Curiosity

92 3 1
                                    

Chapter Five.

'Pagkabalik namin ng bahay nila Gaston. Biglang nawala ang arte ko sa katawan. Kung kagabi lang hindi ko magawang humawak ng mga bagay dito dahil baka may germs. Sorry, maarte ako eh. Aminado ako kaya wag mo ng ulitin. Mabalik sa usapan.. Ayun nga. Ah ewan! Nakalimutan ko na tuloy sasabihin ko ng bigla akong tawagin ni lolo Tonyo. Malas!

"Ne, tara di ne. Silipin mo nga itong dyaryo dahil hindi ko na masyadong maaninag." Lumapit ako dito at nakita ang front page ng dyaryo. Sino pa ba, edi ako. Summer Aragon: Nagtatago na. "Ne, anong sabi ng balita?" 

"Po?"

"Marunong ka bang magbasa?" Parang gusto kong hampasin sa ulo 'tong matandang 'to pero hindi.. napakasama kong tao para magisip ng ganon.

"Sabi po sa dyaryo, uso daw po salamin sa panahon ngayon kaya magsalamin daw po kayo para nababasa niyo."

"Huh? Ano?"

"Bingi po kayo?" Ay! sorry naman, hindi ko na napigilan eh. Nakita ko naman na nakasilip 'yung anak ni Gaston. Hindi ko alam pangalan pero sinitsitan ko ito at sinabing siya na bahala sa lolo niya. Makulit daw talaga si Lolo Tonyo kaya pagpasensyahan ko na lang daw ito. Grabe kaya makapanglait si Lolo Tonyo kagabi. Ay, hindi ko na sasabihin kung ano 'yun. Panay kaartehan ko lang naman sa katawan napuna niya.

***

  Gabi na at nakita ko si Gaston na nakaupo sa labas ng bahay. Tila parang may iniisip ito. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Napansin niya agad ako at ngumiti ito sakin. "Kamusta ka naman?" tanong nito.

"Yung totoo? Masaya ako. Hindi ko alam na pwede pa pala akong makapagtago after all this time. Na walang nakakaalam kung nasaan ako. Ang sarap sa pakiramdam! Isang araw na akong hindi nakakakita ng camera flash at mga press na makukulit." pagkasabi ko itinaas ko ang mga kamay ko at pinakiramdaman ang lamig ng hangin. Ang saraaap!

"Mabuti naman kung ganoon." Bigla siyang tumahimik at binalikan ang kanina niyang pagiisip. Ano kayang iniisip ni Gaston? Ngayon ko lang siya nakatabi at nakausap ng ganito. Bigla naman pumasok sa isip ko si Keon.. Keon..

"Can I ask you something?" tumango ito. At nagisip pa ako kung itutuloy ko ba o hindi. Hindi sa chismosa ako, pero napapaisip lang ako buong araw sa sitwasyon ni Keon. Bakit siya nandito at nagiisa? Wala ba siyang pamilya? Ulila na ba siya? Kriminal na nagtatago? Takas sa bilanggo? Oh wait.. nahilo ako sa mga tanong ko. Huminga na lang ako ng malalim at sinabi ang naunang tatlong tanong sa isip ko.

"Ah.. Si Sir Keon.. Napakabait na bata. Hindi siya ulila.. nasa ibang bansa ang mga magulang niya. May kapatid siya, si Ma'am Keira. Nasa manila po siya ngayon at may sarili ng pamilya. Paminsan-minsan po dinadalaw niya dito si Sir."

"Paano siya nabulag?" Bigla na lang itong lumabas sa bibig ko. Damn it! ang chismosa ko na. Kaasar. Oh well, mamaya ko na ichcharge ang pride ko. :P

Tumingin ito sa kawalan at parang naluluha pa. Bigla naman akong nalungkot.. Kung paano sila magusap kanina.. para silang mag-ama kung magturingan. Ramdam ko din na parang anak na din ni Gaston si Keon. "Naaksidente siya, matapos niyang grumaduate ng college." Oh my! Hindi ko alam ang sasabihin ko. pero sa reaksyon ko, alam na ni Gaston na nagulat ako at nalungkot sa nangyari. Hindi na ako ulit nagtanong tungkol doon. Masyadong mabigat ito para sakin kaya iniba ko na ang usapan.

"Matagal na kayo magkakilala?"

"Oo. Bagong panganak pa lang siya ng magsimula akong magtrabaho sa pamilya nila." Matagal na nga.. pero.. ilang taon na ba si Keon? Tila nabasa ni Gaston ang utak ko kaya sinagot niya ang katanungan ko. "27 na si Keon." So.. meaning.. "Pitong taon na siyang bulag." 

"Oh." Speechless ako. 

"Sige na Summer.. Aiden.. ano po ba talaga? he he."

"Aiden na lang.."

"Ok. Osya, matulog na ka, gabi na. Bukas mangingisda tayo." Hindi ko ipinahalata, pero excited ako! Ayee, 'yung mga gustong gawin.. eto na. Simple lang ako.. maniwala ka. Mukha lang akong elegante tignan, which is good pero.. simple lang talaga ang mga gusto ko. Mababaw lang akong klase ng tao.

Maniwala ka. Swear! :P

***

  Tatlong araw na ako dito at wala pa din akong nakikitang paparazzi na nagtatago sa lugar na 'to. Ayos! Ngayon ko lang uli naramdaman ang maging ganito. Ang saya! Ang saya saya! Sobrang malaking bagay ang pagdadala sakin ni Gaston dito. Kaya 'yung sinabing kong pag-rerecharge ng pride ko? tss. Ano nga ulit? hehe.

Usually, hindi ako maagang nagigising. Ang totoo? May insomnia ako pero dahil sa lugar na 'to, nilubayan na ako ng sakit kong 'yun. Kada umaga sinasama ako ni Gaston at ng mga anak niya para mangisda. Oh well, taga nood lang ako. Pero ang saya lang. Ang normal ng buhay ko.. pero alam ko may hangganan din ito pero bakit ba! ieenjoy ko habang nandito ako.

  Sabay-sabay kaming kumakain ng pananghalian ngayon. Hindi nga kami nagkasya sa lamesa kaya ang iba nasa kung saan sulok ng bahay kumakain. Thirteen plus two plus four plus me. Isipin niyo kung anong itsura namin ngayon sa bahay nila. Hindi kalakihan ang bahay nila Gaston. Isang palapag lang ito at gawa sa bato at kalahati ay kahoy. Ang salas nila ay kusina na din. May lutuan sila sa likod ng bahay at may mga malalaking galon dito na lalagyan ng tubig na inumin. 'Yung una, nagtiis akong hindi uminom dahil baka magkaamoeba ako sa katawan pag ininom ko ito.. pero nung nalaman ko kung saan nila kinukuha tubig nila.. muntik ko na atang maubos isang galon nito. Sinama kasi nila ko kahapon kung saan sila kumukuha ng tubig. Alam mo kung saan? Hindi? Ako alam ko! 

Pumunta kami sa isang napakagandang lugar bukod sa dagat sa islang 'to. Hindi ko masasabing nasa gitna ito ng isla dahil una: hindi ko naman alam kung gaano kalaki 'to, pangalawa: wala akong balak alamin. Noong una akala ko nasa isang location ako ng isang movie na tungkol sa paradise. May falls dito at sa pinakaibaba nito ang kinukuhanan nila ng tubig. Bukal ang tawag nila at grabe, gusto ko sanang lubluban kaya lang naalala ko iniinom pala. Napakalinaw ng tubig at kita mong malalim ito.

Pabalik na sana kami ng bahay ng maisipan kong maligo dito at nagsiliguan na din ang lahat.. kasama ang bago kong mga kaibigan. Si Bernadel, Cecille, Lovely, Pancho, Calixto at Jose. Ilan pa lang sila sa mga anak ni Gaston. Ay grabe! ni 'yung nagaaral nga ako hindi ko nakabisa mga pangalan ng classmate ko.. eto pa kaya. Trese! Trese sila! Grabe di ba? Ang sipag!!

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon