Fourteen

3 0 0
                                    


Nasa tatlong araw kaming palutang-lutang sa karagatan malapit sa Iloilo ayon sa mga crew ng barko. Hinintay kasi naming tuluyang maayos ang barko sa naging aberya na idinulot ng bagyong nakasalubong namin, mabuti na lang dahil 'yon lang ang nangyari at hindi naging malala na umabot sa paglubog ng barko namin. Malaking bagay rin na ang ginawang diskarte ng kapitan kasama ng kan'yang mga crew dahil hindi sila nataranta at nahanapan nila agad ng solusyon ang naging sitwasyon namin. Hinintay din namin na dumating ang magdadala ng mga bagong supply ng mga pagkain kasabay ng tug boat na tutulong sa amin para maidala ang barko na sinasakyan namin sa pinakamalapit ng pier na sa Iloilo. Mabuti na lang dahil agad nakahanap ng mapagtaguan ang kapitan ng barko sa sinasakyan namin para lang hindi mapuruhan ang minamaheno niyang barko at malagay sa kapahamakan ang mga pasaherong tulad ko.

Wala pa rin akong komunikasyon sa mag ina ko, maging sa ate ko. Nasisiguro kong nag alala na ang mga 'yon pero wala akong maggawa sa ngayon kung ang hindi ang maghintay na makarating kami sa pier ng Iloilo kung saan may signal na.

"Sir, kumusta po kayo?" salubong sa akin ng isang tauhan ng ate ko nang makita niya akong papalabas ng terminal ng pier sa Iloilo matapos ang ilang araw na paghihintay namin sa laot ng dagat, dahil nasiraan na barko na sinasakyan namin.

"Mabuti naman. Salamat at naisip mong makikita mo 'ko dito," nakangiti kong sabi sa kan'ya kasi sa totoo lang hindi ko naman talaga inasahan na may sasalubong sa akin.

"Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko sir," magalang na sagot niya sa akin.

Kaagad niya akong iginiya sa sasakyan para makapunta sa hotel na tutuluyan ko ng ilang oras bago ang flight ko mamayang gabi bago ako tutulak papuntang Manila. Hindi na ako nagtanong pa ng kung anu-ano at nagmamadaling makarating sa hotel para makapa- charge na ako ng phone ko.

"Nasaan ako?" naguguluhang tanong ko. Kasi hindi naman ito hotel malayo sa hitsura ng karaniwang hotel room itong kinaroroonan ko ngayon, nasisiguro ko. Medyo hilo ako at napakasakit ng ulo ko parang binibiyak kaya napapikit ako nang sinubukan kong bumangon.

"Ahhh," nasapo ko agad ang ulo ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko at saka hilong-hilo din ako.

"Dante! Dante! Dante?" tawag ko sa tauhan ng ate ko na siyang sumundo sa akin kanina sa pier. Pero wala akong narinig, sa katanuyan napakatahimik ng buong lugar.

Ilang beses kong sinubukang paulit-ulit na tawagin ang pangalan niya pero wala talaga akong narinig na sagot, kahit konting ingay sa buong paligid wala akong marinig. Parang nakakabingi ang katahimikan ng lugar kung nasaan ako. Naalala ko ang cellphone ko pati ang bag na dala ko pero hindi ko nakita kahit sa pagkapa ko sa bulsa ko wala ang cellphone ko. Pinilit kong bumangong muli at saka sinubukang buksan ang pinto pero naka-lock ito.

"Anong nangyayari? Bakit ako nandito? Kanina lang nakasakay ako sa sasakyan papunta kami sa hotel, pero... No! It can't be!" bulong ko sa sarili.

Walang sumagot sa akin kahit anong sigaw ko sabay pukpok ko sa pintuan hanggang sa napagod na lang ako. At patuloy pa rin na kumikirot ang ulo ko pero hindi ako p'wedeng magpatalo kailangan kong makahanap ng paraan na makaalis rito dahil kailangan kong matawagan ang mag ina ko pati si ate. Kailangang malaman ng ate ko kung nasaan ako para matulungan niya ako.

Hindi ko alam kung anong oras na, hindi ko namalayan na nakatulog pala akong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding malapit sa pintuan. Nagulat na lang ako ng maya pagkain na nakapatong sa coffee table.

"Ang tanga ko! Bakit ba ko nakatulog? Shit! Hindi ko na tuloy namalayan na may pumasok pala para maghatid ng pagkain," nanlulumo kong sisi sa sarili ko.

Kailangan ko ng lakas kaya hindi na ako nag alangan pa na kainin ang pagkain na iniwan nila sa akin. Hindi ako dapat panghinaan ng loob, kailangan kong makaisip ng paraan na makaalis sa lugar na ito para makabalik na 'ko sa mag ina ako o makatawag para makahingi ng tulong sa kapatid ko.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon