Chapter Two.
Madilim na ng magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. At ang kakaiba pa dito, wala si Gaston at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Hinayaan niya lang akong matulog pero sana hindi niya ako iniwan magisa. Natatakot ako.. Oo na! Ako na duwag. Ikaw ba nasa isang madilim at nasa isang masukal na lugar, anong gagawin mo?
Buwan lang ang nagsisilbing ilaw ko ngayon at natatakot na ako talaga. Nasaan na ba kasi si Gaston? Tinototoo niya ba ang mga sinabi ko kanina? Baka niligaw niya na ako? o baka.. impyerno na talaga 'to? Tss. Tanga! Ang OA na Sum.
Nakikipagdebate ako sa sarili ko kung lalabas ba ako o hindi. Sa huli, napagdesisyonan kong oo. Nagmamakaawa na ang mga alaga kong pakainin na sila. Masyado na silang maingay. At baka kung anong nilalang ang mabulabog nila dito sa lugar na 'to. Bumilang ako ng tatlo bago ako lumabas ng sasakyan. At paglabas ko, dagat na ang bumungad sakin. Woah.
Umikot-ikot ako sa kinapupwestuhan ko.. lingon sa kaliwa, lingon sa kanan. Sa likod, sa harap. Nasaan ako? Gaston! Patay ka saking tanda ka! Naku naku, binabayaran ko siya para ipagdrive ako hindi 'yung iwan ako sa kung saan lugar na ito. Pero bulong ng sarili ko, sinabi kong magdrive lang siya at dalin ako kung saan. Well, mabait at masunurin talaga si Gaston pero sana hindi sa ganitong lugar niya ako iniwan.
"Gising ka na pala."
"Oh myyyyyy!!" sigaw ko ng may magsalita sa gilid ko. Saan siya nanggaling? Nilingon ko ito ang nakita ang isang batang babae. Nakaputi, mahaba ang buhok at may mabibilog na mata. Waa! natatakot na ako. "Si-sino ka?"
"Lovely, 'wag mo naman takutin ang bisita natin." Sabi pa ng isang babae, pero sa itsura nila mukha silang magkapatid. At parang may kahawig sila.. hindi ko lang tanda kung sino.
"Di man eh!" Angal ng bata.
"Ate, tara na po! Kanina pa po kayo hinihintay ng tatay."
"Huh? Si-sinong tatay? Aswang ba kayo? Sino kayo??? Nasan 'yung driver ko? Kinain niyo siya no?" Minsan na akong gumanap bilang aswang, pero hindi ko pinangarap makatapat ang isa o dalawa at mas lalong hindi ang tatay nila o buong angkan nila. Gaston! Sumilip ako sa driver seat dahil baka may makita akong bahid ng dugo.. dugo.. Ayoko ng dugo..
"Ma'am??" Nang marinig ko ang boses ni Gaston, para akong natanggalan ng tinik sa buong katawan. Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Gaston!!!! Where the hell am I? D*mn it! Why did you leave me here alone? Are you nuts??"
"Sorry po ma'am. Tinulungan ko po kasi ang misis kong ayusin po 'yung tutulugan mo."
"Misis? You mean.."
"He he, opo ma'am. Sabi niyo po kasi kahit saan, e naisip ko pong oportunidad ko na po itong makauwi sa pamilya ko. Mga anak ko nga po pala, si Cecille at Lovely."
"Oh."
"Tara na po at baka kung ano pa pong makita niyo dito, delikado po." Bigla naman akong napahawak sa mga braso ni Gaston.
"Shut up!" sabi ko dito. Tumawa lang ito.
Pagdating namin sa bahay nila, nakaabang ang madaming tao. Hindi ko na nabilang dahil wala na akong time kasi nang-gagalaiti na ako kay Gaston ngayon. "Gaston.." bulong ko dito.
"Po?" hinila ko ito palayo sa mga tao. Nagiisip pa ako kung paano ko sasabihin dahil nagsisimula ng sumakit ang ulo ko ng dahil sa kanya.
"Whew!" Tinakpan ko ang mga mukha ko gamit ang mga palad ko at sabay harap sa kanya. "Sa tingin mo, bakit kita inutusan na magdrive at ilayo ako sa city?" Magsasalita na sana siya pero agad ko din itong pinutol. "Sa tingin mo, paano ko makukuha 'yung katahimikang gusto ko kung sobrang dami ng tao sa bahay mo. Inimbita mo ba sila dahil may artista kang bisita sa bahay mo?"
"Ma'am?" Nagkamot ito sa ulo at nagsalita uli. "'Yung 'mga tao' pong sinasabi niyo ay nanay ko, nanay ng misis ko, tatay ko, tatay ng misis ko at ang mga anak ko." Napatulala na lang ako sa sinabi ni Gaston.
"A-anak? lahat?" napalunok ako bigla. At tumango naman ito. My gosh! Anak niya?? ang dami! "As in, lahat?"
"Opo, trese po ang anak ko ma'am."
"Oh." Napatawa lang uli ito at naglakad na pabalik ng bahay nila. Sumunod na lang ako. Naisip ko, may lahi kaya sila ng aswang? Nakakatakot kasi 'yung mga matatanda kung makatingin. "Gu--good evening." Bati ko pero naduwag ako kaya hindi ako makalapit at makatingin sa kanila.
"Magandang gabi din sa iyo iha." Eeh. Nakakatakot boses ng babae. I wanna go back to the city now but.. no! Not now. Tiis muna. Ok? Kaya mo 'to Sum. "Kain na. Pagkatapos mo.. kami naman ang kakain." Napatingin ako kay Gaston. Nagsimula na akong manginig. Nanlabo ang paningin ko at hindi ako makahinga. Aatakihin na ako at napansin agad iyon ni Gaston.
"Nay! Wag niyo naman ho'ng takutin 'yung bata. May panic attack ho siya, at malayo ang ospital satin." Medyo galit na sabi ni Gaston sa isang matanda. Nagsitawanan na ang iba at 'yung mga oldies. Grabe! Pag nakaalis ako dito bukas, sisisantihin ko na si Gaston.
"Ah. paborito ko kasing linya 'yun sa pelikula niya.. Idol kasi kita!" sabay ngiti ng matandang babae sakin. Matanda man ang itsura niya, bagets naman pumorma.
"T-thanks?"
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...