Eighteen

2 0 0
                                    

"Ano ang ibig mong sabihin Sean?" biglang huminto ang ikot ng mundo ko. Hindi ko alam nakabalik na pala ang babaeng pinakamamahal ko.

"No! Please not now! I'm not ready yet! Ayaw ko kasi alam kong kapag nalaman na niya iiwanan niya na naman ako this time alam kong hindi ko kakayanin dahil alam kong pati ang anak ko mawawala rin sa akin," bulong ko sa aking sarili nang makita kong naglalakad siya papalapit sa aming dalawa ng kapatid ko.

"L-Lui," nauutal na sambit ng ate. Samantalang nanatiling akong naninigas sa kinauupuan ko at saka nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kan'ya. Alam kong alam niyang nagulat kami ng kapatid ko sa biglang pagdating niya at sa pagsabat niya sa usapan namin.

"G-Gusto ko l-lang naman malaman ang totoo kahit na masaktan pa 'ko. May k-karapatan naman akong malaman hindi ba?" nauutal niyang sabi.

"Pasensya na hindi ko sinadyang makinig sa pag uusap ninyo, pero sobrang seryoso at tutok na tutok kayong dalawa sa inyong pag uusap kaya hindi n'yo namalayan na nakabalik na 'ko," paliwanag niya habang nilalapag ang mga pinamiling pagkain.

"L-Lui, k-kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sa'yo ang lahat pero sa tuwing sumasagi sa isipan kong p'wede mo 'kong iwanan kasama ng anak natin sa isang iglap, nanghihina ako. Nababalot ako sa matinding takot Lui. Ayaw kong iwanan n'yo na naman ako tulad ng dati. Alam kong hindi ko na kakayanin kapag nangyari 'yon ga. Dalawa na kayong mawawala sa buhay ko," hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak at maging ang panginginig ng aking buong katawan.

"Sean, magtiwala ka sa 'kin. Nangako na 'ko sa'yo na hinding-hindi ka na namin iiwan ng anak natin 'di ba? Kaya nga tulad ng sabi ko kanina pagkapasok ko na sabihin mo sa 'kin ang totoo, handa akong makinig kahit masakit 'yon kakayanin ko. At handa akong intindihin maging ang tanggapin kahit ano pa 'yon," hinawakan ng kapatid ko ang mga kamay kong patuloy sa panginginig.

"L-Lui, p-p'wede bang ako na lang ang magsabi sa'yo? K-Kung okay lang sa'yo? Ayaw ko na kasing mangyari ulit ang nangyari kanina matapos niyang maikwento sa akin ang lahat," nag aalangang tanong ni ate Leigh sa kan'ya habang nakatitig pa rin ako sa magandang niyang mukha. Gusto kong saluhin ang mga luha niyang namumuo na nagbabadyang pumatak, pero wala akong lakas na tumayo at lapitan siya. Natatakot ako baka 'yon na ang maging huling pagkakataon na makalapit ako sa kan'ya para madaluhan siya. Baka matapos niyang malaman ang lahat itutulak niya ako palayo at saka iiwanan nila ako ng anak namin.

Matapos ang ilang segundong hinintay namin na maging sagot niya sa tanong ng kapatid ko, dahan-dahan siyang tumango, pero nanatiling nasa akin ang titig. Parang pinompyang ang ulo ko sa nakita kong pag tango niya, ibig sabihin lang noon hindi na siya makapaghintay na ako ang magsasabi sa kan'ya. Pero kahit maganda ang intensyon ni ate hindi ako makakapayag dahil dapat sa akin niya mismo ang buong pangyayari.

"I-It's alright. A-Ako na ang magsasabi sa kan'ya ate," pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero ang totoo rinig na rinig ko ang malakas na tambol ng puso ko. At saka nanlalamig ang mga kamay ko, unti-unti ring namumuo ang pawis sa aking noo kahit na malakas naman ang buga ng aircon sa hospital room kung nasaan kami ngayon.

"Are you sure Sean?" paninigurado niya.

"Yes, besides dapat lang na sa 'kin ni Lui mismo marinig ang lahat ng mga nangyari," paliwanag ko.

"Okay," mahinang sagot ng ate ko. Kahit na alam kong labag sa loob niya ang gagawin ko.

"Come here," sabay tapik ko sa tabi ko.

"Should I leave you two?" nag aalangang tanong ni ate.

"It's okay ate, you can stay if you want," habang pilit kong pinatatag ang sarili ko.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon