Twenty-Nine

2 0 0
                                    


"Ayaw ko nga Sean!" nagmamaktol na sabi ni Lui nang kausapin ko siya tungkol sa sinabi sa amin ng mama at kapatid niya noong party bago nagpaalam ang mga ito para umalis.

"Wala ka bang balak na makita at makausap ang papa mo? May edad na siya at may sakit pa, sandali lang naman tayo roon sasamahan ko naman kayo," patuloy ko sa pangungumbensi ko sa kan'ya.

"Ewan ko ba wala talaga akong ganang umuwi pa roon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari."

"Pero iba kasi ito ga, bibisita ka lang naman at saka hindi ka mag-iisa s'yempre hindi naman kita hahayaan na sasaktan ka nila doon at ang anak natin. Aalis tayo agad kapag sa tingin ko hindi maganda ang mga nangyayari, bibili na rin ako ng open flight ticket para kahit anong oras p'wede agad tayong makabalik rito kasama ng ticket natin papunta roon," suhestyon ko. Kasi gusto ko talagang makapunta sa kanila para makilala ang ibang membro ng pamilya nila lalo na ang papa niya at para pormal na rin akong magpakilala sa kanila kasama ang anak namin. Sa tingin ko medyo nakombensi ko na si Lui nang medyo nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sige saka na pagkatapos lumabas ang DNA result para wala na tayong ibang iisipin pa, malapit na rin naman lalabas ang result noon 'di ba?" nag aalangan niyang sabi.

"Oo, kaya nga sinabi ni Glen 'di ba na sandali lang naman siya roon dahil magsa-submit lang naman siya ng resignation niya, para dito na siya sa Manila maghahanap ng trabaho para malapit na lang siya sa mag ina niya," sabi ko saka hinatak ko siya papalapit sa akin para paupuin ko sa mga hita ko. Hinatid namin si Glen kanina sa airport ang sabi niya sa amin isang linggo ang pinakamatagal ang ilalagi niya roon. Pinaghandaan niya palang mabuti ang planong niyang pag resign dahil bago pa siya pumunta rito tinapos na niya ang mga kailangan niyang tapusin at hindi na siya tumanggap ng bagong mga gagawin para hindi na raw siya mahirapan kapag mag submit na siya ng resignation letter niya. May ginawa na rin siyang recommendation letter para sa ipapalit sa kan'ya na kasamahan niya. Nag offer ako sa kan'ya ng trabaho sa kompanya at saka nagtanong din siya sa akin tungkol sa investment.

"Grabe 'no! Bilib din ako sa taong 'yon, matyaga talaga siyang pumupunta sa unit ni Ainee araw-araw para lang makasama ang anak niya," natatawang komento ni Lui habang nakaupo na siya ngayon sa mga hita ko saka niyakap ko naman siya at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Nasa veranda kami nakaupo, tulog ang bulinggit kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lambingin si Lui dahil hindi ko magagawa ito kung gising 'yon magseselos kasi 'yon kapag nilalambing ko si Lui. Mas gusto niyang siya ang nilalambing ko kaysa makita niyang nilalambing ko ang mommy niya.

"Ganoon talaga ga, mahal niya, eh, ramdam ko 'yon kasi lalaki din ako. Kahit naman kung ako ang nasa kalagayan niya gagawin ko rin ang mga ginagawa niya, hindi lang para sa anak namin kung hindi para maipakita at maiparamdam kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa'yo," sabi ko habang yakap ko siya sa kan'yang baywang.

"O ba't biglang napunta sa akin ang usapan?" nagtataka niyang tanong.

"Ang sabi ko bilib ako sa mga ginagawa ni Glen, 'di ba?" hirit pa niya.

"Oo naman ga, alam ko naman 'yon. Pinapaliwanag ko lang naman kung sakaling ako ang nasa kalagayan niya, eh, ganoon din ang gagawin ko," pero hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil pinagtatawanan niya ako.

"Hala anong nakakatawa doon sa sinabi ko ga?" naguguluhan kong tanong.

"Wala. Hindi dahil sa sinabi mo kaya ako natatawa kung hindi sa biro ko na ako lang naman ang natawa," napailing pa siya habang nagpapaliwanag.

"Huh?" kunot noo kong tanong.

"Wala. Kalimutan mo na 'yon. Hindi ko rin naintindihan ang sarili ko kung bakit inakala kong nakakatawa 'yon hindi naman pala," saka napakamot naman siya sa likod ng ulo niya.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon