News.

29 2 0
                                    

Chapter Twenty-one.

AIDEN.

"You know that I can undress myself, right? Sayang naman ang mga kamay ko. Masyado mo na silang iniispoiled."

"I can do it for you. You know I love undressing you at 'yang mga kamay mo.. god, 'yang mga talentado mong kamay..." Namula naman ako bigla sa ibig sabihin niya. Naimagine ko tuloy kung anong mga pinag-gagagawa ng mga kamay kong 'to kanina lang.

"Fine." Tatawa tawa kong sagot. At ginawa niya nga. Matapos niya tanggalin ang bawat telang nakatakip sa buo kong katawan ay binuhat niya ako sa inilagay sa maligamgam at napakabangong tubig sa bathtub na niready niya at tsaka siya naghubad at umupo sa likod ko. "Woah. Handang handa ah." asar ko sa kanya ng maramdaman kong may tumusok sa likod ko. Tumawa lang siya at niyakap ako.

"Kasalanan mo." Bulong niya. Bukod sa maligamgam na tubig ay uminit din ang katawan ko. Bumilis ang bawat paghinga ko at ganon din si Keon. "Look at me." Bulong niya uli at pagtingin ko sa kanya ay hinalikan niya ako. Hinalikan na para bang wala ng bukas.

What a great morning to start.

Inggit ka? Humanap ka ng Keon mo. 

***

  Buong araw lang kaming nakahiga kahapon. As usual. Pero hindi ako nabobored o nagsasawa na ganito lang ang ginagawa namin bukod sa kumain at.. okay. Stop na. Grabe, namumula at nagiinit ang pisngi ko everytime na aalalahanin ko ang mga ginawa namin. Okay, last na. Stop na ako talaga.

  Pero one thing's bothering me since one week ago. Itong mga nakaraan araw, napapansin ko si Keon. Parang.. may kakaiba. Sa kilos niya.. sa mukha niya. Sa pagsasalita niya. Parang may hindi siya sinasabi sakin. O paranoid na naman ako? Ewan ko.

"Aiden.. Nandito na ako!" Sigaw ni nanay Lisa kaya naiba ang laman ng isip ko. Galing sila ng palengke para bilhin ang mga gagamitin ko sa kare-kare. Nalaman ko din kasi na paborito ito ni Keon. Bukod sa puso niya.. tiyan din niya ang patatabain ko. Naisip ko bigla ang matabang version ni Keon.. Ang cute!! Sana maging okay na siya kung ano man 'yung iniisip niya kapag natikman niya na ang luto ko at ang surpresa ko.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Ang ganda ng araw mo ah." Asar ni nanay Lisa. Nagkatinginan lang kami at humagalpak sa tawa. "Sabi na eh, nahawaan ka talaga ni nanay."

"Oh.. Kamusta na nga pala siya?" two weeks ago, nagkasakit si nanay Tishang. Sa sobrang lamig daw ng panahon. Simpleng ubo lang ng una hanggang sa lumala. Napasukan na daw ng lamig ang baga niya. Matanda na siya pero kung gumalaw akala mong minorde-edad. Kung maglinis akala mo walang marurupok na balakang. At kung magsalita.. Oh god, akala mong naka loud speaker lang. Pero hindi, mahal ko si nanay Tishang at sobra ang pagaalala ko ng balitaan ako ni tatay Gaston sa nangyari.

  Kahapon din ay kinontak ko na ang manager at agency ko para sabihing buhay pa ako, hindi ko din sinabi muna kung nasaan ako at nirerespeto daw nila 'yon. Natuwa naman ako ng malaman na nagaalala sila sakin. Ilang buwan din akong hindi nagparamdam. Magfefebruary na at kailangan ko ng magpakita uli sa mga tao at magpaalam.

  Ayoko ng maging artista. Kahit mahal ko ang pag-arte. Minsan kasi may hangganan lang ang lahat. Matapos ang kalahati ng buhay ko na inilaan ko sa pagbibigay ng magagandang pelikula at teleserye sa mga tao, siguro naman ngayon pwede na akong maging isang normal na babae. Totoong umiibig at walang halong pag-arte. Napag-usapan na din namin ito ni Keon at sang-ayon siya sa gusto ko. Noong tinanong niya ako kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko.. tinanong ko din ang sarili ko. Ano nga ba? Hanggang ngayon hindi ko pa din alam. Pero dadating din ang araw.. malalaman ko. Mmmm. Sabihin na nating siguro alam ko na.. pero hindi ko alam kung sasang-ayon si Keon.

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon