Special Chapter Part 3

2 0 0
                                    


Napagkasunduan namin ni Sean na saka na namin sasabihin sa lahat na engaged na kami. Ang nakakatawa pa, hindi talaga siya mapakali sa mga oras na 'yon. Kaya naman nang masiguro niyang nasa duffle bag pala niya niya ang engagement ring na binili niya para sa akin dati agad niyang isinuot sa palasingsingan ko.

Sina Mitch at Kim muna ang sinabihan namin, kasi naghanda kami ng konti kinagabihan bilang selebrasyon sa engagement namin. Balak talaga namin na ipaalam sa lahat ang tungkol at isasabay na rin sa house blessing.

Masaya at masarap sa pakiramdam na makita at marinig sa mga lahat ng kaibigan na natutuwa sila at malugod nila kaming binati ni Sean nang mai-announce namin ni Sean ang tungkol sa aming dalawa. Akala ko hindi na mangyayari ang bagay na 'to. Hindi ko alam na matutupad pa pala ang pangarap kong buuin ang pamilya namin ni Sean. Akala ko talaga tatandang dalawa ako na lang ako at makokontento na lang na kasama ang anak ko, habang pinapalaki siyang mag isa.

Sabi nga nila, mas mabilis lumipas ang panahon kapag masaya ka kasi hindi mo na lang namamalayan ilang buwan na rin pala ang pagsasama namin ni Sean. Naging abala kami sa pag aasikaso sa magiging kasal namin, s'yempre hindi nawawala si ate Leigh na may self-proclaim na siya ang president ng fans club namin ni Sean.

Dalawang buwan na lang magiging Mrs. Go na 'ko. Ito na talaga 'yon mararanasan ko na ang magsuot ng gown at maglakad papuntang altar. Patapos na kami sa mga preparation nang kinakailangan ni Sean na pumunta sa Cebu dahil may problema daw kaya tumawag si Aljo sa kan'ya. Isang linggo lang paalam niya sa akin na mamalagi roon dahil kailangan siya makabalik dito agad para sa testing ng cake at ibang dessert, pati sa main course, mag fi-fitting na rin ng gown ko at sa suit niya. Okay na rin ang mga damit ng entourage kasi pinadala naman nila agad ang mga sukat nila Jed, Zette, Ali at Ainee. Wala namang problema kina Mitch at Kim kasi narito lang naman sila kaya makakapunta sila sa schedule na pupunta rin kami ni Sean.

Pero ang isang linggo naging dalawa hanggang naging tatlo kaya naman si ate Leigh ang nakasama ko sa mga appointments na siya dapat ang kasama ko. Hindi naman ako p'wede magalit o magtampo kasi naiintindihan ko naman na hindi niya dapat iwanan ang kompanya lalo na sa estado nito ngayon.

Isang gabi hindi ko inasahan ang maririnig ko mula sa kan'ya kaya naman ag umpisa na akong mangamda para sa aming dalawa. Pero malaki naman ang tiwala ko sa kan'ya at lalo pa na hindi naman kami pinapabayaan ng ate niya kaya naging kampante naman ako kahit paano. Nasabi niya na sa akin ang buong pangyayari kung bakit nagkaroon ng problema ang kompanya, mabuti na lang dahil tinulungan sila ng daddy niya kaya naman naayos na. Para maiwala niya ang mga palaging nakasunod sa kan'ya minabuti ni ate Leigh na 'wag niyang ituloy ang pagpunta sa airport ng Mactan kahit may ticket na siya. Hinayaan nilang malaman ng lahat ng 'yon ang flight niya, pero ang totoo hindi siya sasakay sa flight na 'yon dahil, sa barko siya sasakay para hindi siya masundan.

Kaya lang nagulat kaming lahat isang gabi nang may ibinalita sa tv na isang barko ang nawawala na nanggali sa Cebu. Agad naman pina-trace ni ate Leigh para malaman namin kung kabilang ba doon si Sean sa mga pasahero sa nawawalang barko sa kasagsagan ng bagyo. Sinisi ang Marina dahil hinayaan nilang makaalis ang barko na may paparating na bagyo. Dahil doon nawalan akong ng ganang magtrabaho, kung hindi lang dahil sa anak namin ni Sean hindi ko na nanaisin pang mabuhay. Para na rin akong pinatay dahil kung kailan masaya na kami ni Sean at malapit nang ikakasal saka pa nangyari ang bagay na 'to. Ang worst, bakit kailangan na sa aming dalawa pa mangyari ang ganito.

Magkasamang nagulungan ang gobyerno at private sector para hanapin kung nasaan napadpad ang naturang barko mabuting na lang agad naman nilang natagpuan pagkatpos ng dalawang araw kaya lang kinakailangan pang hatakin kaya sa ikatlong araw na naisagawa na matulungan sila. Naputol ang koneksyon nila sa Marina kaya hindi sila agad nagawan ng paraan para matulungan. At kung kaya hindi nalaman ang lokasyon nila, nakatago pala sila sa isang isla na sakop sa Ilo-ilo. May nasira sa makina kaya hindi na p'wedeng paandarin ng kapitan ng barko.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon