Chapter Fourteen.
KEON.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Alam kong iniba niya ang usapan. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yon. Ready ako, anytime she wants. Nung naramdaman ko kung gaanong kasarap ang pakiramdam sa loob niya.. kung anong pakiramdam ng lapatan ng malalambot niyang kamay at 'yung kakaibang pakiramdam na binibigay niya sakin sa twing kasama ko siya, parang hindi ko na makontrol ang sarili ko. Wala na akong kontrol sa sarili ko. Sa puso ko.
"Uhm. Wala, masyado na kasing crowded sa manila kaya napunta ako dito. Tsaka tahimik dito. Gusto ko ng katahimikan." Nawala ang focus ko sa iniisip ko sa ibang bagay dahil sa sinabi niya. Parang hindi ako kumbinsido. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Pero hindi na ako nagtanong kasi once na nag open siya sakin, automatic na magoopen din ako sa kanya. Ayoko ng pagusapan ang nakaraan ko. "So.. gutom ka na ba?" Iniba ko na lang din usapan para hindi na ako magtanong pa.. o worse, magtanong siya.
"Keon! Di ka pa ba pagod huh?" natawa na lang ako sa reaksyon niya kaya hinila ko siya papunta ng kusina at inalalayan niya naman agad ako. Ang lambot ng mga kamay niya.. at ang bango bango niya.
"Uhm. Ikaw ah. Wala ka ng inisip kundi 'yon." biro ko sa kanya.
"Uy! hindi ah! Grabe ka Keon!" tumawa ito. Tawang ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko. Sana nakikita ko siya. Nagbublush ba siya ngayon? Gusto ko talaga makita. Nang makarating na kami ng kusina, iniharap ko siya sa kalan at ako naman umupo sa tapat niya.
"Go, do your magic. I'm starving." paguutos ko dito.
"Ahh. Totoong pagkain naman pala. Yes boss!" Ang saya sa pakiramdam na may nakakausap ako ng ganito. Na parang normal lang ang lahat. Na parang matagal na kami magkasama. "Ano bang gusto mo? Uhm. Wait, wag mong sagutin, baka kung ano na naman lumabas dyan sa bibig mo. Ako na bahala. Just sit back and relax."
"Well, okay. Surprise me then."
"Yes sir!"
***
"Wow! Ang sarap! Anong tawag dito?" Ngayon lang ako nakakain ng ganitong kasarap although hindi ko nakikita alam kong beefsteak ang niluto niya pero may kakaibang lasa ito hindi basta basta beefsteak. Hindi naman sa hindi masarap magluto si nanay Lisa. In fact, nasira diet ko sa kanya dahil masarap talaga magluto si nanay pero si Aiden.. mas doble, triple.. Oh God Aiden! I think I wanna marry you, right now.
"We called it Karne Purita." nahihiya niyang sabi. Nasa harap ko siya at kumakain na din siya, sinubuan niya pa nga ako.
"Karne what?" tanong ko kahit puno ng pagkain ang bibig ko.
"It's ma- Wait." Narinig ko ang paginom niya ng tubig. "It's my grandmother's recipe. Karne plus her nickname. It's like beefsteak."
"Mmm. I know pero may kakaibang lasa kasi, hindi tipikal na beefsteak. Masarap! Sobrang sarap! Luto ka uli nito ahh. Kahit ganito pa araw araw." Sabi ko habang may laman ang bibig ko. Nice Keon, ituloy mo lang yang kabastusan mo. Kapag si Nanay Lisa kausap mo ngayon at hindi si Aiden, batok na agad abot mo.
"Obvious nga, dami mo ng nakain eh. San napunta kinakain mo? Seriously? Ang lakas mong kumain pero my god! hindi halata sa katawan mo." tawa ito ng tawa. Normal day? Sinong magaakalang mararanasan ko pa ito.
"So.. you're saying na maganda katawan ko? Abs ko.. Too hot kaya hindi mo matiis?" Eto na naman ako. Baka mamaya layuan niya na ako pero tss.. I know she wants it too. I love making her blush kahit hindi ko naman nakikita. Sa boses pa lang niya alam ko na. Something na sexy at bumibilis ang paghinga niya.
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...