Special Chapter Part 4

4 0 0
                                    


Naging magaan sa aming lahat ang mga nakalipas na mga araw, nalaman naming buntis ako. Sa totoo lang hindi ko alam noong una kung ano ba ang dapat kong maramdaman kasi nandoon pa rin ang tako at pangamba ko para sa amin ni Sean. Hindi pa rin kasi ako kampante na wala nang kasunod na pagsubok kaming kakaharapin at susuungin. Pero tulad nga ng madalas kong sabihin sa sarili ko na kailangan kong magtiwala kay Sean dahil alam ko at napatunayan ko na ilang beses na rin niyang napatunayan kung paano niya ako, ang relasyon namin at higit sa lahat ang pamilya namin.

Maliban sa madagdagan na naman ang pamilya namin ni Sean, naganap na rin sa wakas ang matagal na naming gustong mangyari ang magpakasal. Ayaw kasi ni Sean na ikakasal kami na malaki na umano ang tyan ko, kaya itinuloy namin ang magpakasal sa judge saka na lang kami magpapakasal ulit sa church kapag matapos na akong manganak.

Dahil sa naglalaway ako sa Durian at feeling ko ang sarap magbakasyon sa Davao kaya naman niyaya ko si Sean. Mabuti na lang kaya niyang magtrabaho thru online kaya, kaya naman ang dali niya lang kombensihen na magbakasyon kami. Ito ang unang pagkakataon na magbabakasyon kaming mag anak pagkatapos ng lahat ng mga nangyari.

Hindi ko kayang i-describe kung gaano ako ka saya sa mga oras na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama muli ang mga kaibigan kong naging pamilya ko na rin. May ginawa pang pa-surprise si Zette kaya nakasama kong muli ang mga dati naming classmates, hindi lang basta classmates ang mga 'yon sila ang naging mga groupmates namin. Ang kasama namin sa kalokohan, karamay sa kalungkutan at kapalpakan sa school dahil naman puro saya lang ang mararanasan sa pagiging college student.

Pero dahil mapagbiro ang tadhana kahit hindi naman ito nakakatawa muling nag krus ang mga landas namin ng mga taong pilit kong iniiwasan at inilalayo ko ang sarili at pamilya ko. Hindi lang basta pagkapahiya ang nangyari sa bilis ng pangyayari nasampal akong muli ng nanay ko kalagitnaan ng masaya sanang naming panananghalian kasama ang mga kaibigan at anak ko, sa gitna ng maraming tao sa isang restaurant.

Nagising ako na nasa hospital na saka nalaman naming may sakit ako sa puso kung kaya naging dahilan kung baging maselan ang pagbubuntis ko sa matagal ko ng pangarap na kambal, dagdag pa ang mababa kong matres kaya madali lang akong duguin. Kailangan ko munang manatili sa hospital para ma-maintain ang monitoring sa akin at masigurong maayos ang kalagayan ko lalo na ang mahinang tibok ng puso ko.

"Lui," 'yon lang ang narinig ko mahinang tawag sa akin ng mga kasama ko. Nabato ako sa gulat at nakaramdam ako ng masakit sa balakang at tyan ko pero hindi ko ininda 'yon dahil nakatuon pa rin ang utak ko sakit ipinadanas ng nanay ko mula noon hanggang sa kasalukuyan. Hindi ko maalala kung natapos ba kami sa pagkain namin dahil sunod ko na lang namalayan na natataranta sila matapos kong marinig na sumigaw ang anak ko ng mommy! 'Yon lang ang huling alala na sa akin, tapos nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa isang lugar na napalawak na puro damuhan. Napakapayapa ng buong paligid, ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat, nakakagaan ng pakiramdam ang ganitong klaseng pagkakataon at lugar.

Ninanamnam ko ang sandaling 'yon kaya naman hindi ko napigilan ipikit ang mga mata ko at saka idinipa ko ang mga kamay ko. Pero hindi nagtagal 'yon dahil naramdaman kong may presensya na nasa malapit ko kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sa lahat ng mga pagkakataon na hiniling kong makita at makausap siya ang taong matagal ko nang nami-miss, hindi ako napagbigyan. Kaya naman agad akong napahagulhul nang makitang nandito siya ngayon sa harapan ko nakatingin sa akin na may ngiti sa kan'yang mga labi na iginawad sa akin.

"T-Ta-tatay!" mabilis ko siyang binigyan ng mahigpit na yakap. Napakasarap sa pakiramdam nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin kaya mas lalo akong napaiyak.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa 'kin, miss na miss na miss na kita tay," bulong ko kasabay ng mga paghikbi ko habang magkayakap pa rin kaming dalawa. Pero hindi siya nagsalita bagkus naramdaman kong hinihimas niya ang likod ko at pinapatahan. Ilang sandali pa bago ako humiwalay sa pagkakayakap sa kan'ya para matingnan siya sa mukha.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon