Aiden.

99 2 0
                                    

Chapter Nine.

KEON. 

  The first time I heard her angry accusing voice, naisip ko pumunta ba ako ng dagat at nalunod? Am I on the other side? The last time I checked, hidden, undisturbed at isolated 'tong island pero hindi. Buhay pa ako at tamang may naririnig ko. May tao sa island ko at ang malaking tanong.. sino siya at paano siya napunta dito? Naligaw ba siya? o may nagdala sa kanya dito.. And one thing na ayoko, 'yung pinagbibintangan sa isang bagay na hindi ko naman ginawa until I heard her saying that word. One word. One freaking word. Isang salita na matagal ko ng hindi naririnig, lalo na sa isang babae. It's been what.. seven years since I've become the lamest person in man's world. Ngayon ko lang narealize that my life sucks, bigtime! Seven years.. whew! masyado ng matagal. So when I heard it, not once, not twice, yeah.. madaming beses, 'yun lang talaga yung salitang napick-up, niregister at itinattoo sa utak ko, parang may nabuhay sa katawan ko. Parang gusto ko siyang hilahin papunta sakin at iparamdam kung anong ginawa niya sakin. Kung anong binuhay niya. Pakiramdam ko ba nakulong ako sa isang kweba ng mahabang panahon at ngayon hayok sa presensya ng isang babae.

  Pitong taon na din ako dito sa isla. Halos nakabisa ko na nga ang lugar kahit wala na akong paningin. Ang daan, ang panahon at ang amoy ng dagat. Pero ngayon, nagiba.. Pinaghalong amoy ng dagat at niya ang naaamoy ko. Odd pero gusto ko. Strange pero masarap sa pakiramdam. Para bang may bagong salta sa selda ko na pwedeng may magandang dulot. O hindi.

  But one thing's bothering me, no, two. First, why is she mad at me? and second, why is she accusing me for something? Eh siya nga itong pumasok sa isang lugar na pagmamay-ari ko. She keeps on telling me na kilala ko siya which is hindi. Hindi ko siya kilala. At never in my entire life akong nakarinig na boses ng katulad sa kanya. She has a seductive and sultry voice. Pero kahit nadala niya ako ng boses niya, nainis pa din ako. Hindi ko alam kung paano talaga siya napunta dito until dumating si tatay Tonton. And he called her ma'am. At tsaka pumasok sa isip ko na, hindi siya trespasser o intruder na basta nalang pumasok ng isla. Kapag kilala ni Tatay Tonton, siguradong hindi masamang tao. Pero iniisip ko pa din, bakit siya sinama ni tatay Tonton dito? Nakakapagtaka lang.. sa pagkakaalam ko wala na silang ibang kamag-anak.

  Aiden is her name. It suits her voice.. little fire. Kasi pakiramdam ko ba'y nagaapoy ang katawan ko ng marinig ko siyang magsalita. Galit o hindi. Paano pa kaya kapag isinisigaw niya ang pangalan ko?Aiden.. the way she said her name, sabi ko, that's it! Magkaroon lang ako ng chance, bibitbitin ko siya sa kwarto ko. 

  Nagusap sila ni tatay Tonton, pero parang hindi sila magkakilala. Hindi sila close. Hanggang sa patunayan na nga niya na sakin 'tong isla. Pahiya siya. Siguro namumula na siya sa hiya ngayon, gusto ko tuloy makita.. Bigla naman nagspeech si tatay Tonton at paulit-ulit nalang siya sa pagtawag sakin ng sir. Nang magtanong siya kung sino kasama ko, naalala ko kung anong itsura ko ngayon. Dyahe, ang nipis pa naman ng short ko ngayon na kahit nakaupo ako halata.. napansin niya kaya? Wag sana. Naguusap na kami ni tatay Tonton sa paulit-ulit naming diskusyon. Pero ng magtanong siya kung okay lang ba si Aiden. Parang hindi na ako nakagalaw kasi baka nga nakita niya ang dapat hindi. Bro, kalma lang baka nabigla siya sa pagpapapansin mo sa kanya. Kalma lang.

  Hindi ito nagsasalita, baka napatulala na kay bro. At nang sabihin na ni Tatay Gaston na ihahatid niya ako, tumayo na ako at kinuha ang stick ko or white cane.. sa iba. Nang mapasinghap ito alam ko na kung bakit. Kahit nga ako nakalimutan ko, nawala sa loob kong wala akong nakikita.. hindi na ako nakakakita. Kaya ng magtanong siya sinagot ko, dahil 'yon ang totoo. Tanggap ko na although alam ko din naman na may chance pa akong makakita.. pero ayoko. Bakit pa? Wala akong maisip na rason.

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon