Chapter Twenty-nine.
Maghapon akong humilata sa kama. Hindi ako lumabas ng hotel para maglibot. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga nasabi ko kay Keon kanina. Kaya saktong pagpatak ng alas nueve bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos ng sarili.
Magpapakalunod ako sa alak ngayong gabi.
I know hindi ito ang magandang idea para kalimutan ang nangyari kanina pero kahit saglit lang. Kahit ilang minuto lang akong maging manhid sa lahat ng nararamdaman ko. At alam ko din na kapag nagising ako bukas, babalik ang lahat: Lahat ng sakit. Kaya for the last time.. gagawin ko ito.
Ten forty-five ng gabi ako umalis ng hotel at pumunta ako sa isang club. With my mini black lace dress, black pumps at hot pink clutch bag.. ready'ng ready na ako pumarty! Pagpasok ko ng club punong puno ito ng mga tao at karamihan ay lalaki pero wala sila para sakin. No time para lumandi o maghanap ng isa pang sakit sa ulo. Gusto ko lang mag-enjoy. Maiba ang laman ng isip.
Para akong nasa loob ng isang kwebang punong puno ng mga nagsasayawang tao. Kulay puti ang kabuuan nito at may mga nakasabit ng palamuti sa kisame nito. Pinaghalong alak, pawis ng tao, matatapang na pabango at sigarilyo ang naaamoy ko. Umorder ako ng pinakasikat na inumin dito-Santorini sunrise. Cocktail ito na kulay brown with pear nectar and peach brandy. May halo din itong vodka at champagne kaya alam ko ilang order lang wasted na ang kakantahin ko.
Ang iba nagsasayaw sa dancefloor at ang iba naman.. well, may sarili silang mundo. Bigla kong inalis ang mga tingin ko dahil aaminin ko.. Nakaramdam ako ng inggit at naalala ko kung gaanong kasarap ang mga halik niya.
Argh! Bakit ko ba siya iniisip! Kaya nga ako nandito para makalimot pansamantala. Gusto ko tuloy pukpukin ang ulo ko pero naisip ko baka akalain ng mga tao dito nababaliw na ako. Pero nababaliw na talaga siguro ako.
Nakakadalawang order na ako ng biglang patugtugin ng dj ang sarili niyang remix ng kantang Insomnia ni Audien. Binilisan kong inumin ang pangatlong order ko at tsaka ako tumayo at sumiksik sa mga tao para makapunta sa gitna ng dancefloor.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko bumungad sakin ang nakangiting bartender sa isang jazz bar na palagian kong pinupuntahan. Ngumiti din ako dito at nagsimula na kaming magpatianod sa tunog na bumabalot samin.
Ilang oras din ako sa club. Uminom.. sumayaw. Uminom. Umiyak. (Sorry naman, bigla nalang kasi sila tumulo pero agad din 'tong nawala gawa ng mga kasama ko.) Uminom.. Sumayaw.. Uminom at lumabas ng club para makasagap ng sariwang hangin. At doon ko siya nakita.
"F*ck!" Sigaw ko ng matalisod ako. Bigla naman akong itinayo ni Minos-the bartender-kasama ang mga barkada niya. Pare-pareho na kaming lasing at wala kaming ginawa kundi magtawanan kahit hindi ko naman maintindihan ang ibang sinasabi nila.
Naramdaman ko namang pumunta na sa bandang balakang ko ang kamay ng isa sa mga kaibigan ni Minos.. si- hindi ko matandaan ang pangalan niya ni itsura niya nga hindi ko maexplain. Hindi siya gwapo! FYI! Hindi lahat ng greek gwapo! Pakshet! Walang wala sila kay Keon! Sh*t! Sh*t! Ang sakit ng ulo ko!
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...