After the storm named Prudence.

52 2 0
                                    

Chapter Eighteen.


"Wake up, baby." 

"Hmm."

"Aiden.. wake up." Ay, ang kulit naman.

"Ano ba, kita mong natutulog pa 'yung tao eh." Narinig ko na lang ang pagtawa ng isang lalaki. Oh, hindi lang basta-bastang lalaki dahil sakin siya. Mine. Oo na, ako na sakim.

"Pag hindi ka bumangon ngayon, hindi ka na talaga makakabangon buong araw kasi itatali kita sa kama ko." Para akong kinuryente sa sinabi niya kaya agad akong bumangon. At pagtingin ko sa kanya, parang nalaglag ang panga ko sa itsura niya. Sweaty pero sh*t lang ang hot niya. Boyfriend ko ba talaga siya? Sakin ba talaga siya? Thank you lord, hindi ko na po kailangan ng kanin at ulam. Siya pa lang solve na ako. 

"Yes baby, I'm yours at ikaw lang din solve na solve na ako. Ano tatayo ka ba o itatali kita?" Oh god, narinig niya pala. Nakakahiya. Pero parang biglang uminit ang pakiramdam ko pero grabe lang, hindi pa nga ako nakakarecover eh tapos ito na naman ako. Ikaw neng ah, wala kang pagod no? Err. Kausapin daw ba ibaba ko. Tss.

"Sabi ko nga tatayo na eh. Good morning baby! Oh, I mean good afternoon baby." Grabe naman, ang tagal ko palang natulog. "Anyare sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, nag work-out ako. Bakit?" Ahh hindi pa pala work-out ginawa niya kagabi. Pagkatapos ng drama na nangyari sakin kahapon ay pure pleasure na ang sumunod. Bliss.. Heaven. Oh God, masakit nga lang katawan ko dahil sa mga posisyon na pinag-gagawa namin kagabi. 

"Wala naman." Umupo ako at yumakap sa kanya kahit pawisan siya. Oh good god, ang bango niya pa din. Hinawakan ko ang dibdib niya at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Bumibilis din ang tibok ng puso ko ngayon. A man from another planet. Planeta kung saan gods at goddesses lang ang naninirahan.

"Oh baby. I want to tie you to my bed but—"

"Do it." Okay, ako na si Curacha, ang babaeng walang pahinga. 

"No. Kailangan mo ng kumain. Past two na, hindi ka na nakapag breakfast at lunch. Uhm. Ok ka na ba Aiden?"


"Yep." Ng makita kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko, hinawakan ko siya sa kamay at inilapat sa pisngi ko. "I said I'm okay. I swear. Hindi ko na nga naisip eh, pero kung ganyan ka.. maaalala ko pa din." Sabi ko lang 'yon pero ang totoo, malalim na sugat 'yung pangyayari kahapon. Pinangako niya naman sakin kagabi na gagawin niya daw lahat makalimutan ko lang daw kung anong nangyari kahapon. Papaltan niya daw ito ng puro masasayang pangyayari. Nahihiya daw siya dahil sa mga nasabi ng mom niya sakin kahapon. At natakot daw siya nung mga oras na parang wala ako sa sarili. 

"Okay. Well, c'mon! Our food's waiting." 

"Give me a minute." Pumunta ako ng bathroom para maghilamos at magsipilyo. Tumingin ako sa salamin at kaharap ko ang isang babaeng ngayon ko lang nakita. "Hello there." Bati ko. Kitang kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya kahit na may nangyari man kahapon. Ibang-iba na siya ngayon. She looked happy and contented. Pagkatapos ko gawin ang mga dapat, pumunta na ako ng kusina at bumungad sakin ang napakadaming pagkain. "Wow."

"Yeah. Nagpaluto ako kay nanay Lisa ng mga paborito mo." 

"Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"We will celebrate Christmas. Again. And this time, happiness na mararamdaman mo at syempre pati ng tummy mo." Nagsimulang mamuo ang mga luha ko pero hindi dahil sa kung ano mang nangyari kundi dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Wala na akong hihilingin pa ngayong pasko. Makasama ko lang siya habambuhay, kuntento na ako. Mahalin niya lang ako habambuhay, masayang masaya na ako.

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon