Chapter Three.
Matapos namin kumain. Well, 'kong' kumain.. dahil ako lang talaga kumain. Inihatid ako ni Gaston sa isang kwarto. Ang totoo? kwarto ba 'to o.. ewan! ngayon pa ba ako magiging choosy? Pasalamat na nga lang ako at tinutulungan ako ni Gaston.
"Ma'am. Nandyan na din po 'yung mga damit niyo. Buti na lang 'ho may gamit po kayo sa kotse kasi wala po kaming mapapahiram na damit sa inyo na kasing ganda ng mga sinusuot mo." Dahil sa sinabi ni Gaston, parang kumulo dugo ko. Pero hindi sa kanya, kundi sa sarili ko.
"Gaston?"
"Po?"
"Nevermind."
"Ok po." Aalis na sana siya pero tinawag ko siya uli.
"Uhm. Gaston?"
"Ma'am? Kung natatakot po kayo, wag po. Kasi wala po kaming lahing aswang. Mga simpleng tao lang po kami na mapalad na may natitirahan pa." Ngumiti ito sakin pero hindi umabot sa kanyang mapupungay na mata. Matanda na si Gaston. Sa pagkakaalam ko malapit na siyang mag fifty years old.
"Bakit mo ko tinutulungan? Bakit ang tyaga-tyaga mo sakin?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dalawang taon ko ng driver si Gaston. At kahit siya ang napagbabalingan ko ng galit ko o natatarayan ko, hindi pa din siya bumibigay, hindi niya ako iniiwan. Ngayon alam ko na. Para sa pamilya niya. Grabe, treseng anak? oh my!
"Ma'am.. sabi niyo po ilayo kita sa syudad. Ginawa ko po. At sakto po ito na po 'yung pinakatagong lugar na alam ko at masaya ako kasi makakasama ko na po uli ang pamilya ko matapos ang dalawang taon."
"Oh." Hindi ko alam sasabihin ko. Sa itsura niya, parang galit siya sakin dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makauwi sa pamilya niya.
Palabas na siya ng kwarto ng bigla pa ulit itong magsalita. "At alam ko't nararamdaman kong mabuti kang tao. Ayaw mo lang ipakita dahil takot kang masaktan ma'am." Dahil doon, parang may nagbago sakin. Parang may narinig akong pagclick.
"Summer."
"Po?"
"Summer na lang tawag mo. This time, walang artista,, walang driver. Ok?"
"Sige. Matulog na po kayo."
"Gaston?" napatigil uli ito at tumingin sakin. "Wala na din sanang 'po'.."
"Sige." tatawa tawa na ito. Parang bumata tuloy siya dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Syempre, wala ng mas sasaya kung kasama mo pamilya mo. Not like me. May pamilya nga, nasa malayo naman. "Matulog ka na.. Sum-mer. he he."
***
Nagising ako sa ingay ng manok sa labas. Ang ingay! natutulog pa ako eh! "Gaston! Patahimikin mo yang manok o ako magpapatahimik dyan!" Sigaw ko ng maalala ko kung nasaan ako. Tumayo agad ako at naramdaman ang sakit ng katawan ko sa tigas ng hinihigaan ko. Pumasok naman si Gaston sa kwarto. Wala kasi itong pinto kundi tela lang.
"Tawag mo ba ako? Ok ka lang ba ma'am?" sigaw din ni Gaston. May dala itong matalim na itak. Kinabahan naman ako.
"Woah! Woah! What's with the thingy there eh? Put it down."
"Sorry po. Akala ko po kasi nandito 'yung sawang nakawala kanina eh."
"ANO????!!!" Napagalaman kong may sawa o snake na super big na nawawala. Hala! nasaan ba akong lumalapop ng pilipinas ha? Sawa? sa loob ng bahay? Ano 'yun parang pet nila na pagala-gala lang sa loob ng bahay na parang si Muffin? haay.. si Muffin. Nakalimutan ko siyang isama. Sana inaalagaan siya doon ngayon. Sorry baby.. Si Muffin ang pug ko.
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...