Three years..

35 3 0
                                    

Chapter Twenty-seven.


Hindi sa umasa ako pero naging totoo ang inisip ko. Ako nga ang nagwagi. Ako ang umakyat ng stage at tumanggap ng award. Ako ang Best Actress-Ang magiging huli kong award sa career na ito.


Matapos kong magpasalamat sa manager ko at sa Mega Entertainment-sa Big boss, magbigay ng mga advice sa mga taong gustong marating ang narating ko at pasalamatan ang mga taong nagmamahal at sumuporta sakin.. sinabi ko ang isinisigaw ng puso ko. Ang maging malaya sa kasikatan ko, at syempre para kay Keon. Kahit hindi niya man ako marinig sinabi ko pa din ang gusto ko: "Hindi ko inasahang makikilala kita, hindi ko inasahang makikita mo ang totoong ako. Kahit pilit kong itinago ang sarili ko sa mundo, ikaw at ikaw lang ang nakakita kung sino ako. Ipinaramdam mong normal lang ang makagawa ng kasalanan dahil walang perpekto sa mundo. Ipinaramdam mo sakin kung paano magmahal at paano mahalin.. kahit sa mabilis lang na panahon pero alam natin na hindi lahat ng love story may happy ending. Ang iba meron at tayo wala pero mamahalin kita hanggang sa huling paghinga ko."


Matapos kong sabihin 'yon, umalis ako ng stage na maluwag ang dibdib ko. Wala namang nagawa ang management dahil inaasahan na din naman nila na mangyayari ito pero nagulat lang sila dahil sobrang aga naman daw ng pagreretiro ko. Naisip ko, hindi lang sa pagiging artista o pagiging sikat pwedeng maubos ang oras ko habang nandito ako sa mundo. Madami pa akong pwedeng gawin, ang totoo, hindi ako mauubusan ng gagawin. Sa laki ng mundo, hindi ko alam kung malilibot ko ito ng buo buong buhay ko.


At ngayon, matapos ang tatlong taon finally.. nandito na ako sa pinakapaborito kong bansa: Santorini, Greece.


Habang nakahiga ako at nagbabasa sa balcony ng hotel na tinutuluyan ko, ramdam ko na ang papainit ng papainit na panahon dito ngayong buwan ng abril. Tumingala ako at parang iniimagine kong niyayakap ko ang araw. Kitang kita ko ang caldera at ang asul na asul na karagatan at kung paano sila nagtagpo ng kalangitan.


Gustong gusto ko talaga ang panahon na ito kesa tag-ulan. Buhay na buhay ang lugar na ito. Kumikinang ang tubig sa dagat. Hindi nakakasawang pagmasdan. 'Pag kasi tag-ulan, pakiramdam ko luha ko ang pumapatak-walang katapusan, hindi nauubos.


Tumayo na ako at naisipang maglakad lakad. Bitbit ang camera ko at maliit na messanger bag, naglibot ako. Ang kabuuan ng lugar na ito ay kulay puti at may halong asul. Napaka peaceful.. serene.. relax at para bang walang problema ang mundo. Dalawang buwan na ako dito pero hindi pa din ako nagsasawang kuhaan ito ng mga litrato. Ang mga istraktura, mga sining at kultura, karagatan at syempre ang mga tao: Kung paano sila nageenjoy at namamangha sa katahimikan ng langit at ng dagat.


Naglakad lang ako ng naglakad hanggang marating ko ang isang bar na palagian kong pinupuntahan. Dilaw ang kulay ng pader nito na para bang malapit na sa kulay kahel at may mga kulay asul na highlights. Isa itong Jazz Bar na naitayo noong 1976. May tumutugtog na ng pumasok ako. Nagsalute naman sa akin ang bartender dito. Long hair ito, malaking tao at magandang lalaki.


"The usual?" Tanong niya kahit hirap siya magsalita ng english. Sumagot naman ako ng Yes, please in greek.


"Nai', Parakalo'." At least may alam akong basic words.


Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon