CHAPTER 5

37 18 10
                                    

LUNA POV

Medyo lasing nako ng maka uwi ng condo, ngayon lang ulit ako napadami ng inom buti nalang at hindi naisipan ni Doggy na i-lock yung pinto.

Aakyat na sana ako ng kwarto ng mapansin kung bukas pa yung ilaw sa kusina. Gising pa siguro si Kiara sinilip ko naman siya at nakita ko siyang umiinom ng tubig naka isip naman ako ng kalokohan lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang ginulat. Sakto naman pagg-gulat ay bigla siyang humarap at naibuga niya sa muka ko lahat ng tubig sa bibig niya.

"What the fu-" hindi ko ba naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumawa.

"HAHAHAHA bakit ka kasi nangugulat alam mo naman na hindi pako sanay na may kasama dito nasanay ako na tahimik lang" Tawa lang siya ng tawa habang ako ay diring diri na dahil sa basang basa na yung muka ko at ang nakaka inis pa galing pa sa bibig niya yung tubig.

Tinignan ko siya ng masama "Stop laughing " pagsusuway ko sa kanya.

"Bakit kasalanan ko ba sino bang unggoy yung bigla bigla nalang susulpot at mangugulat HAHAHA" Pang-iinis niya.

"Saka bakit amoy alak ka uminom ka noh" tanong niya pa.

"It's none of your business moroon" pag susungit ko sa kanya.

"Edi dont nagtatanong lang naman tabi nga dyan matutulog nako" Pagtataboy niya sakin.

"Saka maligo kana ang baho mo yakk" dagdag niya pa na kinainis ko kaya di nako nakapagtimpi at hinabol ko siya. Agad namang siyang tumakbo paakyat sa kwarto niya at dali dali niyang sinara at nilock ang pinto narinig ko pa ang pagtawa niya.

"HAHAHAHA ano ba yan bagal mo naman tumakbo kala ko ba unggoy ka" rinig ko pang sabi niya dahil nasa labas lang ako ng kwarto niya.

"Shut up ugly dog" inis na sabi ko at dumeretso na sa kwarto ko nga makaligo kadiri humanda sakin yung pangit na yun.

Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako nahiga bwesit na babaeng yun nawala tuloy kalasingan ko ng dahil sa kanya naalala ko naman kasi kung paano niya na ibuga saakin yung tubig kanina. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"KIARA POV"

Natatawa parin ako pagna-aalala ko yung muka ni Luna kanina halatang inis na inis.
Naghilamos muna ako bago nahiga at unti onti nakong nakaramdam ng antok.

"K.I.N.A.B.U.K.A.S.A.N"

Nagising ako ng mag alarm yung cellphone ko agad akong bumangon at bumaba para magluto nagulat ako ng nasa kusina na pala yung unggoy at nag kakape. Agad namang niya akong tinignan ng masama siguro naiinis parin siya dahil sa ginawa ko kagabi HAHAHA.

"Morning Monkey" nakangiting bati ko sa kanya.

Masama parin ang tingin niya kaya nagluto nalang ako. Nag prito lang ako ng itlog,hotdog saka ham. Pagkatapos ko magluto ay aakyat muna ako sa kwarto para maligo.

"Senyorita pwede na po kayo kumain" ani ko kay Luna bago ako umakyat.

"Ayaw ko kumain ng luto mo baka may lason" sagot niya na halatang naiinis parin.

"Okay sabi mo eh" sagot ko nalang at umakyat na sa kwarto.

FASTFORWARD

Bumaba na ako para kumain pagkababa ko ay nakita ko pa si unggoy na naghihintay sa akin na halatang naiinip na. Bahala siya dyan kakain pa ako. Nanlaki ang mata ko ng makita kong konti nalang yung ulam na natira. May pasabi sabi pang hindi kakain ng luto ko halos ubusin nga yung ulam tskk matakaw talaga.

"Heyy doggy matagal ka pa dyan kung gusto mo malate mauuna nalang ako" inis na sigaw niya sa sala.

"Maghintay ka tskk" sagot ko sa kanya.

Kumain nalang ako at pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko muna yung mga pinggan na ginamit namin kapal ng muka hindi man lang hinugasan yung pinggan niya.

"Tara na monkey" pag-aaya ko sa kanya. Bago pa siya tumayo ay may sinabi pa siya.

"Pwede ba stop calling me monkey nakakairita" inis na sabi niya. Napangisi naman ako at humarap sa kanya.

"Hmm ayaw ko nga bagay naman sayo diba HAHAHAHA" Pang-iinis ko pa.

Tinignan niya ako nga masama at nauna ng lumabas.

"HAHAHHAA pikon" "sigaw ko pa.

Lumabas nako ng condo at hinanap si Unggoy sa parking lot nagtaka naman ako na wala na ang kotse niya.

" Tang-inang yan iniwan ako" nainis siguro sakin HAHAHA mag tataxi nalang ako. Nag abang nako ng taxi at buti nalang at nakanap agad ako kung hindi malalate na talaga ako. Hinintay hintay pako kanina tapos iiwan din pala siraulong unggoy na yun. Nakarating nako sa school at pagpasok ko palang ng room sinalubong na ako ni Max.

"Morning Bess" masayang bati ni Max.

"Morning din" wala sa mood na sagot ko. Nakita ko namang naka upo si Luna sa upuan niya at nakangising tinignan ako. Pinaikotan ko lang siya ng mata at umupo na sa tabi niya.

"Pansin ko Bess tuwing pagpasok mo dito sa room lagi kang wala sa mood tuwing umaga ka din ba nireregla" tinignan ko naman ng masama si Max.

"Ito naman hindi mabiro nag bibiro lang naman HEHE" Dagdag niya pa sabay peace sign.

"Morning Max morning Kiara" sabay na bati nila Kienran, Dean at Selene samin kakadating lang din nila.

"Morning din" bati ko din halatang takot parin si Kienran sakin dahil ayaw niyang lumapit sakin.

"Oy bakla mag sorry kana yan kasi pabida ka HAHAHAHA" Sabi ni Selene kay kienran.

"Oo nga naman Kien bakit kasi naisipan mo pang gawin yun ayaw mo kasi paawat HAHAHA" Panuknukso pa ni Dean.

"Sorry na beh patawarin mo na ko hindi na mauulit mahal ko pa buhay ko ayaw ko pa mamatay" naiiyak na sabi niya. Natawa nalang ako sa inasal ng baklang to.

"Ano tingin mo sakin mamamatay tao" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah ehh sabi kasi ng babaitang toh na kakalbuhin mo daw ako" turo niya kay Max.

Tinignan ko naman si Max na nagkukunwaring nag babasa ng libro. Ang bobo mag kunwari baliktad pa yung libro.

"Teh yung libro baliktad" sabi pa ni Dean kay Max kaya nag si tawanan naman kaming apat.

"Ito namang si Dean parang others ang epal" Pagtatampo pa ni Max at nakanguso pa.

"Para kang pato Teh " asar naman ni kienran kay Max.

Napatawa nalang ako dahil sa apat na to parang mga takas mental. Napatigil nalang kami dahil sa tumonog yung cellphone ni Unggoy kaya napatingin yung apat sa kanya mga dakilang marites talaga.

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now