Sixteen

2 0 0
                                    


"She's sick dad! Kailangan niya na ang tulong ng isang healthcare professional! Hindi na normal ang mga nangyayari! Hindi ko na kayang palampasin ang mga ginawa niya sa kapatid ko! Nakita mo na dad kung gaano kalaki ang naging damage sa pagsira niya sa buhay ni Sean? Walang matinong ina na gagawin ang mga ginawa niya kay Sean! Please for the love of God daddy, please do something!" narinig kong nagsasalita ang pamilyar na boses pero hindi kong magawang buksan ang mga mata ko dahil ramdam kong napakamabigat nito, kaya hindi ko na rin pansin na agad ding akong nakatulog muli.

"Ilabas n'yo ko rito! Ayaw ko dito! Kailangan ko nang makabalik sa Manila dahil naghihintay ang mag ina ko!" panay ang sigaw ko para marinig ako ng mga lalaking masayang nagtatawanan sa 'di kalayuan kung saan ako nakakulong. Pero kahit halos maubos ko na buong lakas ko sa kakasigaw wala ni isa sa kanila ang pakinggan ang mga sinigaw ko.

Kahit ganoon hindi ako sumuko nagpatuloy pa rin ako sa pagsisigaw. "Parang awa n'yo na pakawalan n'yo na 'ko! Kailangan ko ng umuwi dahil nag alala na panigurado ang mag ina ko. Tiyak umiiyak na ngayon ang anak ko dahil hinahanap na ako noon! Kaya maawa naman kayo sa akin, pagbigyan n'yo na ako, pangako hinding-hindi ako magsusumbong sa kinauukulan. Alam kong ilan sa inyo may anak na rin tulad ko kaya alam kong naiintindihan n'yo 'ko kung bakit gustong-gusto ko ng umuwi sa amin ngayon!" patuloy ko sa kakasigaw pero patuloy pa rin ang pambabablewala nila sa akin. Para bang wala talaga silang narinig mula sa dami ng mga sinabi ko dahil nagawa pa nilang magtatawanan.

"Sean, gumising ka shoti. Nanaginip ka naman," marahang sabi ng isang pamilyar na boses na sigurado akong 'yan din ang boses na narinig ko noong nakaraan.

"Sean, please wake up! Sorry hindi ka namin nakita agad dahil nahirapan kaming matuntun ang pinagtaguan sa'yo ng mommy. I'm so sorry shoti," saka ko lang nasigurong kilala ko pala ang may ari ng boses nang dahan-dahan kong maimulat ang mga mata ko.

"Thank you, God! You're awake," napabuga siya ng malaking hangin halatang nahihirapan siyang gisingin ako mula sa malalim na pagkakatulog.

"A-ate?" tanging nasambit ko kasabay ang pag uunahang pagtulo ng aking mga luha. Akala ko wala na talaga akong pag asa na makikita pa siya, pero ngayon na-realized kong hindi pa huli ang lahat dahil narito na ang kapatid kong kahit kailan hindi ako binigo.

"I'm so sorry, hindi ka namin nahanap agad. Abala kami sa paghahanap sa'yo pero hindi namin alam na si mommy lang pala ang unang nakakita sa'yo tapos wala kaming kaalam-alam na itinago ka niya lang pala sa rest house sa Bantayan. Huli na namin nalaman nang ma-contact ako ng isa sa mga tauhang inutusan kong maghanap sa'yo. Naipaliwanag na niya sa akin ng maayos kung bakit ka nadala at naikulong sa rest house sa Bantayan," paunang sabi ng kapatid ko habang hindi napigilang umiiyak.

Hindi ako nakapagsalita, panay na lang ang iyak ko. Ilang minuto rin ang lumipas na walang nagsalita sa aming dalawa puro hikbi lang ang maririnig sa buong silid.

"Nasaan nga pala 'ko?" naitanong ko pagkaraang ng ilang minutong puno ng iyakan.

"Nasa hospital ka. Dito ka namin dinala mula nang makita ka naming pinagtulungan awatin sa pagwawala, may mga sugat ka sa kamay tanda ng pinagsusuntok mo ang salamin kaya hindi na kaming nagdalawang isip ni daddy na isugod ka dito matapos ka mawalan ng malay," paliwanag ng ate habang nagpupunas ng mga luha sa kan'yang mga mata.

"Kailan pa 'ko rito? Ilang oras akong tulog?" sunod-sunod na tanong ko.

"Noong isang ka namin dinala rito higit bente kwatro oras ka nang tulog, natural lang umano 'yon sabi ng doctor dahil kinakailangang bumawi ng lakas ang katawan mo," paliwanag niya.

"Matapos ang mga tests na ginawa sa'yo ng mga doctor, napag alaman naming dehydrated ka at sobrang stressed kaya ka nawalan ng malay matapos kang magwala. At saka may droga na inihalo sa mga iniinom mo o ang itinuturok sa'yo kaya nag positive ka sa drugs. Pero 'wag lang mag alala babalik naman daw sa dati ang lahat kasi mai-flush-out daw ito ng dextrose kaya malakas ang bawat patak para mapadali ang paglinis," dugtong niya na may takas pa ring luha sa kan'yang mga mata kahit anong punas ang ginawa niya. Nakitang kong nakabalot ng bendahe ang dalawa kong kamay at nakasuwero rin ang kaliwa kong kamay.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon