Thirty-Six

2 0 0
                                    


Kakatapos lang naming makapag usap ng doctor nasa labas ako ng kwarto ni Lui nang mag usap kami dahil galing ako sa labas para tawagan ang ate Leigh at ipinaalam sa kan'ya ang nangyari kay Lui.

"Salamat doc, I'll take note of everything you've told me," saka tuluyan nang naglakad palayo ang si Doctor Montesa. Nanghihina ako sa nalaman at nagulat din ako at saka hindi ko inakala na malaman ang tungkol sa condition ni Lui. Mababa raw ang kan'yang matres kaya madali siyang mag-bleeding kapag na-stress o napagod. At ang mas malala, mahina ang condition ng puso ni Lui.

Actually, ang daming nangyari nitong mga nakaraang araw na hindi ko inasahan na mangyari. 'Yong akala mo okay lang lahat pero hindi mo napapansin may mga biglang susulpot pala na it's either magdadala sa'yo ng kasiyahan o 'di naman kaya kalungkutan. Dumeritso na ako sa pagpasok sa kwarto ni Lui baka sakaling gising na siya.

"Ga? Saan ka galing?" nang makita niya akong pumasok.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag alalang tanong ko sa kan'ya pilit na ngiti ang tanging naibigay ko sa kan'ya. Sa totoo lang kanina ipinagdasal ko na sana magising na siya pero ngayon hindi pa pala ako handa na makausap siya. Hindi ko alam kung paano ko sabihin sa kan'ya ang totoong kalagayan niya ngayon.

"Okay na 'ko. Pasensya na kung nag alala ka sa akin. Pero balita ko maganda ang naging lakad n'yo at saka marami raw kayong dalang sugpo at hipon para sa amin ni Phillip?" nakangiti niyang tanong medyo nanghihina pa pero pilit niyang pinapasaya ang kan'yang pagsasalita Para siguro hindi ko mapansin ang panghihina niya. Hindi ko alam kung makakangiti pa kaya siya kapag nalaman niya ang kalagayan niya? Hindi ko alam? At natatakot akong malaman niya, sa totoo lang kung p'wede ko lang sanang itago sa kan'ya para hindi siya malulungkot pero hindi p'wede, eh! May karapatan siyang malaman ang totoo lalo na tungkol ito sa kalagayan nilang mag ina. Agad kong pinatakan ng halik ang kan'yang noon ang makalapit ako sa kan'ya.

"Salamat naman at gising ka na. Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya at sinadya kong hindi pansinin ang mga sinabi niya dahil natatakot ako na ako ang tatanungin niya.

"Diyos ko maawa ka naman sa aming dalawa ni Lui at sa mga anak namin, bigyan mo nawa kami ng sapat na lakas na malabanan naming magkasama itong bagong pagsubok na susuungin naming mag-asawa," pagdadasal ko sa isipan ko habang niyakap ko siya matapos kong mapatakan ng halik ang noo niya. Hindi ko alam kung paano pakitunguhan ang asawa ko ngayon. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kan'ya.

"Ga, 'wag ka ng mag alala. Okay na 'ko," malambing niyang sabi sa akin. Pilit kong pinipigilan ang mga luha kong nagsimulang mamuo para hindi ito tuluyang pumatak. Ayaw kong maramdaman niya ang mabigat na nararamdaman ko ngayon kung maaari lang pero hindi kasi ako magaling magtago ng nararamdaman ko.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung gutom ka na ba? At kung ano ang gusto mong kainin? Hmm?" pag uulit ko sa kan'ya.

"Gusto ko kumain noong dala n'yo sana kaso alam kong walang nakapagluto dahil dumeritso na kayo rito, sabi ni Zette sa akin. Kaya kahit ano na lang ang available na madaling mabili dito sa malapit," alam kong pinipilit niya ring ngumiti para hindi lang ako mag alala sa kan'ya pero ang totoo nakikita ko sa mga mata niya at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na 'to.

"Sandali magpapabili lang ako," akma akong aalis nang magsalita si Zette.

"'Di mo na kailangang magpabili o bumili ng pagkain. Anytime baka babalik na sila Jed dala ang pagkain na niluto nila ni Ali. Hindi na nila ipinaalam sa'yo kanina bago sila umalis kasi may kausap ka sa cellphone. Saka sina Mitch at Kim naman kumuha ng mga gamit n'yo sa condo tapos pinasama na rin ang inaanak ko at ang yaya niya para makapagpahinga muna," paliwanag ni Zette sa amin ni Lui.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon