Chapter Four.
"Sir?"
"Ma'am?"Sabay naming sabi. Sir? Meaning.. totoo sinasabi niya? Bigla naman akong nakaramdam ng kaba at hiya pero hindi baka kasabwat si Gaston! No!
"Eh amo ko nga pala, si Ma'am--"
"Aiden." Napatingin naman sakin si Gaston at nagtataka. Dahil hindi niya ako kilala iniba ko pangalan ko.. at ayoko ngang malaman niyang artista ako kasi baka ireport ako nito sa press. Gusto kong magtagal sa lugar na ito. Gusto ko munang tumahimik ang mundo ko. For once, gusto ko muna hindi matutukan ng camera at spotlight. Half of my life ko ng ibinigay sa mga tao ang buhay ko. This time, akin ang buhay ko.
"Ma'am Aiden po."
"Aiden lang, Gaston. Paulit-ulit lang?"
"Ay sorry po. Aiden, si Sir Keon po.. dati kong amo pero si Lisa naman ang nag-sisilbi sa kanya ngayon." Si Lisa, ang asawa ni Gaston. Ah, so totoong ngang taga rito siya. "At siya po ang may-ari ng lugar na ito. Malaki papasalamat ko kay sir Keon dahil pinatuloy niya kami sa isla niya." Sabi ko nga siya may-ari di ba? Naku naku, hindi ko na lang pinahalatang pahiya ako. "Sir, magisa lang po ba kayo? Sino pong kasama niyo pumunta dito?"
"Ah ako lang.. Tatay Tonton naman, 'wag mo na po ako tawaging sir. Buti pa si Nanay Lisa, Keon na lang po ang tawag sakin." Biglang nag-iba ang boses nito, hindi na katulad kanina na galit at mapang-asar. Ang tangkad niya talaga at mukhang modelo. Bakit hindi agad ako naniwala sa kanya? Kasi hindi kapakapaniwala? o naging paranoid lang ako? At ang mga pandesal niya, full version. Kitang kita ko na talaga. Bigla naman nanuyo ang lalamunan ko na mapatingin ako pababa. Oh my, totoo ba nakikita ko? O imagination ko lang? Oops. Balik sa taas, baka sabihin niya manyak ako.
"Ah ganon ba, nakakahiya kasi. Malaki ang utang na loob namin sayo kaya naman ayaw namin na tinatawag ka lamang namin sa pangalan mo." Nag-usap lang sila at ako naman paunti-unting naglalakad paatras. Gusto ko na lang tumakbo dahil sa sobrang kahihiyan.
"Aiden, ok lang ho ba kayo?" tanong ni Gaston. Argh! Kainis naman. Nakakalayo na nga ako paunti-unti eh. Buti hindi na lumingon sa direksyon ko si Keon. "Ihatid ko lang ho si Sir.. este Keon sa bahay niya.. he he ano ba yan. osya, mauna na ho kayo sa bahay." Sabi ni Gaston at nagtaka naman ako. Bakit ihahatid pa? Pilay o pa-baby? tss. Laking mama pa-baby. Napahawak na lang ako sa bibig ko ng malaman kung bakit..Oh my!! Oh my! No fucking way.
"Wait! Are you-"
"Blind? Yep. I am." Sagot niya. Kinakapa niya na ang dinadaanan niya at may tungkod itong hawak na hindi ko naman napansin kanina. My god!
"I'm sorry. I didn't know." Hindi ko talaga alam. Hindi ko napansin at my gosh! Napagbintangan ko pang paparazzi at stalker ang isang walang paningin. Lamunin na lang sana ako ng buhangin ngayon. At naisip ko pa talagang sana hindi niya na lang ako nakikita dahil sobrang nakakahiya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.
"It's okay." Napangisi na lang ito.. ay jusme! ang cute niya. Eh? Napansin ko pa 'yon? Jusme! Summer, anyare sayo?
"Aiden, bakit ka nahingi ng sorry kay Keon?"
"Ah! Nothing." Napatawa uli si Keon, this time as in tawa talaga. Hindi smirk, hindi mapang-asar kundi tawa talaga. Ang sarap sa tenga.. oh em! Sinabi ko ba 'yun?
"Samahan mo na lang kami, para makapaglibot ka na din sa isla ni Keon." Good idea pero.. grabe, ang sarap pukpukin ng ulo ko ngayon."Ah eh, wag na lang." ang awkward kaya nun! tss. Pride check: 20%
"Ok, sige ingat na lang ho pabalik ng bahay.."
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...