Euphoria.

117 3 6
                                    

Chapter Twelve.

  Napansin siguro nila ang reaksyon ko kaya ito ginigisa ako ni Lisa. Tinatanong kung anong nangyari samin dalawa habang nandoon ako sa bahay niya. Na bakit parang kakaiba daw si Keon pagdating sakin. Malungkot daw ito. Hindi ko alam sasabihin ko kaya sumagot na lang ako ng totoo.. na hindi ko alam. Magkwekwento pa nga sana si Lisa pero agad ko itong pinutol at sinabing late na at kailangan niya ng matulog. Sumunod naman.. Atleast, nakatakas na naman ako sa ganong sitwasyon.

Pumunta na din ako sa kwarto katabi sila Celine, Berna, Cecille, at Lydia. Lima kami sa isang masikip na kwarto pero hindi ako nakaramdam ng irita dahil mas masaya pala ang siksikan. Yakap yakap ako ni Celine sa pagtulog. Si Celine ang bunso sa mga magkakapatid at siya ang pinakaclose ko sa lahat. 

Mga tulog na sila, ako na lang ang hindi. Hindi na naman ako makatulog.. madami na akong iniisip tapos nadagdagan pa. Iniisip ko din ba kung galit sakin si Keon. Totoo kayang nasaktan siya ng sabihin kong pagkakamali lang ang nangyari samin. Haay, sumasakit na ang ulo at puso ko. Punong puno na ito at isang kirot na lang sasabog na. 

***

Nagising ako sa isang kulbit. Pagmulat ko ng mata, bumungad sakin at ngiti ni Lisa. "Morning." bati ko dito.

"Pasensya ka na Aiden ah. Ano kasi-"

"Alam ko Lisa. Sige, magaayos lang ako tapos punta na ako agad doon."

"Salamat. Sobrang salamat."

"Wala 'yon Lisa. Sige na, bumalik ka na sa higaan mo."

 Thirty minutes passed. Nasa pintuan na ako ng bahay niya, ni hindi niya nga ito nilolock kasi wala nga namang papasok ditong iba dahil kami kami lang ang laman ng islang 'to. Iniisip ko nga kung paano kami nakapunta dito ni Gaston gamit ang kotse ko. Well, Malalaman ko lang pag aalis na ako dito which is hindi ko alam kung kailan. Napapasarap ako sa pagtigil dito. Kung bibilin ko ba 'tong lugar na 'to kay Keon ibebenta niya.

"Nope." sabi nito. Nagulat ako, nasa harap ko na pala siya.

"Huh?"

"I won't sell this island, ever. Kahit pa sa presidente ng pilipinas." Narinig niya pala diskusyon ko sa utak ko? Nakakahiya. Hindi na lang ako kumibo uli. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong nito pero hindi sa galit na tono. More on parang masaya pa nga siya.. o iniisip ko lang.

"Ipagluluto kita ng breakfast.. pati na din ng lunch at dinner. Pagkatapos ko aalis din agad ako." Pumasok na ako sa loob at iniwan siyang nakatayo sa pinto. Nakita ko naman na nagiba ang expression ng mukha niya at napatungo na lang ito. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun.

  Kinuha ko na isa-isa mga kailangan ko para sa pagluluto ko. Naku, konti na lang pala supplies niya.. hayaan na, babanggitin ko na lang kay Lisa mamaya. Dalawang putahe ang niluto ko para hanggang dinner na. Pero minsan naiisip ko, kawawa si Keon. Naaawa talaga ako. Wala na siyang paningin, wala pa siyang kasama. Parang kinuha na sa kanya ang lahat. Masaya ba siyang ganito ang buhay niya? Hmm. Kesa magisip ako ng magisip at magpasya na magtagal pa dito, naglakad na ako papuntang pinto. Uuwi na ako. Hindi ko na kaya pang magtagal dito kasi alam ko any minute uupo ako sa sofa nito at magbabasa. Meron kasing mga libro dito.. Pang display para sa kanya pero sakin hindi.

"What are you doing? Uuwi na ko." Tanong ko sa kanya. Nabigla ako. Nasa pinto kasi siya at nakaharang siya dito. 

"I just want to talk to you." Nakatingin ito sakin pero syempre alam kong hindi niya ako nakikita.. nalulungkot ako. Sana nakikita niya ako ngayon. Sana nakikita ko kung ano talaga ang itsura ng mga mata niya.. hindi 'yung kulay puti lang ito. At naalala ko ang sinabi niya.. talk to me? Para saan? 

"No." mahinahon kong sagot dito.

"Please.."  Don't say that.. wag.. 

"Ano ba Keon? Para saan ba? Ano bang gusto mong patunayan? Ano bang gusto mong malaman? Ano?" Naiinis na ako kasi alam ko sasabihin niya. At natatakot akong tanggapin yon. Wala na akong karapatan para gawin 'yon, na magustuhan niya. Wala akong karapatan para sumaya.

"I need to tell you something.. then after, pwede ka na umalis. Basta pakinggan mo muna sasabihin ko." Pwede na akong umalis.. after. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero kailangan ko ng makaalis dito bago pa mahuli ang lahat.

"No. Stop this bullshit Keon. Alis dyan! uuwi na ko." Hawak ko na ang doorknob.. ng magsalita uli ito, this time mataas na ang boses niya.. galit siya o naiinis.. o pareho.

"Bakit ka ba ganyan Aiden ha? Bakit mo pinahihirapan sarili mo kung alam mo naman ang gusto mo.. na gusto mo din ko." Bigla na lang akong isinandal nito sa pinto pero hindi masakit. 

"Wow naman! Really, 'yun ang akala mo? Na gusto kita. No fucking way Keon." Sabi ko sa kanya, harap-harapan.

"Oh. That word.." Huminga ito ng malalim "Please, sabihin mo lang sakin na gusto mo ko kasi ako oo. Oo gusto kita. Hindi mo ba nararamdaman 'yon Aiden? Manhid ka ba? o natatakot ka lang?" Gusto niya ako? o katawan ko? dahil nakakita siya ng opportunity para ilabas 'yung beast sa loob niya. No, ayoko. Wait, anong word? 

"Ewan ko sayo! Uuwi na ko! Bye!" Kailangan ko na talaga makaalis. Ahora mismo!!

 "Sandali, hindi pa ko tapos!" Paglabas ko ng pinto hinila niya naman ako pabalik. Pagkasara ng pinto, sinapo niya ang ulo ko at idiniin niya ang katawan niya sakin. At nilapat niya na ang labi niya sa labi ko. Nung una, pinipilit kong itikom ito pero hindi ko kaya.. hindi ko na talaga kaya, alam ko at ramdam ko na unti-unti na akong nahuhulog sa taong 'to kahit anong pigil ko, kahit anong pilit ko sa sarili kong hindi mangyayari yon. Well, ito na nga. Shit lang!

  Alam kong gusto ko na din siya dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pero mali talaga 'to. Natatakot ako.. sana hindi na lang.. pero gusto ko na siya.. Gusto ko na din siya. This time, I'm sure at aminado na ako. Gusto ko na siya. Ang taong nagparamdam sakin na may langit sa tuwing hinahalikan niya ako. Na may liwanag sa madilim kong mundo. Na may buhay pa sa bawat paghinga naming dalawa. Na pwede pa pala, dahil sa pagtibok ng puso ko, mabilis na tibok ng puso ko para sa kanya.

  Una hawak niya na ako sa baywang ko at unti-unti itong umakyat sa dibdib ko. Ahh.. hindi ko na kaya pang patagalin 'to at alam kong ganon din siya. When he pulled back, we were both breathing hard. "Do you want this Aiden? Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. I want you, not your body.. Well," hinihingal pa din ito.. "let's say.. I want your body too but not as much as I want you, Aiden."

"Daming satsat. Just do it, please." I begged.. Oh god, now I'm begging. First time ko, hindi ko alam kung anong feeling 'yung nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong takot at lust. Takot dahil kapag pinagpatuloy ko to alam ko kung saan ako babagsak. Sa isang hukay kung saan nagsama-sama ang mga talunan sa gera. Pero hindi. Alam kong hindi niya ako pababayaang mahulog sa hukay na 'yon. Sana..

and in one snap.. wala na akong damit.. as in wala na.. #WASAK.

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon