Chapter Nineteen.
"Kuya? Kuyaa? Kuya?!!!"
"Aiden?"
"Kuya!! Balik ka na, okay na ako!!"
"Aiden, baby wake up!"
"Kuya?? Kuya???? Kuyaaaaaaaaaaa!"
"AIDEN!!!" Bigla akong nagising, pawis na pawis at nanginginig ang buong katawan. Bukas na ang ilaw sa kwarto at nasa harapan ko si Keon. Keon.. Kita ko sa mukha niya ang takot at kaba. Hawak hawak niya ang pisngi ko at paulit-ulit na nagtatanong kung ok na ba ako. Hindi. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit sakit. Bakit siya pa ang kinuha? Bakit hindi na lang ako?
"Keon.." Humagulgol na ako dahil sa alaalang 'yon.
"Ssssh. It's just a bad dream baby."
"No..."
"Ssshh.. go back to sleep baby."
"Keon.. si-- si ku-.. ku.. kuya.." bumubuhos pa din ang luha ko.
"Shhh. Tell me everything when you're ready but please... please baby, don't cry." Hindi ko alam kung totoo o ba o hindi, pero parang umiiyak na din siya.
"I... I killed him Keon." Naramdaman niya siguro kung gaano ako kaseryoso at kasigurado sa sinabi ko kaya tumahimik lang siya. "He's... he's gone and It's because of me. I'm the reason why my brother is gone. I killed my own brother. Oh God, I'm sorry kuya!!" Sumigaw ako. Sumigaw at paulit-ulit na humihingi ng patawad sa pumanaw kong kapatid.
"Aiden, wag mo sabihin yan. Hindi mo pinatay ang kuya mo."
"Keon.. Wa---wala kang a--alam." Niyakap niya ako at pilit pinapatahan pero kahit ang sarili ko hindi ko na mapigilan. Para bang isang nasira gripo ang mga mata ko. Walang tigil ang pagbuhos ng luha ko. Masakit na ang ulo ko at napaos na din ako kakaiyak. Nangangatog din ang mga daliri ko at naninikip ang dibdib ko.
"Breathe baby." Narinig ko na lang ang pagbuhos ng tubig sa isang baso na nakapatong lang sa bedside table. Ibinigay niya sakin ito at ininom ko naman agad. "Shhh. Breathe." Ang lakas lakas at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, tipong lalabas na ito sa dibdib ko. At ang labi ko, pakiramdam ko ba'y nanuyot na.
Minuto... oras na ang mga lumipas ng mahimasmasan ako pero patuloy pa din ang paghikbi ko. Pinahiga niya na ako uli sa kama at ipinatong ko naman ang ulo ko sa dibdib niya para marinig ko ang tibok ng puso niya at ang bawat paghinga niya dahil ito lang ang pwedeng magpakalma sakin. Dahil alam ko na para sakin ang bawat tibok nito. I love this man. I really really do. "That's my girl." Bulong niya.
Ilang oras din kaming magkayakap at tila ba hinihintay niya lang akong magkwento. Hindi niya ako minamadali o pinipilit, at 'yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Habang nakahiga ako at nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya, sinimulan ko ng ikwento ang pangyayari. Kahit masakit, pinilit kong ilabas. Gusto ko malaman lahat ni Keon. Lahat lahat ng meron sakin.
"Nagpupumilit akong lumangoy at abutin 'yung inalod kong manika, si Chelsie. Sinabihan na ako ng parents ko na bibilan na lang daw nila ako ng bago.. pero ayoko dahil matagal na sakin ang manikang 'yon. Regalo sakin 'yon ng lolo ko. Gustong gusto ko siyang makuha kaya nung narinig kong aalis muna sila at ipinabantay kami sa yaya namin na walang ginawa kundi mag-pacute sa driver namin.. nagkaroon ako ng pagkakataon para habulin ang manika ko. Kumuha ako ng salbabida at lumangoy para sundan 'yon." Parang tinutusok ang puso ko habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari. Ramdam ko pa din ang alon ng dagat at ang pag iyak ko dahil sa sobrang takot. At tila nararamdaman ni Keon ang takot ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...