Twenty-Six

2 0 0
                                    


"Congratulations! Maraming salamat sa cooperation n'yo. Dahil sa mga ibinigay n'yong mga evidences at statements na prove natin sa korte na dapat lang na mapa-void ang kasal n'yo ni Ainee. Malaking bagay rin ang binigay na statement ng ex-fiance niya at 'yong result ng test sa'yo na may halong droga ang pinainom sa'yo. Kaya malaya ka ng ituloy ang nakatakda sana ninyong kasal ngayon maayos na ang lahat. Isa na lang ang hihintayin natin ang pagpapanganak ni Ainee para sa DNA test," masayang sabi ni Atty. Corpuz sa amin.

"Maraming salamat!" malakas na sabi ni ate. Naluluha naman si Lui nang matingnan ko habang nagbabasa sa papel na ipinasa sa kan'ya ni ate matapos mabasa ito.

Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang mga sinabi ni Atty. Corpuz sa amin kahit hindi ko pa nabasa ang nakasulat sa naturang papel. Sapat na sa akin marinig ang mga nasabi ng abogado namin, kaya masayang-masaya ako ngayon. Pero hindi ko alam kung paano mai-express ang kasihayan ko. Bigla ko na lang naramdam ang mainit na likodong dumaloy sa aking pisngi dahil sa nalaman.

Hindi ko na masyadong naintindihan ang iba pa nilang pinag usapan ni ate. Si ate na lang kasi at si Lui ang patuloy na nakikipag usap sa abogado dahil wala, parang bigla na lang wala akong maisip na sabihin. Saka na lang ako nabaling sa kapatid ko nang kalabitin niya 'ko.

"I think it's better if we eat out with Atty. Corpuz," bulong niya sa akin.

"Yeah," tanging nasabi ko lang.

"Atty. Mas maganda siguro if sabay na tayong mag-lunch if okay lang sa'yo at sa schedule mo?" nag aalangang tanong ni ate kay Atty.

"Wala naman akong schedule sa korte ngayon, mamaya pang three ang next client meeting ko. Kaya okay lang," sagot naman ng abogado.

"So, shall we Atty.? Dapat lang kasi na mag-celebrate tayo para sa nangyari ngayon," pagyaya ni ate. Nakita ko namang sumunod na tumayo si Lui kay ate at nahuli niya akong nakatingin sa kan'ya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan siya at yakapin.

"I'm so happy ga! Thank you at long last malaya na kitang mayakap at makasama," bulong ko sa kan'ya. Ramdam ko ang paninigas dahil sa gulat ng ginawa ko pero kalauan naramdaman kong niyakap niya ako pabalik, kaya mas lalong nagpasaya sa akin. Dahil matagal ko nang nami-miss na kayakap siya at at mainit niyang yakap sa akin. Patuloy ang pagdaloy ng mga butil ng luha ko dahil sa masayang nararamdaman. Ramdam ko din ang kasiyahan na nararamdaman ni Lui habang magkayakap kaming dalawa.

"Masaya rin ako," bulong niya sa akin saka bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Tara na! Baka hinihintay na nila tayo sa labas. Mamaya na tayo mag usap ulit," natatawa niyang sabi habang tiningnan ang paligid na kaming na lang palang dalawa ang naiwan sa loob ng opisina ni Atty. Corpuz.

Walang pag alinlangan kong hinawakan ang kamay niya at pinagsiklop ang mga 'yon saka marahan siyang hinatak palabas ng opisina.

"Ate, sa akin na sasabay si Lui. Saan ba tayo kakain?" diretsong sabi ko nang makitang hinihintay kami nila ate at Atty.

"Doon na lang sa branch namin," sagot ni ate habang nakangiti siyang nakatingin sa aming dalawa ni Lui.

"Okay," tugon ko.

Saka sabay-sabay na kaming naglakad palabas matapos nagbilin si Atty sa secretary niya.

Since malapit lang ang restaurant nila ate sa opisina ni Atty. Corpuz, doon na kami nagkikita-kita tulad ng sabi ni ate. Hindi naman matagal ang ginawa naming paghihintay sa mga pagkain dahil tumawag na ang ate habang nasa byahe pa lang. Masaya kaming nag uusap habang kumakain, sumabay sa amin ang asawa ni ate dahil saktong nandoon siya kasama ang anak nila. Kakarating lang nito galing sa pagsundo sa bunso nila ate.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon