Fifteen

2 0 0
                                    


"Shit!" tanging nasambit ko nang maibuka ang aking mga mata. Hindi ko alam kung nasaan ako pero alam ko at ramdam kong hindi ako nagtagumpay sa pag alis hindi ko. Pero ang hindi ko inasahan ay ang nakita kong katabi ko. Agad kong tiningnan ang aking sarili saka ang taong mahimbing na natutulog sa aking tabi. Sigurado akong hindi siya ang mahal kong si Lui kahit hindi ko pa nakikita ang kan'yang mukha dahil nakatalikod siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na 'wag siyang gambalain sa kan'yang malalim na pagkakatulog.

"Miss! Miss! Gising!" mabuti na lang dahil agad naman siyang nagising at

"Bakit ka nandito? Bakit...anong?" sa sobrang gulat ko hindi ko na alam kung ano ang dapat unahin kong itanong sa kan'ya sa daming tanong na namuo sa aking isipan. Pero tila alam na niya ang maging reaksyon ko dahil nagawa pa niya akong ngitian.

"Good morning, how's your sleep?" confident niyang tanong sa akin. Hindi siya nag atubiling sagutin ang mga tanong ko kahit hindi 'yon natapos, dahil alam kong naintindihan niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit dito ka natulog sa tabi ko? Nasaan ako?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.

"Relax, kay aga-aga ganyan agad ang reaksyon mo. Para ka namang hindi nag enjoy kagabi, nakakatampo ka naman Sean," pagdadrama niya imbis na sagutin ang mga tanong ko sa kan'ya. Napanganga ako sa gulat dahil sa mga narinig ko mula sa kan'ya.

"Anong ibig mong sabihin? Anong anong kasinungalingan ang sinasabi mo? Ganyan ka na ba ka desperado?" galit kong tanong sa kan'ya.

"Really Sean? Wala kang maalala sa dami ng ginawa natin kagabi? O come on, nakakasakit ka ng damdamin ah!" pagpapatuloy niya sa kan'yang pagdadrama. Hindi ako makapaniwala, pilit kong hinalukay ang aking isipan kung ano nga ba ang totoong nangyari kagabi pero wala talaga akong maalalang nangyari sa pagitan naming dalawa.

Huli kong naalala na nakalabas ako sa gate nang walang nakakaalam, maingat akong naglakad-takbo papunta sa dalampasigan kagabi. Matagumapay kong tinahak ang madilim na daan sa gilid ng pader tulad ng sabi noong lalaki sa akin sa kan'yang sulat. Hanggang sa may dalawang lalaking lumapit sa akin nang makarating ako sa dalampasigan. Napasapo ako sa akong ulo dahil sumasakit na ito sa pagpipilit kong isipin ang mga huling pangyayari matapos akong lapitan ng dalawang lalaking naghihintay sa akin malapit sa may dalampasigan. Napaupo na ako habang sapo ang aking ulo.

"If I were you, hindi ko na ipipilit pang isipin dahil mai-stress ka lang. Mag enjoy ka na lang kasama ko, instead na mamoblema. Ang ganda pa naman panahon at saka ang view sa labas nakakapanghinayang kung hindi mo pagtututuunan na pansin," narinig kong sabi niya saka ko naramdaman na bumangon siya at naupo sa aking tabi.

"Don't you dare touch me Ainee! I swear to God hindi mo magugustuhan ang posibleng magawa ko sa'yo kapag ipagpapatuloy mo 'yang gusto mo gawin," pagbabanta ko sa kan'ya.

"Talaga lang ah? Bakit nagustuhan ko naman ang ginawa mo sa akin kagabi ah? Ngayon ko pa hindi magugustuhan ang mga gagawin mo pagkatapos napaligaya mo 'ko kagabi? Ano ba Sean?" maarte niyang sabi sabay ipinatong niya ang kan'yang kamay sa aking balikat na mabilis ko namang napalis 'yon.

"Leave! Leave me alone!" biglang sigaw ko sa kan'ya.

"Bakit ka ba nagagalit ha? Pagkatapos mo akong pagsawaan kagabi ganyan mo na 'ko itrato ngayon Sean? Akala ko ba gentleman ka sabi ni Lui," pang aasar niya sa akin.

"'Wag na 'wag mong isali sa usapan si Lui. Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya, wala kang kwentang kaibigan! Traydor ka Ainee!" patuloy kong sigaw sa kan'ya. "Umalis ka na! Iwan mo na 'ko! Gusto kong mapag-isa!" dugtong ko.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon