CHAPTER 4

51 23 48
                                    

LUNA POV

Napangiti nalang ako ng makita kong naiinis si Kiara ng dahil dun sa baklang sumigaw sa room kanina ang cute niyang mainis. Napatingin ako sa phone ko ng may tumawag pati sina Kiara at yung bestfriend niyang si Max ay napatingin din dito.

"Excuse sagutin ko lang to" at agad naman silang tumango.

Si maddy pala sinagot ko agad yung call "Madison zup"

"Pre andito kana pala sa pilipinas bakit di ka man lang nagpasabi kakatampo ka naman parang hindi tayo magtropa" Sagot sa kabilang linya.

"Ahmm oo sorry biglaan din kasi yung uwi ko." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"G kaba gimik tayo mamayang gabi pa welcome party mo narin." Tssk maglalasing lang tong mga kumag na to eh.

"Sige na pumayag ka na ngayon lang nga tayo magbobonding ulit magiging kj kapa" Pagpupumilit niya pa.

"Tskk okay mamaya after class saan ba?"  No choice ako kasi kahit ayaw ko mamimilit parin yun.

"Ayun oh papayag din pala sa bar ni Kiyo para libre text ko nalang sila Skylar" sagot niya

"Okay" sabay end ko ng call. Bumalik nako sa pwesto namin kanina at pinagpatuloy ang pagkain.

Mga ilang minuto ay tapos na kaming kumain at bumalik na kami sa room para sa next subject namin. Tahimik lang kaming naghihintay sa prof namin para sa next subject ay bigla kong na alala na sabay pala kami ni doggy uuwi mamayang uwian.

"Ahmm ugly dog mag taxi ka nalang mamaya pag-uwi." Napatigil siya sa pagbabasa libro at humarap sakin.

"Why?" pagtatakang tanong niya.

"It's none of  your bussines" seryosong sagot ko.

"Tskk okay kay Max nako sasabay." Napatango nalang ako sa sagot niya.

"Kahit  wag ka na ngang umuwi" bulong niya na akala niya ay hindi ko narinig pero pinagsawalang bahala ko nalang yon.

Dumating na yung prof namin kaya nakinig nalang ako.

Uwian na kaya nagpaalam nako sa kanila ni Kiara na mauna nako. Kay Max din naman sasabay yun. Nakarating nako sa Bar na pagmamay ari ni Kiyo. Ng makapasok ako ay andito na pala si Maddy at Skylar sinalubong naman nila ako ng makita nila ako papalapit sa kanila.

"Long time no see my friend kumusta " bati ni Skylar.

"Ito pogi parin" pagmamayabang ko.

"Ang hangin mo parin" sagot ni Maddy

"Tskk asan na pala yung iba kayo palang" pag-iiba ko ng usapan ng mapansin kong wala pa yung iba.

"Paparating na din yung mga yun saka si Kiyo may inasikaso lang na customer pupunta din daw siya dito." Napatango nalang ako sa sinabi ni Maddy.

Habang hinihintay namin yung iba ay nag usap muna kaming tatlo.

"Pre bakit pala biglaan balik mo dito" tanong ni Maddy

"Sabi kasi ni mommy dito nalang daw ako mag aral saka para din daw makapagbasyon ako."  Edi okay yan makakasama ka ulit namin sabi ni Skylar.

"Saka pagkakataon ko na din to para mahanap ko yung babaeng mahal ko yung babaeng nagligtas ng buhay ko noon" dagdag ko pa sa kanila.

"Yung kinukwento mo samin yung girl na tumulong sayo 5 years ago" nakangising tanong ni Maddy. Tumango naman ako.

"FLASHBACK"

Habang hinihintay ko yung Yaya ko sa park bigla akong na pa upo sa lupa ng may tumulak sakin na tatlong batang lalaki.

"HAHAHAHA lampa" panunukso ng tatlong batang lalaki sakin wala na nakong ginawa non kundi umiyak nalang. Hahampasin pa sana ako ng isang lalaki ng hawak niyang kahoy ng biglang may nagsalita sa likod nila.

"Hoy tigilan niyo nga yan" tumigil sila kakatawa at napalingon  ng may biglang nag salita na batang babae sa likod nila.

"Bakit sino kaba" tanong ng isang batang lalaki sa babae.

"Hmm sabihin nalang natin na police yung daddy ko nanghuhuli siya ng mga batang bully at walang respeto sa babae" nakangiting wika ng babae sa tatlong bully. Ang cute niya lalo na pag naka ngiti.

"Kaya kung ako sa inyo umalis na kayo dito bago pa dumating yung daddy ko nako gusto niyo ba sa DSWD bagsak nio." pang-iinis niya pa.

Kitang kita sa muka ng tatlong bully na takot sila kaya bigla silang nagsitakbuhan at lumayo samin. Tinulongan niya ko na tumayo.

"Okay ka lang ba sinaktan ka ba nila" tanong ng babae.

"Hmm okay lang ako thank you nga pala." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Wala yun sa susunod kasi matuto kang ipagtanggol sarili mo lalo na pag mas lalo ka lang nila aasarin at pag titripan pag alam nilang iyakin ka." Nakatitig lang ako sa muka niya habang nagsasalita siya ang ganda niya.

"Ahmm salamat ulit, you are?  Pagtatanong ko sa name niya.

Magsasalita pa sana siya ng bigla akong tawagin ni Yaya.

" Naku andito ka palang bata ka kanina pa kita hinahanap halika na at uuwi na tayo baka hinahanap kana ng Mommy at Daddy mo." Nag-aalalang sabi ni Yaya sakin. Napatango nalang ako at nagpaalam sa babaeng nagligtas sakin kanina. Bago pa kami umalis may binigay pa akong bracelet sa kanya tanda ng pasasalamat ko sa pagligtas niya sa akin.

Hanggang sa pumunta na kami ng Canada para doon mag stay pinangako ko na pagbalik ko ng Pilipinas hahanapin ko siya.

"END OF FLASHBACK"

"Grabe ka pre inlove ka nga talaga sa kanya isipin mo limang taon na nakalipas pero di mo parin siya nakakalimutan" wika ni Skylar.

"Yeah" sagot ko.

"What if straight siya hindi siya pumapatol sa girl" napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Maddy.

"I dont care basta mula ng araw na yun akin lang siya" napatawa naman sila dahil sa sinabi ko.

"Late na ba kami sa chicka niyo" napalingon kami ng mag salita si Summer andito na pala sila kasama niya sina Xian, Victoria, Sydney sakto din at dumating si Kiyo.

"Tara na guys inom na tayo libre to lahat ni Kiyo bar niya naman to eh" Pagyaya ni Maddy silang  dalawa talaga ni Skylar makapal muka saming mag totropa.

"Mag ambag ka din puro ka libre" sabi ni Kiyo kay Maddy.

Napatawa nalang kami sa dalawang to kahit kailan si  Kiyo at Maddy talaga para silang aso't pusa.

MOMENTS OF LOVE (GXG)Where stories live. Discover now