Pain and Agony.

26 3 0
                                    

Chapter Twenty-five.

AIDEN.

  Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Bakit ako pa? Bakit siya pa? Bakit hindi na lang kami hinayaan ng tadhanang magsama at magmahalan habang buhay? Bakit.. bakit ako pa ang nakabangga sa kanya? Wala akong matandaan sa mga nangyari noong gabing 'yon pero pakiramdam ko nga'y tama sila. May pruweba ang nanay ni Keon na ako nga at wala ng iba. Ang sakit sakit. Gusto ko na lang mawala kesa maramdaman ito. Kahit mabuhay ako sa mundo habang buhay ko namang mararamdaman ang sakit na iwan si Keon.. ang maging dahilan ng pagkabulag ni Keon.

Keon..

  Gusto ko siyang balikan.. Gusto ko siyang yakapin at halikan.. pero.. imposible na itong mangyari. Siguro ngayon, alam niya na. Nasasaktan siya. Sinaktan ko siya. At noon pa man sinaktan ko na pala siya. Ang tanga tanga mo Aiden! Dahil sa katangahan at kabobohan mo, dalawang lalaki ang nawala sayo.

  Ang sakit. Hindi ko mailarawan kung gaano kasakit. 'Yung pangarap na unti-unti ko ng nabuo, ngayon, wala na. At kahit kailan hindi na muli itong mabubuo pa. 

  Ang puso ko. Malaking malaking butas ang nasa puso ko ngayon. Hindi ko nga alam kung nasa dibdib ko pa ito. Kulang ang mga salitang wasak, sira at durog na makakapaglarawan nito. Walang makakagamot ng puso ko ngayon. Walang makakabuo nito. Walang makakapagpabuhay nito. Siya lang pero imposible na. Alam niya na ngayon at mawawala na lang lahat ng nabuo samin at kakalimutan niya na lang ako. 

"Summer! Summer! Saan ka nagtago ng ilang buwan? Totoo bang ang driver mo ang kumidnapped sayo?"

"Summer! Anong masasabi mo sa nalaman mong idinemanda ka ng mga producer ng mga gagawin mo dapat na pelikula?"

"Totoo bang nangibang bansa ka kung hindi totoo ang ispekulasyon na di umano'y pagkidnap sayo ng driver mo na nagngangalang Gaston Fernandez?" Gusto kong ipagtanggol si tatay pero wala akong lakas para magawa ito. Nandito ang katawan ko pero ang kaluluwa't buong pagkatao ko ay nasa islang yon. Naiwan doon.

"Summer! We love you!! Kaya mo yan! Fighting!" Sigaw ng fans ko. Tama nga si Keira.. may mga fan pa ako. Lumingon ako sa kanila at tumango sa kanila. Wala din akong boses para pasalamatan sila. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Triple sa lahat ng pinagdaanan ko.

"Hindi niya muna masasagot ang mga katanungan niyo. Hintayin niyo na lang ang announcement namin para sa press con. Salamat." Sabi ni Josh habang nakahawak siya sa likod ko at tinutulungang makapaglakad dahil parang pati paglakad hindi ko na magawa ng tama. Nasa labas na kami ng building ng kumpanyang humahawak sakin. Ang Mega Entertainment.

  Ipinatawag ako ng big boss namin dahil nga sa nangyari. One week na ako dito sa manila pero pakiramdam ko ba'y taon na. Habang kinakausap nila ako hindi ko maintindihan ang bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila. Basta ang naintindihan ko lang matapos ang meeting namin ay inurong na ang mga kaso sakin basta gawin ko ang mga pelikulang nakalinya para sakin. At ang kontrata ko ay tuloy pa din na magtatagal ng hindi ko alam dahil hindi ko pinakinggan 'yon. Si Josh ang sumasagot para sakin kanina. Hay.. Magtatagal pa ako dito.. Kailangan ko bang makaramdam ng saya dahil don? Parang pati pag-arte na masaya ako hindi ko na magawa. Kahit magpanggap lang ako. Kahit sa reyalidad hindi ko na magawa. Pero kailangan kong pagaralan muli ito, dahil ito na uli ang mundo ko. Bumalik na ako sa mundo ko na pilit kong tinatakasan. 

  Si Josh ang manager ko. Halos magdadalawang taon na din pala siya sakin. Ngayon lang ulit may tumagal na manager sakin. 'Yung iba kasi magqquit dahil hindi nila kayang ihandle ang ugali ko.. pero si Josh.. Mabait siya at para ko na siyang kuya. Thirty years old na siya at apat na taon ang tanda niya sakin. At grabe ang haba ng pasensya niya dahil kahit sobrang sama ko sa kanya noon, hindi niya din ako iniwan. Minsan nasisigawan pero hindi niya ako iniwan. Akala ko nga pagbalik ko dito wala na akong dadatnan.. Sana nga wala na lang para may dahilan ako bumalik kay Keon.. 

