CHAPTER 19

29 7 0
                                    

KIARA POV

1 week na din ang lumipas mula ng mag trabaho ako dito sa kompanya ni Luna, at 1 week na din akong naiinis dahil sa mga pinapakita niya yung gusto niya sasabayan ko siya lagi mag lunch pag kumakain naman ako sa cafeteria sumasama siya kaya yung mga tingin ng ibang empleyado sakin ay sipsip. At ang nakaka inis pa ay iniba niya ang pwesto ng table ko imbes na sa labas ng office niya ay pinapasok niya sa loob ng office niya, madalas gusto niya pa na sa table niya ako gumawa ng mga report para daw magkatabi kami, Minsan din ay pinipilit niya pa siya na ang maghatid sa akin pa uwi.

"Ms. Kiara it's already 12 na sabayan mo na ako mag lunch may inorder ako"  Sabi niya.

"Dun nalang ako sa cafeteria" Sagot ko akmang tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan ako.

"Why madami naman yung inorder ko"  reklamo niya naman. Hindi na ako nakapag pigil at hinarap ko siya.

"Pwede ba tumugil kana Luna secretary mo ko at boss kita kaya sana respetohin mo din yung trabaho ko hindi yung lagi kang naka dikit sakin nag tataka na yung ibang empleyado mo at alam mo ano tingin nila sakin na sipsip ako kaya pwede ba tama na Luna" Prangka kong sabi sa kanya.

"Hanggang ngayun ba galit ka parin sakin hindi mo parin ako napapatawad" Tanong niya na halatang nasasaktan.

"Sa tingin mo mapapatawad pa kita Luna oo matagal na yun pero yung sakit naaalala ko parin" Agad kong sagot sa kanya.

"Bakit Kiara ikaw lang ba yung nasasaktan mas nasasaktan ako kasi di mo man lang ako hinayaan mag explain  kung ano talaga yung totoo ang hirap kasi sayu ang taas ng pride mo pinapairal mo yung galet mo" Hindi ako naka sagot sa sinabi niya.

"Kung hinayaan mo lang sana ako magpaliwanag noon hindi sana tayo aabot sa ganito masaya sana tayo ngayon, wag ka mag alala mula ngayon   isa ka nalang secretary ko at boss mo ako wala ng hihigit pa dun." Dagdag niya pa bago niya ako iniwan sa loob ng office niya. Iwan ko ba bakit ako nasasaktan sa sinabi niya dapat nga maging masaya na ako.

Gabi na ng makalabas nako sa building sakto naman ang pag dating ni Mang Kevin.

"Maam sorry traffic po kasi sa daan" paghihingi ng tawad ni Mang Kevin.

"It's okay mang kevin kaka labas ko lang din naman" Matamlay na sagot ko.

"Okay ka lang ba Maam bakit ang tamlay mo" Nag aalalang tanong niya.

"Okay lang ako Mang Kevin napagod lang po ako" Sagot ko naman na ikinatango niya.

Sa totoo lang mula nong sinabi ni Luna yun kanina nawalan ako sa mood, mula kasi ng magkasagutan kami kanina ay bigla nalang siyang naging cold kakausapin niya lang ako pag may papautos siya o may kaylangan pa permahan pansin ko din na ni isang tingin ay hindi niya magawang tumingin sakin.

"Bakit ba ko nasasaktan diba yun naman ang gusto ko ang iwasan niya ko pero bakit ang sakit" Sabi ko nalang sa isip ko.

Ng makarating na kami sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko wala akong ganang kumain kaya nahiga agad ako sa kama at bigla nanaman sumagi sa isip ko yung nangyare sa office kanina yung sagutan namin ni Luna, hindi ko namamalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko ng biglang pumasok si Precious na may dalang tray.

"Ate kumain ka muna hindi ka pa nakapag dinner ito oh mga paborito mo" Agad na sabi ni Precious, agad naman akong bumangon.

"Ate are you okay bakit ka umiiyak" Nag aalalang tanong niya.

"Bakit ganito Precious nasasaktan ako mula nung iniiwasan nako ni Luna eh  dapat nga maging masaya nako kasi hindi na siya mangugulit" Tanong ko sa kanya at hindi mapigilan umiyak.

"Isa lang ibig sabihin niyan ate" Sagot niya naman.

"Ano naman" Takang tanong ko sa kanya.

"Na mahal mo pa si Ate Luna kasi hindi ka makakaramdam ng ganyang sakit kung hindi mo na siya mahal" Paliwanag niya.

"Hindi mo lang alam ate kung anong effort ginawa ni ate Luna mula nung pumunta ka ng Korea" Agad akong napatingin kay Precious ng dahil sa sinabi niya.

"What do you mean" Takang tanong ko.

"Hindi ko muna masasagot yan ate kasi si Ate luna na mag sasabi sayo niyan" Naka ngiting sagot niya tumayo na siya at lalabas na ng kawarto ko.

"Btw. Ate kumain ka muna bago ka matulog niluto ko pa yang nga paborito mo sa wag ka mag alala ate balang araw maaayos niyo din ang lahat" nakangiting sabi niya bago niya isara ang pinto.

Ang selfish ko pala ni hindi ko man lang pinakinggan si Luna dati kaso huli nako iniiwasan niya na din ako ngayon mas okay na panindigan ko nalang tong katangahang ginawa ko now. Naalala ko na linggo pala bukas day off ko, kaya tinext ko ang apat na mag mall kami bukas gusto ko rin mag kwento sa kanila maliban kasi sa kapated ko sila lang din ang napag kukuwentohan ko ng ka dramahan ko sa buhay.

LUNA POV

Andito ako ngayon sa Bar ni Kiyo kanina pa ako inom ng inom pero pansin ko na hindi parin ako nalalasing.

"Ang dami na niyan Luna baka naman masunog na atay mo diyan" Sabi ni Kiyo ng bigla siyang lumapit sakin.

"Gusto ko lang makalimot kahit isang gabi lang" Sagot ko naman.

"Bakit may problema ba" Takang tanong niya.

"Wala naman nag ka sagutan lang kami ni Kiara kanina ni hindi niya lang naman kasi nakikita mga effort ko para mapalapit ulit sa kanya" Agad na sagot ko pinipigilan kong umiyak.

"Mataas din kasi yung pride ni Kiara bakit di nalang siya nag ariel" Pamimilisopo naman ni Kiyo.

"Korni mo gagu, alam mo kung wala kang mabuting sasabihin umalis ka sa harapan ko baka ma suntok pa kita" Sabi ko nalang sa kanya, siya naman ay tawa lang ng tawa aba siraulo talaga tong hayup na to.

"HAHAHAHA sensya na pre, pero hayaan mo nalang muna si Kiara balang araw maiisip niya din niya na may mali din siya, hindi mo din naman siya masisisi alam mo ang totoong may kasalanan nito ay yung ex mong si Maxine" Seryosong sagot ni Kiyo.

Sabagay totoo din naman yung sabi ni Kiyo kung hindi dahil sa kalokohan ni Maxine hindi sana kami aabot sa ganto ni kiara. Mas mabuti siguro na iwasan ko na si Kiara para hindi siya aalis sa trabaho niya baka pag tinuloy ko pa pangungulit ko ay aalis nanaman siya mas okay na siguro na hindi ko muna siya papansinin kahit masakit para sakin ang importante ay ang magkasama ko parin siya.

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now