Chapter Twenty.
Bakit ganon? Posible bang mahulog ka pa lalo sa taong minamahal mo na araw-araw? Ang sagot oo, dahil 'yon mismo ang nangyayari sakin ngayon. Araw-araw, nahuhulog ako at hindi ko mapigilan. Parang sasabog na ang puso ko dahil hindi niya na kayang ihandle ang nararamdaman ko para kay Keon. Sobra sobra na. Umaapaw na. Posible ba talaga o abnormal na ako dahil sa kanya?
Natutulog na siya ngayon at halos magaalas singko na ng umaga. Hindi na ako nakatulog kahit gaanong katagal kong ipikit ang mata ko. Naisipan kong lumabas muna kaya naman unti-unti kong inialis ang nakayakap niyang mga bisig sakin at tumayo ng dahan-dahan. Pagkatayo ko, kinumutan ko siya at hinalikan sa noo. "I'll be back." Bulong ko kahit tulog siya. Hindi naman ito gumalaw at tulog na tulog pa din. Ang peaceful ng itsura niya at sana may cellphone ako para kuhanan siya. Paki remind nga ako kung anong nangyari sa mga cellphone ko. Ahh. Okay. Naalala ko na., diskusyon ko sa utak ko.
Kumuha ako ng jacket sa closet ni Keon. Mmm. Ang bango.. kaya bumalik ako sa kama, pinagmasdan ko muna siya at tsaka ako naglakad palabas ng bahay niya. Paglabas ko, bumungad agad sakin ang malamig na hampas ng hangin at ang amoy ng dagat. Salty and fresh.. Ang totoo, ayoko makakita ng dagat. Ayokong ayoko dahil sa nangyari. Pero nung nakita ko ang lugar na 'to.. iba ang pakiramdam ko. Para bang hindi masakit para sakin na tumitig dito, na hindi ko naaalala dito ang masasakit na pangyayari. Iba ang dulot ng lugar na ito sakin. At lalo na ng may-ari nito.
Naglakad ako papunta sa dagat. Kalma lang ang dagat dito at hindi katulad ng huling dagat na pinuntahan ko. Naalala ko kapag may taping ako at sa dagat ang scene, halos mamatay na ako sa takot kapag malalakas ang alon ng tubig. Hihingi ako ng break at tsaka bibigay sa isang sulok ng tent ko.
Pero iba na ngayon dahil kalma dito. Kalma ang puso ko sa dagat na ito. Inilublob ko ang mga paa ko sa tubig. Napatalon ako dahil sa lamig nito pero hindi nagtagal nasanay na din ang mga paa ko. Pagkatapos ko maglaro ng kaunti sa tubigan ay umupo ako at pinanood ang pagputok ng araw. Titig na titig ako pero parang may naririnig akong tawanan. Hindi ko alam kung saan kaya tumingin ako sa paligid ko.. at doon, nakita ko ang isang batang babae at lalaki. Nagtatawanan sila habang naghahabulan. Napaiyak na naman ako dahil ang mga batang nakikita ko ay ako at ang kuya ko. Kuya..
Habang naghahabulan sila ay palapit din sila ng palapit sakin. Imbis na takot ang maramdaman ko, saya at galak sa puso ko ang nararamdaman ko ngayon. Ito kami noong maliliit pa kami. Palagi kaming naglalaro.. naghahabulan. At kapag nadapa ako andyan siya para itayo ako.. pero ngayon.. ngayon wala na siya. Walang tumulong sakin na tumayo sa mga pinagdaanan ko kundi ang sarili ko. Dati.. dahil ngayon may Keon na ako sa buhay ko.
Hindi nagtagal.. sakin na sila pumaikot-ikot at tuloy pa din ang paghahabulan hanggang magsalita ang batang babae. "Kuya, pagod na ako." I can still remember her face. Her happy face na dating nawala pero ngayon ay bumalik na ng dahil lang kay Keon. Umupo sa mismong kinauupuan ko ang batang babae at bigla nalang itong nawala.. at naging ako. Ang batang lalaki naman ay nakangiti at umupo na din sa tabi ko. Kuya.
"Oh, bakit umiiyak ang bunso'y namin? Pagod ka na ba?" Tumango ako.
"Pagod na ako kuya.. pagod na akong mabuhay.." Sinagot ko siya kahit alam kong alaala lang ito at ang kausap niya talaga ay ang batang ako. Biglang pumasok sa isip ko si Keon. "pero may isang lalaking pilit akong itinatayo.. pilit akong binibigyan ng lakas.. ng pag-asa.. na dapat akong maging matatag.. na maging malakas na ang lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay."
"Mahal mo siya?" Tumango ako at naisip kong walang ganitong tanong sa alaala kong 'yon. At tsaka ko lang narealize na kinakausap niya na talaga pala ako. Nakatitig ito sa mga mata ko. "Oh.. bakit parang nakakita ka ng multo?" Kung sa iba siguro, magtatatakbo na sila sa takot. Ako hindi. Lalo lang akong umiyak.
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...