Sorrowful

78 3 2
                                    

Chapter Six.

  Ngayong araw, hindi ako nakasamang mangisda dahil binantayan ko si Lisa. May sakit siya ngayon at kailangan magpahinga. Naturingang takot siya sakin kaya naman ako ang ginawa nilang gwardya nito. Isang napakagandang bantay. Dalawang linggo palang ako dito pero parang ang tagal tagal na at agad kong nakaclose ang mga anak nila at mga magulang. Pwera kay Lolo Tonyo na kasing tigas ng bato ang ulo. Ang kulit! 

Malaki na ang pinagbago ko ng mapunta ako sa paraisong ito. Or should I say, bumalik ako sa dating ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang maging simpleng babae sa harap ng tao. Dito, hindi ko kailangang magpanggap. Hindi ko kailangan ng pride. Wala akong kailangan kundi ang mga taong kasama ko ngayon dito.

"Aiden.. sige na, payagan mo na ako pumunta kay Keon. Nag-aalala ako sa batang 'yon. Hindi ako kampanteng si Nanay Tishang ang pinapunta natin doon. Baka siguro ngayon, nasiraan na ng bait si Keon dahil sa kulit ng nanay ko." Angal ni Lisa. Natawa naman ako at naisip kung anong ginagawa ni lola Tishang doon. Sixty-one na si Lola pero parang hindi. Bagets itong pumorma. Sabi pa nga niya isasama niya daw akong mashopping sa UK. Sabog tyan ko ng sinabi niya 'yon. Ngayon lang din uli ako tumawa ng ganito. As in, totoong tawa. Walang halong pagarte at pagpapanggap. May kasama ka ba naman ganitong klaseng pamilya, tignan natin kung hindi sasabog tyan mo sa kakatawa. "Aiden.. 'wag mo sabihin nahawaan ka na ni nanay?"

"Huh? Bakit?"

"Tatawa tawa ka kasi magisa dyan."

"Sorry. May naalala lang ako." Wait. Pause ka muna magbasa.. balikan mo 'yung sinabi ko. Yup, 'Sorry'.. Ang totoo, hindi din ako basta basta nagbibitaw ng salitang 'to kapag hindi talaga karapat-dapat sabihin.. pero nung napunta ako dito para bang naging expression ko na 'to. Ni pag nababangga nga ako dito, ako pa nagsosorry. Hindi katulad dati, makikipag-away pa ako para lang marinig ko sorry ng kung sino mang nabangga ko. Oo, ako nakabangga pero sila magsosorry. But now, hindi na. Ni mura hindi ko na din nagagawa. Thanked God! dahil sa mga batang inosenteng kasama ko dito nahawa ako. Good news di ba? Oh, sige, basa ka na uli.

"Aiden.."

"Lisa-" sasabihin ko sanang wag na siyang makulit.

"Please?" Bigla naman akong natameme sa itsura ni Lisa ngayon. Sampung taon ang agwat niya kay Gaston pero parang mas matanda pa ito kay Gaston. Sa sobrang dami ng iniluwal niya sa mundo nagmukha na siyang lola ng mga anak niya. Napakamot naman ako ng ulo. Hoy! Wala akong kuto ah. 

"Hindi nga kasi pwede. Magagalit sakin si Gaston pag pinalabas kita.. Ganito na lang.. uhm.. ganito.. Kung ako na lang muna doon, kampante ka ba? Magpapahinga ka ba? Ano?" Walang pag-aatubuling ngumiti ito at niyakap ako. 

"Maraming salamat. Sige na, punta ka na doon at pabalikin mo na si nanay dito. Ayaw pa naman ni Keon ng maingay. Eh alam mo naman ang nanay, daig pa megaphone sa lakas ng boses." Nagtawanan kami nag parehas naming maimagine si Nanay Tishang.

"Ok." Naglakad na ako palabas pero napatigil din ako. Tama ba 'tong gagawin ko? Simula kasi nung magpunta ako sa bahay niya iyon na din ang huli. Palagi ko na lang siya nakikita sa laging niyang pwesto at nakaharap sa dagat. Ni hindi ko nga magawang kausapin uli ito. Oo na, ako na guilty. Ako na namintang sa isang katulad niya. Kaya nga hindi ko makausap eh. Gosh, pwede bang umatras? "Ah.. Lisa.."

"May nakalimutan ka? Ah! 'Wag ka magalala.. hindi nangangagat si Keon." kumindat ito at humiga na uli sa kama niya.. o sofa. banig? ah ewan! ninenerbyos ako. Wait! Anong sabi ni Lisa????

"Huy huy! Hindi ako nagiisip ng ganon ah. Grabe ka."

"Eh bakit parang kinakabahan ka? teka.. kung hindi ok sayo na pumunta doon, ok lang naman. Ako na lang.." Tatayo na uli ito at agad kong hinila pahiga.

"Humiga ka dyan! Isa!"

"Pasensya ka na ah. Wala kasing pwedeng pumunta doon. Hindi pwedeng mga anak ko. Mga bata pa sila at baka kung ano pa ang masira nila doon. Kami na nga ang tinutulungan ni Keon tapos may mangyayari pang ganon." Haay.. ano pa nga bang magagawa ko. Tumayo na ako pero hinila din ako ni Lisa pabalik. Ano ba 'to, hilaan lang ang drama?? Nagulat naman ako ng wisikan ako nito ng isang cologne. "He he. Iibre lang yan noong may nagpuntang artista sa bayan. O sige na, punta ka na dun." Hindi na ako nakareact dahil napansin ko na lang naglalakad na ako papunta doon.

May nakita naman akong kahoy at agad ko itong kinuha. Mamaya kasi may hayop o ahas na sumugod sakin.. pero naisip ko, anong magagawa ng isang sanga ng puno na kasing nipis ng daliri ko? Haay. Nagsisimula na din akong manginig. Ninenerbyos ako.. I don't know why. Hell. Oops. Sorry.

  Nasa harap na ako ng pinto ng bahay niya. Kakatok na ko pero pinigilan ito ng isa kong kamay. My gosh, anong nangyayari sakin? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito ng walang dahilan.. seryoso. Hindi naman ako inaatake siguro ng panic attack ko no? o baka nga. Whew! Nagbubutil ang mga pawis sa noo ko. Parang mas gusto ko pa ngayon kagatin ng ahas kesa pumasok dito. Aaah!! Ano bang nangyayari sakin? Ikaw, oo ikaw na nagbabasa.. alam mo ba kung bakit? Hindi? Weh?

  Bumilang ako ng tatlo bago ako kumatok.. saktong tatama pa lang ang kamao ko sa pinto ng may marinig akong tunog. Tunog ng isang violin. Isang napakalungkot na musika. Para bang sobrang bigat ng pinagdadaanan ng tumutugtog nito. Ano kayang kanta 'to? At sino ang tumugtog nito? Ang bigat bigat ng pakiramdam ko hindi ko namalayan umiiyak na ako. Hala? Anong nangyayari sakin? Bakit ako umiiyak? Ngayon lang ako umiyak.. ngayon lang ulit. Napaupo na lang ako sa harap ng pinto. Hindi ko magawang tumigil kakaiyak. Para bang kwento ng buhay ko 'yung musika na naririnig ko ngayon. Ang sakit sakit. Sobrang sakit. Daddy.. Kuya..

Wala pa ding humpay ang pag-iyak ko kaya hindi ko alam na may tao na palang nakayakap sakin. Hindi ito imahinasyon.. totoo ito. Naririnig ko ang pagpapatahan niya sakin kahit nabingi ako sa pagkakaiyak ko. Hinayaan ko lang itong yakapin ako.. pakiramdam ko dalawang taong pinakamamahal ko ang pinagsama sa yakap niya.

Ayoko ng marinig ang tunog na 'yon. Ayoko ng umiyak ng ganito. Ayoko na sa buhay ko. Bakit palagi na lang ganito? Bakit pag alam ng Diyos na masaya tayo sa mga taong nakapaligid satin tsaka niya kukunin ito? Bakit? Bakit hindi na lang ako? Ako na lang sana.. wala na akong dahilan para mabuhay sa mundong 'to. Bakit sila pa? Ako na lang. Ako sana.

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon