Nine

3 1 0
                                    

Mabilis ang naging takbo ng mga araw. Napagkasunduan namin ni Lui na magkakaroon kami ng isang intimate church wedding. Tulad ng naunang naming usapan, malalapit lang na kaibigan ang imbetado, tinawagan na niya ang kan'yang pinakmalalapit ng mga kaibigan sa Mindanao so far tatlo ang nag confirm na makakadalo, sila Ali, Jed at Zette. In fact, nag volunteer pa si Ali na siya ang maghahatid kay Lui. Naghahanap pa ng paraan si Lui na makontak si VM at AC at 'yong dalawa pa nilang kaibigan na dating kasama nila umano sa apartment. Wala pa akong tinawagan sa side ko kasi madali lang naman kaya tinutulungan ko muna si Lui sa kan'ya.

Konting lang ang guest lists namin tapos nakikipag usap na si Lui sa gagawa sa mga invitation card at souvenirs kasama si ate. Si ate na rin ang umayos para sa simbahan dito lang naman sa QC gaganapin. Si ate na rin ang tumulong para sa gown na isususot niya, ayaw pa sana niyang magpagawa dahil mahal raw, p'wede naman siya umano bibili na lang sa divisorial dahil marami rin naman daw magaganda doon. Pero hindi pumayag ang ate kaya walang nagawa si Lui.

Naging abala kami lahat para sa magaganap na kasal namin ni Lui mahigit isang buwan mula ngayon. Kasabay ang pagpapatuloy namin sa araw-araw naming ginagawa sa trabaho at bilang magulang na anak namin.

"Bukas, baka medyo late na ako makauwi kasi may gustong tumingin sa unit ko, tumawag kasi sa secretary ko at nag confirm na matutuloy ang pagpunta nilang mag asawa bukas para matingnan ang unit," pagpapaalam ko kay Lui habang kumakain kami ng breakfast.

"Okay, sige ingat ka," sagot niya habang patuloy sa pagkain. Nasa tapat naman namin si Leandro na pinapakain ng yaya niya. Hindi na siya nagmamaktol kung hindi ko siya mapakain sa umaga dahil naiintindihan na niyang kinailangan kong magmadali dahil papasok pa 'ko sa trabaho.

"Tara hatid na kita, doon na ako iikot hindi pa naman ako male-late," yaya ko kay Lui nang nakita ko siyang bitbit ang kan'yang bag paglabas ng kwarto namin.

"Sigurado ka ha? Dahil hindi ko tatanggihan ang offer mo," nakangiti niyang tanong sa akin.

"Oo naman, check ko nga pala mamaya kung kailan makukuha ang driver's license mo. Excited ka na ba?" pinilit ko kasi siyang kumuha ng driver's license since alam ko naman na marunong siyang mag drive sabi ko kailangan bumili kami ng sarili niya para just in case mas madali sa kan'ya na makabyahe kung saan. Mas malayo kasi ang office sa condo samantalang mas malapit naman siya mas maigi pa rin na may sasakyang magagamit anytime kapag wala ako. Ayaw pa sana niya kasi kakabili pa lang daw namin sa condo mapapagastos na naman daw ako tapos may pinaghahandaan pang kasal namin. Mabuti na lang na convince po rin siya sa tulong ng ate pati nila Mitch at Kim.

"Uhm, okay," maikling tugon niya.

Nagpaalam muna kami sa aming mahal na hari, mabuti na lang talaga hindi na siya umiiyak kapag aalis ako at nakikita niyang nakasuot ako ng neck tie tapos may naka sabit na bag ng laptop sa balikat ko. Naiintindihan na niya na nagtatrabaho ako, minsan kasi naming ginawa ni Lui na isama siya sa workplace ko at pinaintindindi naming maayos sa kan'ya sa abot ng aming makakaya para lang maintindihan ng mura niyang isipan. At simula nang magkasama kami sa iisang condo, magkatabi sa pagtulog sa gabi at nakikita niya ako pagising doon nagsimulang hindi na siya gaanong umiiyak o takot na mawala ako sa paningin niya. Lagi naming sinisiguro ni Lui na maipaparamdam namin sa kan'ya na hindi siya dapat matakot o mangamba dahil parati na kaming magkakasamang tatlo. Lalo na naghahanda na kami ng mommy niya para sa paparating naming kasal.

"Thank you," nakangiting sabi niya pagkahinto ko sa dropping point malapit sa entrance ng tv station na pinagtatrabahuhan niya.

"My pleasure ga," sabay halik ko sa kan'ya.

"Sige na bago ka pa maabutan ng matinding traffic, text-text na lang tayo," saka kinalas niya ang seatbelt at binuksan ang pinto para makababa.

"Okay, ingat ka mamaya pag uwi," bilin ko bago tuluyang maisara niya ang pinto ng sasakyan. Dahan-dahan ko namang pinausad ang sasakyan hanggang makita ko siyang nakapasok sa gate ng tv station saka ko lang pinatakbo ng mas mabilis ang sasakyan ko.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon