CHAPTER 18

35 7 0
                                    

KIARA POV

"Jusko ano ba tong pinasok ko kung hindi lang sana sinabi ni Skylar yun kanina hindi sana ako pumayag" Kinakausap ko nalang ang sarili ko habang naka upo ako ngayon dito table ko ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Luna at lumabas sina Skylar at Maddy.

"Miss Secretary tawag ka ng boss mo"  Natatawang sabi ni Skylar naiinis ako pero hindi ko lang pinapahalata, tanging tango lang ang sagot ko sa kanila at pumasok na sa office ni Luna.

"Pinapatawag niyo daw po ako Maam may kailangan po ba kayo" Agad na tanong ko.

"Dalhin mo itong mga papeles na napirmahan ko bigay mo kay Jona dun sa Second floor" Agad ko namang dinala ang mga papeles.

Pagkatapos kung sundin ang utos ni Luna ay bumalik agad ako sa table ko ng mapansin ko ang oras mag 12 na pala tatayo na sana ako para mag lunch ng bigla akong papasukin ni Luna sa office niya.

"Ano po yun ma'am may papa bili po ba kayo" Agad na tanong ko sa kanya.

"Nag lunch ka na ba" Seryosong tanong niya.

"Mag lunch palang po" Sagot ko naman.

"Sit nag pa deliver ako ng food sabayan moko" Nagulat naman ako sa sinabi niya baka ano pa isipin ng ibang empleyado dito na sipsip ako jusko.

"Wag na kakain nalang ako dun sa baba" Sagot ko naman.

"Madami din yung inorder ko sayang naman kung itatapon ko" Seryosong sabi niya.

"Bakit kasalanan ko bang dadamihan mo ng order kung hindi ka ba naman bobo" Bulong ko na akala ko hindi niya narinig.

"narinig ko yun" Seryosong sabi niya sakin.

"Edi congrats hindi ka bingi" Sagot ko basta wala na akong pake kahit boss ko pa siya kakainis kasi.

Hindi nalang siya nag salita at dumating na din yung mga inorder niya na food labag man sa loob ko na sabayan siya kumain, ay kumain na lang ako no choice gutom na gutom na ko.

"Ubusin mo yan para hindi ka gutomin mamaya" Sabi na nakatitig sakin Naikina tango ko nalang. Habang kumakain ako ay bigla siyang nagsalita.

"Wifey imean Kiara about dun sa nangyari dati gus-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ay tumayo na ako.

"Busog na ako tawagin mo nalang ako pag tapos kana kumain para ma ligpit ko itong pinag kainan natin" Putol ko sa sinabi niya. At agad na lumabas ng office niya, ayaw ko lang talaga pag usapan yung nangyare dati dahil babalik nanaman yung sakit na ginawa niya.

5 pm na ng lumabas ako ng company para hintayin si Mang kevin na mag susundo sakin kaso nasiraan daw siya kaya agad kong tinext si Max na siya nalang ang sumundo sakin agad naman siyang pumayag itetext niya din daw ang tatlo para mamasyal na din kaming magkakaibigan. Wala pang 30 minutes ay andito na sila kaya agad na akong sumakay sa kotse ni Max nasa likod naman ang tatlo.

"oh kumusta first day bess" Tanong ni Max.

"Ayun Malas" sagot ko nagtaka naman sila.

"Huh bakit naman malas" Tanong ni Dean.

"Naku siguro sinungitan ka agad ng boss mo noe diba sabi nga ni Dean mataray yun" Natawa naman ako sa sinabi ni Kien.

"Hindi naman" Sagot ko.

"Eh ano bakit malas hindi ka naman pala sinungitan" Curios na tanong ni Selene.

"Malas kasi si Luna yung Boss ko" iritang sagot ko.

"WHATTT" sabay na sigaw nilang apat. 

"Grabe maka sigaw ha ang Oa niyo" Sabi ko sa kanila pano ba naman kasi parang sasabog na eardrums ko sa sigaw nila.

"So si Luna pala ang bussiness partner ng daddy mo Dean" Takang tanong ni Max habang nag mamaneho.

"Abay iwan ko siguro hindi ko naman alam sorry Kiara hindi ko talaga alam" Paghihingi ng patawad ni Dean.

"Gaga ano ka ba okay lang yun alam ko naman na wala kang kasalanan" Sagot ko sa kanya.

"Bakit mo tinanggap yung work Kiara akala ko ba ayaw mo makita siya" Tanong ni Selene, nagkibit balikat nalang ako at kinuwento sa kanila lahat na kung hindi dahil sa sinabi ni Skylar ay napilitan ako na tanggapin ang offer na maging secretary kaya na intindihan naman nila ako agad.

"Pero teh naka move on kana ba talaga" Tanong ni Kienran.

"Oo naman noe tagal na non saka wala nakong pake sa kanila" Sagot ko naman at halata sa mga tingin nila na hindi sila naniniwala sa akin.

Pero naka move on na ba talaga ako? Hindi ko na ba talaga mahal si Luna?

Tanong ko sa isip ko kasi nung nakita ko siya kanina parang bumalik lahat ng alala dati Haysst pinag sawalang bahala ko nalang ang iniisip ko at focus nalang yung tingin ko sa daan habang yung apat naman ay panay chismis parin. Kumain muna kami pagkatapos ay nag mall ng mag gagabi na ay hinatid na din kami ni Max.

"Anak naka uwi kana pala kumusta work" Bungad ni mama sakin ng makapasok na ako ng bahay.

"Okay lang naman mom" matamlay na sagot ko.

"Bakit ang tamlay mo napagod ka siguro kumain kana ba sumabay kana samin" Pag aaya ni mommy sa akin kumain.

"Tapos  nako Mom kumain kami ng mga kaibigan ko kanina" Sagot ko naman kay mommy.

"Ganun ba sige umakyat kana sa kwarto mo at mag pahinga kana papa dalhan nalang kita ng gatas kay precious mamaya" Sabi ni mama tumango nalang ako at umakyat sa kwarto.

Nag halfbath at nag bihis ng lumabas ako ng banyo sakto naman ang pag pasok ni Precious dala ang gatas.

"Ate ito na yung gatas mo inomin mo daw to sabi ni mama bago ka matulog" Nilpag naman ni precious ang gatas sa mesa at umupo siya sa sa kama ko.

"Ate are you okay mommy told me na parang ang tamlay mo" Nag aalalang tanong niya.

Ikinuwento ko kay Precious lahat na si Luna ang Boss ko pati narin ang nangyari sa office kanina ay kinuwento ko din sa kanya

"Ate feeling ko mahal na mahal ka talaga ni Ate Luna" sabi naman ni precious.

"Precious kung mahal niya ako hindi siya magloloko" Sagot ko naman sa kanya.

"Pero ate sure ka ba talaga na niloko ka  ni Ate Luna ni minsan ba hinayaan mo siya pagpaliwnag" Seryosong tanong niya.

"Hindi niya na kailangan mag paliwanag pa"  Sagot ko nalang sa kanya.

"Nasayo yan ate pero payo ko lang sayo  ate na minsan babaan mo din yung pride mo lalo na now na always na kayu mag kasama kasi secretary ka niya" Sabi pa ni Precious bago tumayo.

"Sige na ate matulog ka na diyan may work ka pa bukas" sabi niya pa bago lumabas ng kwarto. Minsan talaga bilib ako sa kapated kong to napaka matured mag isip daig pako.

Ininom ko na yung gatas na dala ni precious saka nahiga na din ako.

"Hayy bukas panibagong araw panibagong sama ng loob nanaman"

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now