KIARA POV
Maaga kaming na gising ni Luna dahil sa marami din siyang aasikasuhin sa office, hinatid niya muna ako sa bahay. Ng nasa harap na kami ng bahay ay parang wala pa siyang plano na pababain ako.
"Wifey andito na tayo sa bahay" Sabi ko sa kanya dahil nakayakap siya sa akin.
"Iknow pero stay muna tayong ganito kahit 5 minutes mamimiss kita eh" Sagot niya na may paglalambing.
"Diba may work ka pa baka malate ha" Sabi ko naman.
"Baka nakakalimutan mo wifey na ako yung may ari ng company na yun kaya kahit malate pa ako wala silang magagawa" Sagot niya naman.
"Ay oo nga pala noe" Sabi ko naman na kinatawa niya saka hinalikan ako. Ilang minuto din kaming magkayakap bago niya ako pinagbuksan ng kotse.
"Kita na lang tayo mamaya wifey ko" Sabi niya bago ako hinalikan.
"Sige po hintayin namin kayo mamaya" Sagot ko naman. Ngumiti naman siya at pinaandar na ang kotse hinintay ko muna na makalayo ang kotse ni luna bago ako pumasok. Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng pinsan ko.
"Coz asan si daddy" Tanong ko sa kanya.
"Andon sa taas inaasikaso si tita" Sagot niya nagtaka naman ako dahil nakangiti siya na ng aasar.
"Oi coz ano yun huh kala mo di ko nakita yun huh" Pang aasar pa ni Jasmine sakin.
"Yung alin coz" Nag kukunwaring tanong ko naman.
"Naku coz ikaw huh sino yun, siguro siya yung ex mong si Luna" Pang aasar niya pa.
"Oo na si Luna yun kahit kailan talaga chismosa mo" Tinaasan niya naman ako ng kilay ng dahil sa sinabi ko.
"Coz hindi ako chismosa sadyang updated lang ako" Sagot niya naman na ikinatawa ko.
"Btw akala ko ba naka move on kana lakas pa ng loob mo sabihin sakin sa korea na wala ka ng pake kay Luna tapos ngayun malalaman ko nagbalikan pala kayu HAHAHAH" Dagdag niya pa. Pinaikotan ko lang siya ng mata.
"Ganyan kasi basta love" Singit naman ng kapated kong si Precious na kalalabas lang galing kusina. Tinawanan naman agad ni Jasmine.
"Bahala nga kayu dyan" Sagot ko sa kanila saka iniwan sila na nagtatawanan aasarin lang din ako ng mga yun. Bago pako nakalayo sa kanila ay nag salita mo na ako.
"May bibisita pala kay mommy mamaya pakisabi kina manang mag handa ng mga pagkain magpapahinga lang ako" Sabi ko sa kanilang dalawa bago umakyat sa taas ng kwarto.
Naligo muna ako para makapag pahinga ng mapansin kong biglang may nag text ng napangiti ako ng makita kong si Luna yung nag message.
"Kakadating ko lang sa office wifey pahinga kana diyan behave lang ako dito I love you" Kahit kailan talaga ang sweet nitong babaeng to hindi ako magsisisi na minahal ko to.
YOU ARE READING
MOMENTS OF LOVE (GXG)
FanfictionAko si Princess Kiara Smith isang babaeng takot mag mahal muli ng dahil sa takot din akong masaktan ng paulit ulit, ngunit ang takot na yun biglang nag iba ng makikila ko ang isang babaeng kinaiinisan ko ngunit sa huli ay mamahalin ko pala ng lubusa...