Revelation.

84 6 2
                                    

Chapter Fifteen.

  

  Nakapagdesisyon na akong sabihin ang totoo. Ang lahat. Noong sinabi niyang boyfriend ko na siya tsaka ko naisip na hindi ko na kayang maglihim pa sa kanya. Alam ko at nararamdaman kong gusto niya talaga ako.. at baka hindi lang basta gusto. At ganon din ako. Pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya, hindi na ako nag-iisa. Hindi na ako masama. Na may karapatan pa akong mabuhay. Na normal ako. Hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayokong sabihin. Na kahit itaboy ako ng lahat ng tao sa mundo, alam kong si Keon hindi, mamahalin niya ako at aalagaan. Na posible pa akong makaramdam ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam nito. Totoong pakiramdam.. wala ako sa set ng pelikula. Hindi ito scripted. Totoo ito. Totoong totoo.

  Plano kong sabihin pagkatapos namin magcelebrate ng pasko. Sakim na kung sakim pero gusto ko muna siya makasama ngayon, gusto ko maexperience kung paano magcelebrate si Keon ng pasko. Gusto ko maging masaya, for the last time. Noong una natatakot akong sabihin ang totoo dahil kapag nalaman niya na ang lahat ng tungkol sakin baka layuan niya ako. Hindi pala baka, kundi talagang lalayuan niya ako. Pero ipinagdadasal ko pa din na sana hindi. Sana.

  Natutulog na siya ngayon at ako nakahiga lang sa tabi niya, nakayakap siya ng sobra sakin na para bang anytime pwede akong mawala. At hindi ako makatulog kakaisip sa part na kami na. As in boyfriend-girlfriend. Siyam ng araw na ang nakakalipas pero hindi pa din ako maka move on doon. Pakiramdam ko teenager uli ako. Hindi ako inuutusan ng direktor na kiligin ako dahil kinikilig talaga ako. Tumatalon ang puso ko.

  Mabilis ang mga pangyayari. I know, but sometimes people fall in love unexpectedly. We can't teach our heart who to love. It just simply beats, like dugdug dugdug, minsan naiisip mo kinakabahan ka lang pero ang totoo tunog 'yon ng pusong nahuhulog. Nagmamahal. Sa loob ng thirty-eight days, meron na akong boyfriend. I'm happy. I've never felt more alive. Mmm.. happiness is not the exact word that can describe what I'm feeling right now. Actually, mixed emotion.. hindi ko pa din maiiwasan hindi matakot dahil naiisip ko na ang mga pwedeng mangyari pagkatapos ng pasko.

"Gising ka pa?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya. Yumakap pa ito sakin lalo at ipinatong ang ulo niya sa dibdib ko na parang pinakikinggan niya ang tibok ng puso ko.. na para bang musika ito para sa kanya. Naririnig niya ba na siya ang isinisigaw ng puso ko ngayon?

"Ah eh, oo.."

"Hindi ka makatulog?" 

"Hindi. Sa sobrang pagod siguro. Dami natin ginawa eh."

"Oo nga eh. Sorry, tinulugan kita."

"Ano ka ba, ok lang 'yun. Matulog ka pa, ok lang ako mamaya siguro nahilik na din ako." hinimas ko  ang malalambot niyang buhok. Alam kong gustong gusto niya kapag ginagawa ko ito sa kanya.

"Din? So meaning, nahilik ako?" tanong niya at tumingin ito sakin. Natawa naman ako sa expression ng mukha niya. Pinisil ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa noo.

"Graaabe sa lakas. Tipong riniiiiiig doon," nagturo ako kahit hindi niya nakikita. "Hanggang kela Gaston."

"Really?! I'm sorry. Kaya ka siguro hindi makatulog." Nakita ko na nahiya siya.

"Huy! Joke lang. Serious much baby?" Ngumiti na ito at tsaka lang huminga ng maluwag.

"You know, I love it when you call me that."

"You know, I love it too when I call you baby. Uy kinikilig na yan!"

"Naku Aiden, iba ako kiligin." At bigla itong tumayo at pumaibabaw sa akin.

"Oh my god Keon! Parang awa mo na, pagod na ako."

"What? I can't hear you." nararamdaman ko na ang pag gapang ng mga daliri niya.

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon