Thirty-Two

2 0 0
                                    

Maaga pa lang akong nagising ako na ang nagluto ng agahan namin pero nandyan pa rin ang katulong namin na tumulong sa akin sa paghanda ng lahat. Tulog pa si Lui at si Leandro nang iniwan ko silang dalawang sa kwarto namin. Mamayang alas dos pa naman naka-set ang appointment namin sa judge na kikitain namin sa restaurant nila ate Leigh. Doon na kasi gagawin ang kasal at ang reception na din. Iilan lang ang nakakaalam sa kasal namin ngayon sila ate Leigh, Mitch at Kim ang nagtulong-tulong para maayos ang lahat ng mga kailangan. Mas gusto nilang magpahinga na lang si Lui lalo na sa kalagayan niya. Kaya sa hapon na din naming napili na gagawin ang kasal para kahit papaano maayos na ang pakiramdam ni Lui sa mga oras na 'yon. Alas tres pa naman talaga mag start ang ceremony pero napag usapan na kasi na alas dos kaming lahat magkikita-kita doon.

Dumating kagabi si Aljo sila ni Glen ang magkasamang pupunta mamaya. Magkasabay naman kami ni Lui na pupunta doon tapos si Leandro kasama ng yaya at katulong namin sasabay kina Mitch papunta doon. May kasama rin silang bodyguard kaya pinagamit ni ate sa kanila ang van tapos sila ate at ang pamilya niya doon na maghihintay sa amin sa reataurant nila. Pinasara ni ate ang buong restaurant para sa araw na ito naming dalawa ni Lui. Para makasiguro para sa kaligtasan ng lahat kahit na alam naman naming wala nang dapat ikapangamba ang tungkol kay mommy at sa mga plano nito, pero ayon kay ate mabuti nang makasiguro kaya pina check niya talaga sa mga tauhan namin. Tapos napag planuhan na rin nila ang mga dapat gagawin mamaya.

"Ikaw na muna ang bahala rito titignan ko lang ang mag ina ko kung gising na," bilin ko sa katulong nang matapos kong magluto.

"Daddy! Help mo si mommy, she'e sick again," maluhang-luhang sabi na anak kong nakasilip sa pintuan ng bathroom. Kitang-kita sa mukha niya ang matinding pag alala sa ina.

"Kanina pa si mommy dyan? You should've called me buddy," saka mahina kong tinapik ang balikat niya. "Don't worry mommy will be fine soon. Ako na ang bahala sa kan'ya okay? Punta ka na sa dining you eat your breakfast I cooked your favorite waffles," pag alo ko sa kan'ya. Saka nag aalangan pa siyang tumango pero hindi na siya naka imik pa ng pinatakan ko ng halik ang noo niya tapos mahina ko siyang tinulak paalis. Dahil ayaw kong mag alala pa siya lalo sa kalagayan ng mommy niya. Tapos agad naman akong tumungo papasok sa banyo para maalalayan si Lui.

Tulad sa mga nangyayari sa nitong mga nakaraan mga araw halos isang oras ang inaabot namin na nakatambay sa loob ng bathroom hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya. Hindi ko siya hinahayaang mag isa nagpalagay na rin ako ng isa pang pitcher ng tubig at baso sa loob ng bathroom para sa ganitong pagkakataon. Mabuti na lang talaga medyo maluwang ang space ng bathroom namin kaya nilagay ko na rin ang isang bean bag doon para doon na muna si Lui pansamantala habang hinihintay niya na medyo gumaan ang pakiramdam niya. Malamig kasi ang sahig tapos lagi siya doong nakasalampak kapag nagsusuka kaya nakakaawa talaga. Kung p'wede ko lang talaga akuin na lang ang lahat ng paghihirap ni Lui sa pagbubuntis niya kasi mas lalong nakakaawa kapag nanghihina na siya sa kasusuka niya. Namumula pa ang mga mata niya tapos naluluha na. Tanging paghagod lang sa likod niya at pagbigay ng tubig ang nagagawa kong tulong sa kan'ya.

Almost lunch time nang magyaya si Lui na kakain na raw kami kasi gutom na siya kaya agad ko naman siyang inalalayan palabas ng kwarto namin. Napaliguan na si Leandro at hinahanda na ng yaya niya ang mga gamit na kailangan niyang dadalhin mamaya. Pero nanonood pa ng paboritong palabas niya si Leandro habang kumakain kami. Kaya lang nang masulyapan niya kaming dalawa ng mommy niya sa may dining agad itong tumayo at lumapit sa amin para kumustahin ang pakiramdam ng mommy niya. Alam na niya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang mommy niya dahil grabe ang iyak niya isang umaga nang una niyang makita ang mommy niyang nagsusuka. Akala niya talaga malubha ang sakit ng mommy niya kaya pinaliwanag naming mabuti sa kan'ya ang mga pinagdadaanan ni Lui ngayon. Saka ipinakita na rin namin ang result ng ultrasound matapos magpa check-up ni Lui noong araw ding 'yon.

Someone, The One (Book 2 of Somebody)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon