Twenty-One

2 0 0
                                    


Nasa kalagitnaan ako sa malalim na pagtulog sa gitna ng gabi nang magising ako sa ingay ng cellphone ko. Papikit-pikit kong inabot sa side table para matingnan kung sino ang tumawag. Ayaw ko sanang sagutin nang masiguro kong sino ang tumatawag pero patuloy ang pag iingay nito matapos ang bawat set ng ring, kaya sinagot ko na lang.

Nagtaka ako noong una kung bakit kailangan niyang tumawag sa akin ng dis-oras ng gabi dahil hindi naman niya madalas na gawin, pero nang marinig ko ang boses ay iba pala ang tumawag gamit lang ang kan'yang cellphone. Napag alaman kong isang nurse ang tumawag para ipaalam sa akin na nasa hospital daw si Ainee dahil sa pagdurugo. Dinala umano ito ng isang babae na siyang tumulong na madala agad si Ainee doon.

Kinailangan kong pumunta sa hospital kahit na labag pa ito sa loob ko. Dahil alam ko naman na walang kasalanan ang bata kahit pa gaano kasama ang ginawa ng ina nito. Kaya hindi ko dapat idamay lalo pa na ako ang ama ng kan'yang dinadala. Nag iwan na lang ako ng text message kay ate at Lui para malaman nila kung nasaan ako. Mabilis lang ang naging byahe dahil kokonti na lang ang mga sasakyan sa daan kaya nakarating ako kaagad sa hospital kasama ng driver at bodyguard ko.

"Kumusta ang kalagayan niya?" tanong ko agad sa nurse nang matunton ko ang hospital room number na binigay sa akin ng nurse na tumawag kanina. Nakikita kong mahimbing na natutulog si Ainee at may nakakabit na suwero sa kan'yang kaliwang kamay.

"Stable na po ang kan'yang condition at saka safe na po ang baby sir sa ngayon, pero kailangan pa po niyang manatili rito ng iilang araw para masiguro na maayos na ang kalagayan nilang mag in. Medyo masilan po kasi ang condition niya dahil medyo mababa ang matres ni ma'am kaya madali po siyang mag bleeding at saka parang stress din po si ma'am," agad naman sagot sa akin sa nurse habang may isinusulat sa kan'yang hawak-hawak na clipboard.

"Ano ba ang nangyari bakit nagkaganoon?" walang preno kong tanong kahit hindi ko sigurado kung may alam siya. Basta na lang kasing kusang nasabi ko ang mga 'yon.

"Ah, 'yong babaeng tumulong lang po ang makakasagot sa inyo n'yan sir kasi wala po ako kanina nang dalhin siya sa emergency room, iba po kasi ang on duty doon kanina. Ang sabi babalik daw 'yon kukuha lang ng mga gamit ni ma'am," paliwang niya.

"Pasensya na salamat," tanging nasabi ko na lang sa kan'ya. Saka nagpaalam na bibili lang ako saglit ng kape saka babalik din agad.

Limang araw ang inilagi ni Ainee sa hospital. At sa loob ng limang araw ako lang at si ate ang bumisita sa kan'ya maliban doon sa babeng sinasabi ng nurse na tumulong sa kan'ya. Siya pala ang katulong na kinuha ng mommy para may makasama si Ainee sa condo nito. Nagulat na lang daw siya ng tawagin siya nito galing sa kwarto ni Ainee saka nadatnan niyang duguan si Ainee nakaupo sa gilid ng kama nito. Bago nito ay narinig niya raw na may kausap ito sa cell phone pero hindi niya alam kung ano ang pinag uusapan, dahil pinili raw niyang 'wag makinig. Narinig niya lang na medyo malakas ang boses na Ainee at parang galit na galit ito pero hindi niya binigyang pansin at saka nagpatuloy sa kan'yang ginagawang paglilinis at habang hinihintay na matapos ang nilalabhan sa washing machine.

"Anong plano mo?" tanong ni ate sa akin nang lumabas kami sa kwarto ni Ainee.

"Sa totoo lang labag sa loob ko ang gagawin kong 'to pero sa ngayon wala akong magagawa kasi ayaw ko namang may masamang mangyari sa bata. Wala namang kasalanan ang bata kaya hindi ko dapat siya idamay sa galit ko sa ina niya. I'm just hoping and praying na maintindihan ni Lui ang mga gagawin kong 'to. Sana lang hindi siya magsasawa at mapapagod sa kakaintindi sa akin at sa pagpapasensya sa akin. 'Yon talaga ang malaking ikinatatakot ko na mangyari kasi baka hindi ko na sila mahanap kapag nagkataon," malungkot kong sabi.

"Hindi naman ganoon si Lui sa pagkakakilala ko sa kan'ya, saka 'wag kang mag alala maiintindihan ni Lui ang gagawin mo kasi ina din naman siya. At saka tingin ko naman kay Lui hindi rin niya idadamay ang bata tulad ng sabi mo alam kong alam din niya na walang kasalanan ang bata sa lahat ng mga kalokohang ginagawa ng ina niya," pagpapaliwanag niya sa akin. Walang hanggang pasasalamat talaga ang magkaroon ng isang kapatid na tulad ni ate Leigh.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon