One

19 6 0
                                    


"Hello?" dinig kong inaantok pa niyang boses, namamaos pa.

"Bro, listen. I have I have very important to tell you," diretsong kong sabi sa kan'ya.

"Ano ba naman Sean? Ang aga pa oh! Inaantok ang tao eh!" reklamo niya sa akin na parang bata dahil halatang nakukulang pa sa tulog pero wala pa rin akong pakialam.

"Anong maaga? Bro, it's six thirty-two in the morning for Pete's sake!" bwelta ko.

"I need you in the office as soon as possible we have an important matter to discuss. Be there as soon as you can or else, I'll drag your ass!" utos ko. Wala akong pakialam kung inaantok pa at kung ano ang ginawa niya kagabi para makulangan siya sa tulog nga ngayon. Ang gusto ko lang mangyari maka usap ko siya kaagad at maibilin sa kan'ya ang mga importanteng bagay na dapat niyang tandaan.

Sa kan'ya ko lang p'wedeng ipagkatiwala ang kompanya dahil aside sa kabisado na niya ang pamamalakad dito dahil siya naman talaga ang katulong ko sa pagbuo at pagtayo ng kompanyang ito. Siya din ang bestfriend ko mula high school para ko na rin kasing kapatid ang mokong na 'yan kahit minsan puro lang kalokohan ang laman ng isip.

Agad akong naghanda wala dapat oras na masayang kasi madami pa akong dapat tapusin bago ako aalis papuntang Manila.

At the office.

"Good morning shoti! How are you?" malambing na bati ni ate Leigh sa akin nang masagot niya ang tawag ko.

Pero imbis na sagutin ko ang tanong niya, hindi ko na ito pinansin pa tulad ng ginawa ko kanina sa pagtawag ko kay Aljo. "Ate, I received a letter from her kahapon ng hapon. And you what startled me much? When I found out that we have a son!" kwento ko sa kan'ya ng dire-diretso. Kilalang-kilala naman kasi niya ang girlfriend ko na matagal ko ng hinahanap. Basta na lang siya umalis ng walang paalam, mahigit isang taon na ang nakakalipas.

"What? What do you mean?" gulat niyang tanong sa akin. Alam kong tulad ko, magiging ganito ang reaksyon dahil kabilang ang kapatid ko sa paghahanap sa kan'ya. When in fact, nag hire pa kami ng imbestigador para lang mahanap siya.

"I got a letter from Lui yesterday and she said we have a son. She even sent some photos and videos of my son ate," pagpapatuloy ko sa pagkwento.

"Is she okay? Is the baby, okay? Where are they?" nahihimigan ang pag alala sa boses niya.

"That's the problem kasi hindi niya sinabi kung nasaan sila. Ni walang return address ang envelope. I understand, that she's afraid that mom might know about them," malungkot kong sabi.

"Shit!" tanging nasambit niya.

"Aayusin ko lang ang mga dapat kong ayusin dito and then I'll see you in few days. But please let's keep this a confidential first. I know I can trust you right ate?" paninigurado kahit alam ko namang kahit mula noon siya lang talaga ang kakampi ko, mali, erase, kasangga ko sa lahat ng bagay. Siya na kasi ang nagsilbing ina ko dahil wala naman kasing pakialam ang mommy namin, laging abala sa pagtulong kay daddy sa negosyo.

"Of course, shoti! Okay. Sige, I'll see you then. Ingat ka," sabi niya kahit alam kong tulad ko nakakatuliro ang mga nalaman namin ngayon, dahil hindi naman alam kung saan at paano kami magsisimula namin siyang hanapin.

"Thank you ate! Bye," pagpapaalam ko.

And then I hung up. The door opens while I'm busy doing some errands on my laptop.

"Yo!" I know that voice kahit hindi ko tingnan.

"Bakit ngayon ka lang?" sita ko sa kan'ya.

"Chill! Ang aga init naman ng ulo mo. Kanina pa ako actually, kaya lang kinausap ko muna si Gian. Si Gian, ang isa sa junior software engineers namin dito sa company.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon