Chapter One.
"Ayan na siya!"
Click click click.
"Summer! Summer! Totoo ba ang bali-balita na kaya ka nadala sa presinto ay dahil nahuli kang gumagamit ng droga?"
Click click click.
"No comment."
Click click click
"Summer, totoo ba ang mga nagkalat na mga pictures sa mga social media? Totoo din ba ang mga lumalabas na video na di umano'y scandal niyo ng boyfriend mo?"
Click click click
"No comment."
Click click click
"Summer, kaya ka ba nagkaganyan ay dahil sa katotohanang iniwan ka ng boyfriend mo?" at doon nagpantig ang tenga ko.
"I SAID NO COMMENT!"
Click click click.
"Summer! Summer!"
Nagmadali akong makarating ng kotse ko. Isang segundo na lang matatabunan na ako ng mga press at hindi na akong makakatakas sa bagsik nila. "Gaston, get me out of here! quick!" sigaw ko sa driver ko.
Saktong paggalaw ng sasakyan, tsaka ako bumigay. Nanginginig ang mga kalamnan ng katawan ko. Nasusuka pa din ako. Hindi ko kayang magtagal sa isang masikip na lugar. Hindi ko kinaya. Nasabunutan pa ako dahil sumuka ako sa tabi ng isang bilanggo. Bente kwatro oras akong nagtiis sa masikip na lugar na 'yon. Hindi ko kaya, hindi ko na kaya. Ayoko na.
"Saan ho tayo ma'am?"
"Just drive!!"
"North o south po ma'am?"
"Anywhere!! Kung kaya mo sa impyerno, dalin mo ko doon! Oh wait, nasa impyerno na pala ako.. Ikaw na bahala kung saan."
"Ok po."
Nangingilid na ang mga luha ko. PERO! isang malaking pero.. hindi ako iiyak. Walang luhang pwedeng pumatak sa mga mata ko. Kaya kayong mga luha ko, kung may balak kayong lumabas sa mata ko! Wag niyo ng ituloy, mapapahiya lang kayo. Wala sa bokabularyo ko ang pag-iyak. Matapang ako, ngayon pa ba ako bibigay kung unti-unti ko naman ng nalalagpasan isa-isa ang mga problema ko? Well, hindi talaga nalalagpasan kundi.. nilalagpasan.. meaning, WAPAKELS, no comment at walk-out ang peg pag nagsisimula na silang magtanong.. tinatakasan ko na lang. Naisip ko, bakit ko pa lilinisin ang pangalan ko kung alam ko naman na wala ng maniniwala sakin. Sayang lang effort ko.
Nagsimula ng magsitunugan ang tatlo kong phone. At ni isa wala akong balak sagutin. Sa inis ko, itinapon ko silang lahat sa bintana ng kotse ko. Adios! Dyan kayo nararapat. Ayoko na ng buhay ko. Narinig ko din na tumunog ang phone ni Gaston.
"Gimme your phone!" pagkaabot niya sakin ay inihagis ko din ito palabas ng bintana ko. Now, tahimik na. Napapapikit na ako sa sobrang kaantukan dahil hindi ko nagawang matulog sa loob ng seldang 'yon. Sa ganda kong 'to, dun ako nilagay ng mga walanghiyang pulis na 'yun! And that woman.. god! I'll destroy her. She ruined my night. They ruined my night! Argh! Humanda siya sakin pagbalik ko. For the meantime, magpakasaya muna siya dahil pansamantala muna akong mawawala. As in, dissappear muna then boom! appear! or AWOL. Whatever.
Kailangan ko munang mawala.. kailangan ko munang magpahinga. Gusto ko muna ng tahimik na buhay. Pwede ba 'yon? Makakamit ba 'yon ng isang katulad ko? Sana..
Fame also has a dark side. Hindi lahat ng nakukuha mo ng madali, walang kapalit na matindi. Oo nga, sikat ka nga. May magagara kang damit, sapatos, bag, bahay, kotse at kung anu-ano pa.. pero may kapalit ang lahat. Sa sobrang kasikatan mo, lumalaki ang ego mo at kapag lumaki ang ego mo, sumasama ugali mo. At kapag masama na ugali mo.. Ehem! wait, ayoko ng pag-usapan pala 'to.. tinatamaan ako.
Ang totoo, kapag sikat ka hindi lang panay tutok ng camera sayo, papalakpakan ka, iinterview'hin ka at magkakapera ka ng milyon-milyon. Dadating din sa point na ang 'fame' ang sisira sa buhay mo. Simula ng sumikat ako, nawala na ang privacy ng buhay ko. Kada sulok ng pagkatao ko ay nakalkal na ng media. Mahirap magtago kaya puro pagpapanggap na lang ang ginagawa ko. At sa pagpapanggap na 'yon nakadenpende kung magugustuhan ka ng tao o hindi. In my case, everyone hates me. Yeah! They fucking hate me. How sweet di ba?
BINABASA MO ANG
Descending Star
ChickLitSi Aiden, isang taong tumatakas sa kasalukuyan habang si Keon ay sa nakaraan. Parehong pinagtagpo sa hindi inaasahang oras at panahon. Matututunan nila mahalin ang isa't isa hanggang sa dumating ang isang araw.. araw kung saan, konektado sa kasaluku...