Six

4 2 0
                                    


"Noong, first year anniversary celebration sana natin nag prepare ako ng simpleng proposal sa'yo kinagabihan. Kinausap ko pa sila Ainee at Glen para matulungan ako sa pag preprare kaya hindi tayo nakapagkita a day before dahil isa 'yon sa pinagkaabalahan ko. Lui, matagal ko ng gustong makasal sana tayo kaya wala na akong balak na maghanap ng iba kahit pa siguro tayo nagkita hanggang ngayon. Kung hindi ikaw Lui ang magiging kasama ko habangbuhay, hindi na lang ako mag papakasal sa iba para lang magkaroon ng asawa," mataman kong sabi sa kan'ya.

Natulala siya sa sinabi ko nakatitig lang din siya sa akin habang nakikinig sa mga sinasabi ko sa kan'ya.

"Hindi ako nagalit noong nakompirma kong wala ka na nga at iniwan mo 'kong walang pasabi at hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit mo ginawa sa akin 'yon. Hinanap kita maging hanggang sa Mindanao pinuntahan ko ang mga kaibigan mo doon, para lang malaman ko kung nasaan ka. Pero wala akong nakuhang sagot ni isa sa kanila. Pero kahit na ganoon wala akong balak na burahin ka kahit man lang sa memorya ko. Sa mga panahong wala ka ibinuhos ko ang lahat ng oras ko sa pagpapatakbo ng itinayo kong kompanya, kompanya natin Lui hindi lang ako ang nagmamay-ari noon. Atin 'yon Lui, atin. Kasama kitang binubuo ko pa lang 'yon, sinuportahan mo 'ko at higit sa lahat inintindi ang lahat sa akin. Kahit alam ko na nahihirapan ka na rin dahil konting oras na lang ang naibibigay ko sa'yo dahil sa naging abala ako masyado noong panahon na 'yon," kwento ko. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin, palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa anak namin.

"Kaya Lui, hindi mo na kailangan itanong ang tungkol na bagay na 'yan sa akin, kasi mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto kong makasama habangbuhay kung papayagan mo lang ako? Ikaw ang tatanungin ko ngayon, ako pa rin ba o may kapalit na ako sa buhay mo?" tanong ko habang titig na titig ako sa mga mata niya.

Napailing siya bago siya nagsalita habang nakatitig din siya sa akin.

"Wala sa isip ko ang maghanap Sean, mula nang malaman kong buntis ako sa anak natin nasa kan'ya na umiikot ang mundo ko lalo na noong naipanganak ko na siya. Naamin ko sa sulat ko at aaminin ko ngayon sa'yo na hanggang ngayon ikaw pa rin. Kung hindi ikaw baka hindi na rin ako maghahanap ng iba kasi alam kong mahihirapan lang akong makakahanap ng tulad mo lalo na ng higit sa'yo," walang kakurap-kurap niyang sagot sa tanong ko.

"Ibig bang sabihin, sabihin papayag kang ipagpatuloy natin ang naputol nating relasyon?" tanong ko sa kan'ya.

"Bakit naman hindi Sean, ngayon pa ba na may anak na tayo. Pero paano ang mga mga magulang mo? 'Yon lang naman ang iniisip ko kasi ayaw kong magkagulo kayo ng mga magulang mo nang dahil sa akin," dire-diretso niyang sabi.

"Ako na ang bahala, 'wag kang mag-alala hinding-hindi ko hahayaang papakialaman pa niya tayo tulad ng dati. Pero kung nalaman ko lang na mangyayari 'yon sana nagawan ko na ng paraan agad at hindi na sana aabot tayo sa ganito," sabi ko.

"Come here," sabay tapik ko sa space sa aking tabi. Hindi kasi ako agad makakilos para ako ang lalapit sa kan'ya dahil nakahiga ang anak namin mas lalo lang hindi makatulog kapag tatayo ako.

Mabuti na lang, agad namang sinunod ni Lui ang sinabi ko. Nang makalapit na siya sa akin, saka ko lang nakita na namumula ang kan'yang mga mata at may nagbabadyang mga luha.

"Shhh...it's okay I'm here for you. Thank you for giving me another chance to be with you. I love you still Ga!" bulong ko sa kan'ya nang yakapin ko siya patagilid. Pero naudlot ang moment naming dalawa nang bumangon ang anak namin.

"Ma, cry?" sabay hinawakan niya ang pisngi ng ina.

"No love, mommy is not crying. Mommy is happy love," malambing na sagot niya sa anak namin.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon