KIARA POV
Andito ako ngayon sa address ng companya na tinext sa akin ni Dean kagabi hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang papasok na ako ay binati ako ng guard. Iwan ko ba kasi kay Dean kung bakit hindi niya alam yung pangalan ng magiging boss ko basta ang alam niya lang ay masungit daw, habang naglalakad ako ay may sumalubong sakin.
"Hi miss ikaw ba yung mag aaply na secretary" Bati sa akin ng babae.
"Ahmm oo im Kiara asan pala yung office ng boss niyo" Tanong ko naman sa babae.
"Im Jona ako yung naka assign na mag guide sa mga bagong impleyado" Nakangiting sabi niya.
"Follow me miss Kiara para makilala mo na yung magiging boss mo" Dagdag niya pa na ikinatango ko. Sinundan ko lang si Jona hanggang sa huminto kami sa isang pinto.
"Wait lang miss sasabihan nalang kita pag pwede kana pumasok" Sabi niya. Tumango nalang ako. Ilang saglit lang ay lumabas din si Jona.
"Miss Kiara tanggap ka na at pwede ka na din pumasok" Nakangiting bungad sa akin ni Jona.
"Sige thank you Jona" Nakangiti ko din na sagot sa kanya. Ng pumasok na ako sa loob ay na pansin ko ang isang babae na busy sa pag pipirma ng mga papeles lumapit ako sa harap ng mesa niya para magpakilala.
"Goodmorning Maam I'm Princess Kiara Smith your new secretary" Pagpapakilala ko sa kanya at laki ng kinagulat ko ng inangat niya ang kanyang muka.
"Kiara" Napatayo siya ng makita ako.
"Ikaw ang magiging boss ko" Takang tanong ko naman.
LUNA POV
Abala akong nag peperma ng mga importanteng papels ng pumasok si Jona ang inatasan ko na mag asikaso sa mga nag aaply ng bagong secretary ko. Sa isang linggo 3 secretary na din ang na hire ko kaso pinapaalis ko kaagad dahil ang lalandi.
"Maam andito na po yung bagong secretary na mag aaply" Sabi ni Jona.
"Hire mo na siya agad Jona kailangan ko ng secretary now" Sagot ko sa kanya pero nasa mga pinipirmahan ko parin ang attention ko.
"Sige po maam papapasukin ko na po siya" sabi niya naman saka sinara ang pinto. Rinig ko pang nag sara ang pinto hudyat na lumabas na si Jona. Ilang segundo pa ay bumukas ulit ito hindi ko na ito pinansin ng bigla siyang lumapit sa harap ng table ko at nagpakilala ng marinig ko ang boses niya ay bigla akong umangat ng tingin.
"Kiara" Napatayo ako ng makita ko na ang babaeng mahal ko. Halata mo din sa muka niya na nagulat din siya ng makita ako.
"Ikaw ang magiging boss ko" Gulat na tanong niya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap sobrang namiss ko siya,
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun wifey dahil nakita na kita" Nakayakap ko na sabi sa kanya nagulat nalang ako ng tinulak niya ako papalayo sa kanya at bigla siyang nag salita.
"Wifey? Sorry maam pero Kiara po name ko hindi wifey" Nasasaktan ako sa sinabi niya pero naiintindihan ko siya dahil nararamdaman ko na until now galet parin siya sakin.
"And mag aaply po sana ako bilang secretary pero nag bago na po yung isip ko aalis na po ako maam" Dagdag niya pa at bigla siyang tumalikod hahawakan niya na sana ang doorknob ng biglang bumukas at pumasok sina Maddy at Skylar halatang nagulat rin ang dalawa.
"Kiara" Gulat na sabi ni Maddy at Skylar.
"Hi" Bati ni Kiara sa kanila, lalabas na sana siya ng office ko ng pigilan siya ni Maddy.
"Sandali lang Kiara anong ginagawa mo dito" Tanong ni Maddy sa kanya samantalang ako ay naka tayo lang sa harap ng table ko na tulala at nakakikinig sa kanila.
"Mag aaply sana bilang secretary kaso nag bago na isip ko maghahanap nalang ako ng ibang kompanya" Sagot niya naman kay Maddy.
"Pero bakit ka pa mag hahanap eh dito tanggap ka naman" Tanong naman ni Skylar.
"Iniiwasan mo pa rin ba kami ku-" Hindi pa tapos mag salita si Skylar ay biglang sumingit si Kiara.
"Hindi noe saka matagal na yun naka move on na ko" Sabi niya na ikina lungkot ko.
"Kung talagang naka move on kana tatangapin mo ang trabaho mo dito as a new secretary ni Luna" Naka ngising sabi ni Maddy kay Kiara.
"Tama at kung hindi mo tatangapin na maging secretary ni Luna it mean's hindi ka pa naka move on" Dagdag pa ni Skylar na naka ngisi rin.
Napatingin ako kay Kiara at bigla siyang humarap sa akin.
"Kailan ako mag sisimula maam" Seryosong tanong niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa wakas makakasama ko na siya buti nalang at nandito yung dalawang kumag.
"Now na kailangan ko ng secretary ngayon" Cold na sagot ko sa kanya. Syempre hindi ko pinahalata na sobrang saya ko pinilit ko paring maging seryoso ang mood ko.
"Saan po yung table ko" Magalang na tanong niya, shiit ang Cute niya mas lalo siyang gumanda ngayon.
"Yung sa labas ng office ko malapit sa pinto yun ang table mo Ms.Kiara" Seryosong sagot ko at napatango nalang siya.
"Pwede ka ng umupo sa table mo tatawagin nalang kita pag may kaylangan ako" Dagdag ko pa.
"Sige po Ma'am" Sagot niya, lumabas na siya at umupo sa pwesto niya.
Ng maka labas si Kiara ay kita ko ang ngiti ng dalawang kumag at nag apir pa.
"Pano ba yan pre hindi mo na kailangan na hanapin yung taong mahal mo kasi siya na mismo ang lumapit" Pang aasar na sabi ni Skylar.
"Ngayong nahanap mo na si Kiara ano ng plano mo" Tanong naman ni Maddy.
"Syempre ano pa gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sakin" Seryosong sagot ko.
"Sa tingin mo maaayos mo pa itong relasyon niyo eh hanggang ngayon halata parin na galit pa si Kiara sayo" Sabi naman ni Skylar.
"Gagawin ko lahat makuha ko lang siya ulit" Seryosong sagot ko sa kanya. Matapos kaming mag usap nina Skylar at Maddy ay nag paalam na din sila na aalis na, bago sila lumabas ay inutusan ko muna sila na papasukin ang secretary ko.
YOU ARE READING
MOMENTS OF LOVE (GXG)
FanfictionAko si Princess Kiara Smith isang babaeng takot mag mahal muli ng dahil sa takot din akong masaktan ng paulit ulit, ngunit ang takot na yun biglang nag iba ng makikila ko ang isang babaeng kinaiinisan ko ngunit sa huli ay mamahalin ko pala ng lubusa...