Keon..

  Pagkapasok ko ng kotse at saktong pag-upo ko tumulo ang luha ko. Bakit ba ang bilis niyo lumabas sa mata ko?? Matatanggal ba ninyo ang sakit sa puso ko kung palalabasin at uubusin ko kayo? 

  Bakit ko iniwan si Keon? 'Yun ang unang tanong na naglalaro sa isip ko. Bakit hindi ko muna hinantay ang magiging reaksyon niya? Bakit hindi ako humingi ng patawad sa kanya? Bakit hindi ko hinintay kung anong magiging desisyon niya? Di ba sabi niya matagal niya ng napatawad kung sinong nakabangga sa kanya? At ngayon, nalaman niya na ako.. napatawad niya na ba ako? Mapapatawad niya pa ba ako? Imposible. 

"Sum. Wag kang umiyak.. I'm here. Sshh." Sabi ni Josh habang yakap niya ako. Nakayakap pala siya sakin, hindi ko man lang naramdaman ang paglapat ng kamay niya sakin. Pero iba pa din kung si Keon ang yayakap sakin ngayon.. ibang iba. Wala siyang katulad. 

"I'm okay. Pagod lang." Sabi ko dito. "Tungkol kay tatay Gaston.. I mean kay Gaston." Iniba ko ang usapan at pinunasan ko ang mga mata at pisngi ko. Inayos ko din ang sarili ko dahil ayoko ng tingin ni Josh sakin ngayon. Ayoko ng awa. At 'yon ang nakikita ko sa mga mata niya. Palagi naman..

"I'm sorry Summer kung pinalabas namin na kinidnap ka ni Gaston pero 'yun lang kasi ang paniniwalaan ng tao. Ang main goal natin ay ang itayo ang imahe mo uli hindi ang lalong pababain kaya maaawa ang tao sayo kung 'yon ang malalaman nila."

"Hindi ba pwedeng bawiin? Kasi alam niyo naman ang totoo! Bakit si tatay Gaston ang napasama?! Dapat ako!"

"I'm sorry Summer."

"Nasaan siya?"

"Nasa presinto pa din. Nakakulong."

"Ano??!!!!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa tindi ng sakit nito ngayon.

"Kailangan nating gawin 'to Sum. Okay?! Ito ang gusto ng nasa itaas. Kaya sumunod na lang muna tayo hanggang mawala ang init ng media sa kanya." Nawala na ako ng ilang buwan pero ganoon pa din ang mga tao dito. Sakim. Para lang sa pera lahat gagawin kahit makasakit na ng iba. Anong gagawin ko? Alam ko galit na din sakin si tatay.. haayy.. "Don't worry. Hangga't mainit lang ang balita tungkol don magtitigil siya don. May kausap na kami sa loob kaya kapag nawala na ang focus kay Gaston, palalabasin na namin siya ng patago." Ngumiti ito sakin. Anong magagawa ng ngiti niya? Alam ko mabait si Josh.. sumusunod lang siya sa kagustuhan ng kinatataas. At isang araw, aalis kami sa kumpanyang ito. Sinusumpa ko. Hindi nila tinapos ang kontrata ko kasi alam nilang mapeperahan pa nila ako. Ang kasikatan ko. 

"Hindi ba pwedeng sabihin na lang natin ang totoo?"

"No. Kailangan mong gawin ang lahat para magustuhan ka uli ng tao. He's fine Sum. Nakausap ko siya at sabi niya ok lang daw siya doon. Wag ka daw mag-alala. See, ang bait ni Gaston. Gusto niya din na iclaim mo uli ang kasikatan mo."

"No, it's not. Sinira ko ang buhay ni tatay Gaston. Simple lang." Bigla itong tumahimik. Oo, ganito na ako. At mahal ko si tatay Gaston.

"Nag-bago ka na Summer. Maganda yan para sa image mo." Image? Nagpapatawa ba siya? Parang gusto ko ng bumalik sa dati kung hindi niya ako titigilan ngayon. "I'm sorry." Biglang sabi niya. Nakita niya siguro kung gaano kasama ang tingin ko sa kanya kaya tumungo ito at hindi na nagsalita pa buong byahe. Ang totoo hindi na din ako sanay tawagin na Summer. Ako si Aiden.. simpleng babae lang na nainlove sa taong hindi dapat. Sa taong nabulag dahil sa kamalian ko.

Apat na lalaki na ang sinaktan at pinabayaan kong maghirap. Kuya.. Daddy.. Tatay.. Keon. 

Descending StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon