Special Chapter Part 2

2 0 0
                                    


"Uh, Lui, can we talk?" na siyang naging dahilan kung bakit napabalik ako sa kasalukuyan.

"O-Okay," nauutal kong sagot.

"P-Pero p-p'wede b-bang paunahin na lang natin sa pag-uwi s-sila kasi alam ko pagod na 'yan hindi kasi 'yan natulog kaninang hapon. Nagwawala pa naman 'yan pag hindi na kaya ang antok niya," paliwanag ko sinisikap na hindi masyadong mauutal sa sobrang kaba.

"Oo nga. Ako na ang bahala isasabay ko na sila sa pag-uwi," sabat ni Mitch na nasa tabi ko.

"Pakarga muna sa pamangkin ko sabayan ko kayo sa pagbaba," nagsalita naman ang kapatid niyang si ate Leigh na ginawaran ako ng magandang ngiti kaya naman mas lalo akong nanlamig at binalot ng sobrang kaba dahil hindi ko inasahan mula sa kan'ya 'yon.

"Sige bro, mauna na rin ako sa condo. May kailangan pa akong gawin para bukas," rinig kong pagpapaalam ng bestfriend niyang si Aljo.

Agad silang umalis at iniwan kaming dalawa ni Lui. Kaya kung kanina nanlalamig ako husto at ska binalot ng kaba, ngayon pinagpapawisan na kahit ang lamig naman ng aircon dito sa office niya. Hindi ko rin alam kung sino ang mauunang magsasalita sa aming dalawa, parehas kaming pinapakiramdaman ang isa't-isa kaya naman tanging tugon lang ang naririnig na ingay sa buong paligid. Kaya naman nilakasan ko ang loob ko para matapos na kasi baka mahimatay na lang ako bigla sa sobrang kaba at hindi na kami magkakausap.

"Uh, S-Sean—" pagbasag ko sa katahimikang namagitan sa amin ng ilang minuto na ang nakakalipas.

"I'm sorry," biglang putol niya sa sasabihin ko.

"No. I should be the one saying sorry," pagputol ko naman sa kan'ya.

"Lui, I should say sorry too. Dahil sa akin naghirap kang magbuntis at palakihin mag-isa ang anak natin. I'm sorry kasi hindi ko alam na pinuntahan ka ng mommy ko sa apartment that night," tuloy-tuloy niyang sabi.

"Sean, wala na tayong maggagawa sa nakaraan. Hindi na natin maibabalik ang mga 'yon," pagpapaalala ko sa kan'ya.

"Hayaan mo sana bumawi ako sa inyo ng anak natin," pakiusap niya habang may malungkot na mga matang nakatitig sa akin.

"Kahit sa kan'ya lang Sean, sa kan'ya ka lang naman may obligasyon at responsibilidad," mahinang paglilinaw ko.

"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.

"Wala kang obligasyon sa akin Sean, pero sa anak natin oo," paglilinaw ko ulit. Kasi hindi naman porke't nagkita na kami ngayon ay ang iisipin ko agad na makipagbalikan sa kan'ya. What if ako na lang pala ang umaasa 'di ba? Mahigit isang taon din akong nawala, wala akong naging balita tungkol sa kan'ya, kaya wala na akong magagawa pa kung may kapalit na 'ko sa buhay niya ngayon. Malugod kong tatanggapin 'yon kasi ako ang nang iwas sa kan'ya, nasaktan ako oo, pero alam kong nasaktan ko rin siya.

"Bakit may kapalit na ba ko?" biglang tanong niya na ikinagulat ko nang husto kaya naman naghanap ako ng paraan para maiba ang usapan, kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin, ayaw kong umasa sa wala. Sa ngayon, para sa akin mas mabuting ituon muna namin ang atensyon naming dalawa, lalo na siya para makabawi kay Phillip.

"Ah, m-may s-sasabihin ka pa o itatanong tungkol kay Leandro Phillip k-kasi kailangan ko nang umalis?" pag-iiba ko sa usapan. Kasi totoo naman talaga, hindi pa 'ko handang pag usapan ang tungkol sa aming dalawa.

"Gusto kong malaman kung kailan ko p'wedeng dalawin o makita ang anak natin? Okay lang kahit ako na ang pupunta kung saan kayo nakatira kung hindi ka pa comfortable na ipapahiram siya sa akin," kalmado niyang sabi pero nakikita ko sa pagmumukha niya na naiinis siya dahil binalewala ko ang tanong niyang 'yon. Pero malaki ang pasasalamat ko dahil hindi na niya ipinilit pang itanong muli sa akin.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon