Eleven

3 0 0
                                    

"Excuse me sir, may naghahanap po sa'yo," narinig kong sabi ng secretary ni Aljo nang pumasok sa conference room kung saan pinag-aaralan ko ang mga dokomento para ma-trace namin kung saan ang umpisa ang problema.

"Pakisabi busy pa ako ngayon, kaya hindi muna ako tatanggap ng bisita. Marami pa akong kailangang tapusin," utos ko sa kan'ya.

"Yes sir," agad naman siyang umalis ng conference room. Mag-isa lang ako sa conference room kasi may importanteng inaasikaso si Aljo.

"Sir, I'm sorry, ang sabi niya sandali lang naman daw siya," nag-aalangang sabi ng secretary ni Aljo na si Rose.

"Sino ba 'yan?" naiinis kong tanong. Kasi ayaw ko talagang mag-entertain ng bisita sa ngayon dahil marami akong kailangan gawin. Gusto ko nang matapos ang lahat na kailangan kong gawin rito dahil gusto ko ng makabalik sa Manila, naghihintay na ang mag-ina ko doon. Isa pa gusto kong tulungan si Lui sa pag-aasikaso para sa kasal namin.

"Si Ainee daw po sir," nakangusong sagot niya, halatang nakukulitan na sa taong kausap.

"Ano ba kasi ang kailangan niya? Bakit siya nandito ngayon? Wala ba siyang trabaho?"

Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot.

"Okay, papasukin mo ako na ang bahala sa kan'ya," nagpipigil kong inis na utos sa kan'ya.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha sa inis dahil ayaw na ayaw kong nadidistorbo ako kapag may ginagawa akong importante, maliban sa mag ina ko sila lang ang p'wedeng sumingit sa kahit ano pa ang ginagawa ko.

"Good morning!" narinig kong masayang bati niya sa akin. Habang nakatutok lang ako sa dokumentong binabasa ko, pinapakita ko lang sa kan'ya na talagang abala ako.

"Morning," tamad kong sagot na hindi ko pa rin siya tinapunan ng tingin.

"Sorry kung nagpumilit akong pumasok dito, gusto ko lang talaga na ako ang mag abot nitong food na dala ko para sa'yo."

"I'm sorry, busy lang talaga ako. Saka hindi ko inasahan na pupunta ka rito ngayon lalo na it's still working hours. Wala ka bang pasok?" hindi ko mapigilang itanong sa kan'ya.

"Well, I'm on leave. Kasi I realized na I deserve to give myself a rest," nakangiting sabi niya nang mapatingin ako sa kan'ya mula sa binabasa ko. Nakatayo na siya sa tabi ko bitbit ang paper bag ng sinasabi niyang pagkain na dala niya para sa akin.

"Here," dugtong niya sabay abot sa akin sa paper bag.

"Salamat nag abala ka pa talaga. Kumain na ako ng breakfast kasama ko si Aljo kanina," sabi habang tinanggap ang paper bag at inilapag sa kabilang upuan na bakante kanang bahagi ko.

"Need help?" biglang tanong niya na ikinagulat ko. Alam kong alam niya kung paano gawin ang mga ginagawa ko kasi ito ang work niya sa kompanyang pinagtatrabuhan niya ngayon. CPA si Ainee, isa siya sa pinakamalapit ng kaibigan ni Lui. Si Lui ang dahilan kung bakit ko nakilala si Ainee. Para silang magkapatid kasi na dalawa, sa kanila dati nakatira si Lui noong unang dating niya dito sa Cebu.

"No, it's okay. At saka sabi mo nga 'di ba nag leave ka office n'yo para makapag-rest ka tapos tutulong ka rito. Just enjoy your leave," matabang kong sabi.

"Honestly, ito ang dahilan kung bakit nakapag decide akong mag leave doon sa office para tulungan ka rito. I heard from tita na nahihirapan ka at saka panigurado hindi ka naman kumakain ng maayos dahil sa puro ka na naman trabaho," pangangaral niya.

"I'm fine. Thank you, sa offer. Hindi lang ako ang gumagawa nito nagkataon lang na ako lang ang naabutan mo rito ngayon pero marami kaming gumagawa nito. And besides, hindi ka empleyado ng kompanya ko, employed ka sa ibang kompany at may contract ka doon," paliwanag ko sa kan'ya.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon