Bia POV:
NAAALIMPUNGATANG pinatay ko ang alarm clock saka inaantok na umupo ako sa gilid ng kama ko. "Haaaaah!" malakas na paghikab ko nang may nag'ting' sa cellphone ko dahil may nag-chat. "Sino nanaman ba to? Ang aga-aga."
Binasa ko ang mga nagchat sakin kanina pang 6 am. FelizGenev: Maam! Gising na! May meeting ka pa ngayong 7! Yan ang una at paulit-ulit niyang chat sakin sunod kong binuksan ay ang chat ng Executive Assistant ng may-ari ng VelMall. JerricaTorres: Maam, good morning, Director Velky told me to postpone his meeting with you from 7am change it to 2pm. He has other important meetings to attend. Hope you kind consideration, maam, thank you. Napabuntong-hinga ako saka napangiti.
"Thank goodness dahil sila na mismo ang nagbago non. Grabe naman kasi kaaga yung 7am." kausap ko sa sarili ko saka nireplyan ang EA ni Director Velky. "I understand no worries. Thank you for informing me. I'll expect you this afternoon, 2pm." sabi ko habang nagta-type. "Delivered lang? Busy na yata sila. Ang sisipag, huh?" kausap ko pa ulit sa sarili ko saka binuksan ang chat ng boyfriend ko kaya napapangiti ko yung binasa.
BruceAllenTuanzon: Good morning, baby, don't forget to take your breakfast I'll fetch you today so inform me if you're done preparing so that I could drive towards there as fast as I can.
Nireplyan ko rin muna siya bago ako nagmamadaling nagluto ng kanin saka naligo habang hinihintay maluto yung kanin at mamaya na ang ulam pagkatapos kong maligo.
BiancaDein: Good morning too, baby, I wont forget my breakfast so you too don't forget to eat. I'll chat you when I am ready to leave already.
Naliligo na ako habang iniisip ko na mamimeet ko na rin ulit sa wakas ang boyfriend ko. Isang taon siyang nag-abroad dahil siya ang nag-present ng bago at automatic na coffee maker kung saan ay nandito naman sa Pilipinas ang isa sa branch pero kinailangan niyang lumipad para harapin ang may-ari ng coffee maker machine worldwide.
I met my boyfriend Bruce 7 years ago nang kakasimula ko pa lang sa negosyo ko but at that time bago pa lang si Bruce sa trabaho niya kaya kinikilala ko muna siya then nagpahayag siya saking liligawan niya ako.
Tumagal ang panliligaw niya sakin ng isang buwan dahil namoblema ako ng ilang buwan sa negosyo ko kasi hindi ito malakas pero tinulongan niya akong makilala ng mga tao ang negosyo ko kaya tumagal yun.
Na-focus ako sa kanya dahil umu-okay nang negosyo ko ay na-promote siya as isa sa taga-gawa ng coffee maker dahil may nagawa siyang coffee maker non at hiningi niya muna ang permission ng Manager nila na bibilhin niya ang nagawa niya para ipagamit sakin, ang natapos niya ay mas nakatulong sakin na mapabilis ang paggawa ng isa sa empleyado ko na pinagamit ko non kaya mas marami ang mga customers na nabibigyan agad ng order nila at dahil doon ay mas lumakas at naging kilala pa ang Coffee Dein ko kaya sinagot ko na rin siya sa araw na yun.
Hanggang ngayon ay getting strong pa rin kami ni Bruce at syempre honestly speaking siya ang nakauna sakin at minahal ko pa siya lalo nang hindi siya nagbago sa pagtrato niya sakin instead ay mas naging mapagmahal siya sakin. Maliban sa nangyari 4 years ago.
2nd year sa Business Ad lang ang natapos ko dahil nag-decide akong tumigil sa pag-aaral. Nag-away pa nga kami ni Mama noon, hiwalay na sila ni Papa kaya siya na ang nagpalaki sakin, dahil mas ginusto kong makapag-ipon para sa coffee shop na gusto ko kesa sa mag-arala kaya pinalayas ako ni Mama buti na lang at nakapagtrabaho agad ako pagkaalis ko sa bahay namin kaya nakapag-ipon ako since naging masinop ako sa pera noon. Hanggang ngayon nga ay naka-block pa rin ako sa facebook ni Mama kaya hindi ako makakuha ng chance na magbati na kami.
BINABASA MO ANG
TBMC #4 [Batch1]- Maxwell Fall
Romance"Na kung dalawa ang mahal mo ay piliin mo yung pangalawa? Dahil kung mahal mo naman talaga yung nauna edi dapat hindi ka na nagmahal pa ng iba? And you loving me even if that is just a second option is the best feeling ever. Kaya ngayong akin ka na...