Seventeen

2 0 0
                                    


"Hindi p'wedeng mangyari na hindi na kami magkikita ni Sean at alam kong alam niya 'yan. So, hindi n'yo pa pala alam," nanunuyang sabi ni Ainee sa kapatid ko.

"'Wag! 'Wag na 'wag mong sabihin. Ayaw kong masaktan ang mag ina ko! 'Wag... 'wag... ayaw ko... ayaw ko...hindi ko ginusto!" paulit-ulit kong sambit kahit alam kong walang makarinig sa pakiusap ko.

Mas lalo akong nanginig habang paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang 'yon, nakatakip pa rin ang dalawang kamay ko sa akin tainga. Maya-maya narinig kong may kumakatok na sa pinto.

"Sean? Sean! Buksan mo ang pinto shoti, ang achie 'to," pakiusap niya.

"Ayaw ko! Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Hindi ko siya mahal si Lui lang ang mahal ko at ang anak namin sila lang...sila lang ang gusto kong makasama habangbuhay," pagpapatuloy ko sa pagsasalita kahit alam kong mag isa lang naman ako sa loob. At saka wala akong pakialam sa kumakatok baka kapag naniwala ako sa kan'ya malinlang na naman niya ako.

"Ayaw ko! Ayaw ko nang bumalik sa impernong bahay na 'yon! Hindi 'yon ang bahay ko! Hindi siya ang gusto kong makasama," tuloy-tuloy kong sabi kahit na alam kong mas lumalakas ang pagkatok sa pinto kung saan nasa loob ako nito. Sa pagkakataong ito, hindi lang ang ate ang naririnig kong kumakatok at tumatawag sa akin.

"Bro! Si Aljo 'to! Buksan mo ang pinto tol! Usap tayo," tawag niya sa 'kin.

"Shoti sige na please makinig sa amin, buksan mo ang pinto," halos magkasabay silang nagsasalita ni Aljo pero hindi pa rin ako nakinig sa mga pakiusap nila.

"Ayaw ko! Hindi ako lalabas kasi alam ko nand'yan pa rin sila. Kukunin nila ako at ibabalik lang nila ako sa impernong bahay na 'yon. Ayaw ko doon! Hindi ko bahay 'yon! Ayaw ko sa mga tao roon," pagpapatuloy ko pa rin.

"'Wag kang mag alala wala na siya, napaalis ko na. Hindi ka na nila maibabalik doon, pangako ko 'yan sa'yo," paliwanag ng kapatid kong alam kong umiiyak na.

"Sean, palangga si Lui 'to, makinig ka sa ate wala na siya. Kaya p'wede ka ng lumabas maniwala ka sa amin, hindi ka na nila makukuha pa sa amin," lalo akong napahagulhul sa boses na narinig ko. Hindi ko akalain na maririnig ko ang boses na 'yon. Ang sakit, ang sakit-sakit marinig ang boses ng minamahal mong walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paano sabihin na hindi ko na matutupad ang pangako at mga plano para amin.

"Sean, please buksan mo na ang pinto. Ako na lang ang naririto," mahinahon niyang sabi.

Ewan ko ba hindi ko naintindihan ang sarili ko, bigla na lang akong nagkaroon ng rason na magtiwala sa mga sinasabi niya sa akin. Bigla kong naramdaman na totoo ang mga sinabi niya kaya kailangan ko siyang pagkakatiwalaan kaya nagawa kong pagbuksan siya ng pinto.

"Diyos ko!" rinig kong sabi niya nang mabuksan ko ang pinto. Hindi na ako nakapagsalita pa, agad na niya akong binalot ng mainit niyang yakap kaya napahagulhul na lang ako habang ibinaon ko ang aking mukha sa kan'yang balikat. Naramdaman ko ang marahan niyang paghimas sa aking likuran habang pinapatahan ako sa aking pagkakahagulhul.

"I'm sorry. I'm so sorry. Sorry...sorry...sorry," paulit-ulit ko sinasabi habang mas humigpit naman ang pagkakayakap namin sa isa't-isa.

"Shhh, tama na. Wala ka namang kasalanan sa mga nangyari kaya wala kang dapat ihingi ng sorry ga," pagpapatahan niya sa akin.

"'Lika, upo muna doon. Kailangan mong mabihis kukuha lang ako ng damit mo kasi basang-basa ka ng pawis," saka bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin matapos ang ilang minuto namin sa ganoong posisyon. Ramdam ko ang mga presensya nila na nasa malapit sa amin pero walang nagsalita at nagtakang lumapit sa aming dalawa. Dahan-dahan akong iginiya ni Lui sa papasok sa kwarto para makapagbihis.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon