa ni Sydney.
"No way ayaw ko magka girlfriend ng aso" Pandidiring sagot ko.
"Grabe ka naman kay Kiara men" natatawang sabi ni Xian.
"Sabi nga nila the more you hate the more you love" Pang-aasar pa ni Skylar
"Diba ngayon papasok yung apat" tanong ni Victoria na nasa tabi ko nandoon kasi sina Kiara at Max sa mga kaibigan nila. Haystt salamat iniba niya yung topic.
"Oo nakita ko na sila kanina nasa office pa siguro" sagot ni Sydney.
"Buti nalang talaga hinarot ni Kiyo yung principal kung wala hindi sana tayo mag kaklase" tawang sabi ni Xian.
"Oo nga idol na talaga kita Kiyo may pa yakap ka pa sa beywang ng principal kahapon" Pang-iinis pa ni Skylar.
"Nako Kiyo baka sugar mommy talaga para sayo" Si Maddy naman yung nang aasar.
"Tumahimik nga kayo akala niyo ba di ako nandidiri kahapon pasalamat nalang kayo kasi dahil sakin andito tayong lahat" nakangusong wika ni Kiyo na ikinatawa naman naming lahat. Buti nalang at hindi na siya gaya kahapon na ang cold at alam na din namin na mag Ex pala sila ni Max kaso nakakatawa kasi 3 days.
"Mukha kang pato na naghahabol ng kiss" Pang-iinis din ng katabi niyang si Summer
"Gusto mo lang ikiss kita eh" sabi pa ni Kiyo kay Summer sabay kindat. Na agad namang binatukan ni Summer.
"Mahiya ka nga sa balat mo Kiyo kadiri ka" Nandidiring sabi ni Summer. Agad naman kaming nagtawanan.
"Hindi parin kayo nag babago mga sira ulo parin kayo" sabi ko sa kanila. At nagsitawanan naman kami ulit. Napatigil nalang kami sa pagtawa at bumalik sila sa mga upuan nila ng biglang dumating yung Prof namin. Napansin ko din na bumalik na din si Kiara sa upuan niya.
"Goodmorning Class andito na yung mga bago niyong classmate pasok na kayo" Agad na sabi ng Prof namin. At sabay na pumasok yung apat na kumag.
"Hello guys I'm Lee the only one handsome" Pagpapakilala ni Lee ,Tskk di parin nagbabago mahangin parin mas pogi naman ako sa kanya.
"Winter guys mas pogi nagmana lang si Lee sakin" Nawala lang ako naging mahangin na din tong lalaking to.
"Hi im Aila" pagpapakilala ni Aila habang pa kaway kaway pa ng kamay.
"Kendall guys" ikling pagpapakilala ni kendall.
"Okay Guys umupo na kayo dyan sa may mga bakanteng upuan" agad namang sabi ni Sir.
"Kayo yung section na may pinakamadaming student iwan ko din kung bakit pumayag yung principal" Dagdag pa ni sir na agad na ikina ngisi namin sabay tingin kay Kiyo at masama niya naman kaming tinignan.
"KIARA POV"
Hayy salamat naman at recess na gutom nako. Napatayo naman kami at nag ayos ng mga gamit namin. Pansin ko di kami nag babangayan ni Luna ngayong araw buti nga yon nakaka istress kasi yung pag mumuka non.
"Bess tara na hinihintay na tayo ng tatlo sa labas" napatingin ako kay Max ng magsalita ito.
"Sige Bess tara na gutom na din ako" pag aya ko sa kanya. Lumabas na kami ng room at nakita namin sina Selene na hinihintay kami.
Nasa cafeteria na kami kakadating lang din nila Kien at Selene sila kasi nag order napatingin naman ako sa kabilang table at nakita ko yung grupo ni Luna na masayang kumakain bilib ako sa kanila kung saan yung isa dapat andun din yung lahat. Agad namang nagtama ang tingin namin ni Luna, agad akong umiwas ng tingin, nagulat ako ng makitang nakangiti ng naasar ang apat sa saakin.
"Problema niyo" nakakunot noong tanong ko sa kanila.
"Kita namin yun eye to eye pa ha " Pang aasar ni Dean. Inikotan ko naman sila ng mata.
"Tsk kumain nalang kayo" inis na sabi ko. Nagsitawanan naman yung mga kumag.
"Mga teh punta tayo mamaya dun sa bagong bukas na lugawan nakita namin yun kahapon nung gumala kaming tatlo" sabi ni Kienran sa amin na sinang ayonan naman ni Selene at Dean.
"Oo masarap daw dun sabi ng iba kaso mataray yung tindera" sabi naman ni Selene.
"Yak lugaw kumakain kayo non" nandidiring tanong ni Max. At agad ko naman siyang binatukan.
"Hindi naman kami kumain duh ang gwapo kasi nung nagluluto ng lugaw" Natawa ako sa sinabi ni Kienran ang landi talaga ng baklang to.
"Ang oa mo ha tatadyakan kita" agad na sabi ko kay Max na ikina nguso niya.
"Saka kayo nalang lalandi ka lang naman pala Kien ikaw nalang" Agad na sabi ko kay Kienran.
Grabe ka naman Kiara now ngalang ako magyaya hindi ka pa sasama" Sabi ni Kienran na halatang nagtatampo.
"Haysst oo na sasama na kami" Pagsasang ayon ko.
"Yes basta G kayo mamaya ha" tanong naman ulit ni Kien saamin. Tumango naman kami Dean at Selene agad pero si Max nag dadalawang isip pa. Yan yung gusto ko sa mga kaibigan ko hindi sila maarte pero si Max hindi ko nga alam paano ko naging kaibigan yan.
"F.A.S.T.F.O.R.W.A.R.D"
Andito na kami sa sinabi ni Kien na bagong bukas na lugawa sinabi ko nalang kay Luna na mauna na siyang umuwi sasasabay nalang ako kay Max . Nasa pinto pa lang kami ay parang ayaw na pumasok ni Max.
"Lugawan ni aling Leni" Basa ni max ng karatula sa taas. Pumasok na kami sa loob tama nga sila ang taray ng tindera yung kilay halatang drawing pa.
"Bess ang gwapo ng nagluluto parang usto ko na ng lugaw" kinikilig na sabi ni Max.
"Akala ko ba kadiri yung lugaw teh" Tanong ni Kien kay Max.
"Nagbago na isip ko kaya wag kang epal" Sagot naman ni Max. Halos isang oras na kami dito pero si Max wala pa atang plano umuwi naiinip na ako kaya nagpaalam nalang ako na mauuna na ako sa kanila.
"Mauna na ako sa inyo late na may pasok pa tayo bukas" at agad naman silang pumayag nag taxi nalang ako. Pagdating ko sa condo ay dumeretso nako sa kwarto at na tulog hindi na ako kumain wala din naman akong gana.
YOU ARE READING
MOMENTS OF LOVE (GXG)
FanficAko si Princess Kiara Smith isang babaeng takot mag mahal muli ng dahil sa takot din akong masaktan ng paulit ulit, ngunit ang takot na yun biglang nag iba ng makikila ko ang isang babaeng kinaiinisan ko ngunit sa huli ay mamahalin ko pala ng lubusa...