Twelve

2 0 0
                                    

"Ano? Pinag-isipan mo ba ng mabuti ang sinasabi mo? Hindi mo ba naalala na matalik mong kaibigan ang labis na maapektuhan at masasaktan sa sinasabi mo at isama mo pa ang inaanak mo?" sigaw ko. Hindi ako makapaniwala na ganito pala mag-isip si Ainee.

"Magkano ang ibinayad sa inyo ni mommy at dodoblehen ko?" sigaw ko sa kan'ya uli. Pero hindi siya nakakibo, tulala siyang lumuluha ng tahimik.

"Walang sinuman sa inyo ang makakapigil sa magiging kasal namin ni Lui! Sisiguraduhin kong maprotekatahan ang mag-ina laban sa inyong mga makikitid ang utak! Hindi ko akalain na sa lahat ikaw pa ang gagawa ng ganito sa kaibigan mo Ainee! Alam mong sobrang marami nang pinagdadanan na ni Lui at hindi niya deserve ang saktan ng paulit-ulit. Walang ginawang masama sa'yo si Lui para traydurin mo siya ng ganito! Sa lahat! My God! Ikaw pa talaga Ainee? Hindi ko akalain na magagawa mong pag isipan ang mga ganitong bagay si Lui! Maawa ka naman sa kan'ya! Alam na alam mong mula noon hanggang ngayon siya lang ang mahal na mahal ko 'di ba? Saksi ka kung paano muntik na akong masiraan ng bait noong nawala siya dahil sa mommy ko!" litaniya ko sa kan'ya habang nakatayo sa harapan niya at nakapamewang. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration.

"At talagang may guts ka pang kombensihin akong 'wag suwayin ang mommy? Sino ka ba sa buhay ko? Hindi mo 'ko makilala kung hindi dahil sa matalik mong kaibigan na si Lui na mahal na mahal ko! Si Lui na ina ng anak ko na inaanak mo!" diniinan ko ang bawat salita baka sakaling matauhan siya sa kan'yang mga iniisip.

"Ba't hindi mo na lang ayusin ang kung anuman ang problema n'yo ni Glen kaysa sirain mo rin ang magandang samahan at inaalagaan naming pamilya ni Lui ngayon! Kung naghiwalay kayo ni Glen 'wag mo kaming idamay ni Lui! Labas kami sa problema ninyong dalawa!" pagpapatuloy ko. Naninikip ang dibdib ko sa galit. Parang ang sarap magwala pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko kasi baka magdilim ang paningin ko baka ano pa ang masamang magawa ko sa kan'ya. Pili ko pa ring inilalagay sa utak ko na nadala lang siya sa mga sinabi ng mommy ko sa kanila, para kahit papaano makakaya ko pa rin siyang pakitunguhan ng maayos bilang respeto at kaibigan ni Lui. At sa loob ng mahabang panahon maituturing ko rin siyang isang matalik na kaibigan nang dahil kay Lui at sa anak namin.

"Can you please leave now? Leave! Leave me alone!" binalot ng boses ko ang buong unit ko lakas ng pagkasabi ko sa kan'ya noon. Pero hindi siya nakakilos para siyang nanigas sa kinauupuan niya kaya ako na ang umalis sa harapan niya at padabog kong ibinagsak ang pinto ng kwarto. Wala akong pakialam kung marinig ng katabi kong unit ang mga pinaggagawa ko.

Diretso akong pumasok sa banyo at agad na binuksan ang shower itinapat ko ang sarili ko ng walang pag alinlangan kahit na nakadamit pa ako. Ang gusto ko lang malamigan ang ulo ko at buong katawan baka sakali bumaba ang galit na nararamdaman ko at kumalma na ako. Buti na lang naihagis ko sa kama ako ang cellphone pagdaan ko bago pa ako makapasok sa banyo. Kung hindi pati 'yon sigurado basang-basa na ngayon.

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal pumailalim sa shower, naputol ang malalim kong pag iisip nang makarinig ng katok kaya pinakiramdaman ko muna at pinakinggan ko ring mabuti kung sino 'yon. Dahil hindi ko na alam kung makakaya ko pang pigilan ang sarili kong huwag kaladkarin si Ainee palabas ng unit ko kung siya ang kumakatok ngayon sa pinto ng bathroom ko.

"Bro? Hoy! Anong nangyayari sa'yo d'yan?" dinig kong tanong ni Aljo sa akin. Mabuti na lang talaga siya pala ang kumakatok dahil kung nagkataon na si Ainee 'yon wala akong pakialam kung basang-basa ako kakaladkarin ko na talaga siya papalabas ng unit ko.

"Sandali lang, lalabas na," mahina kong sagot.

Inayos ko na ang pagligo matapos kong mahubad ang lahat ng suot ko para makapagbihis na dahil alam kong naghihintay si Aljo sa akin. Kailangan ko rin na may mapagsabihan dahil parang puputok ang ulo sa dami ng mga gumugulo sa isip ko, dahil na rin sa mga impormasyon na bingay sa akin ni Ainee kanina. Kung kailan naging maayos na ang problema ko sa kompanya dahil sa tulong ng ama ko, may panibagong pasabog na naman ang ina ko. Hindi na talaga napagod sa mga pinaggagawa niyang pangingialam sa buhay ko, sa buhay namin ni Lui.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon