Bia POV:
Tulad ng sabi ni Mr. Marc kaninang tanghali ay natapos na ang make up ko pero wala pa rin ang damit ko kaya hinatid na lang ni Max si Charlotte sa event since inuna siya saking mag-make up pero hindi pa nakabihis si Max nang ihatid niya si Charlotte.
Ding dong!
Nagkatinginan ang dalawang bakla na napatigil sa pag-aayos ng buhok at make up dahil sa nag-door bell. "Ako na." Sabi ko saka tumayo na sa pagkakaupo ko dito sa sala since dito ko lang gustong magpa-make up. Binuksan ko ang pinto at nakita ang halatang delivery man. "Yes?" Tanong ko pa para makasigurong akin na ba yung idi-deliver niya.
Tiningnan niya ang nasa resibo niya. "Are you Ms. Bianca Dein?" Tanong pa niya habang binabasa ang nakasulat kaya tumango lang ako saka niya inabot sakin ang damit ko. "Pakipirmahan po." Sabi niya na inabot sakin ang makapal na resibo pero dahil may ball pen na doon ay yun ang ginamit ko para mapirmahan yun na na-received ko na ang damit. "Thank you, ma'am."
"Thank you." Sagot ko rin sa kanya kaya tumalikod na siya at sinara ko na ang pinto.
Lumapit ako sa mga baklang nakaabang lang sakin at nilagay sa glass table ang malaking box na yun as in kailangan ko pa siyang yakapin para mabuhat ko. "Paki-open po, Madam, para matingnan namin kung bagay ba ang hairstyle at make up na nilagay na namin sayo."
Sinunod ko ang utos nila kaya tinanggal ko ang ribbon non sa ibabaw sunod ay ang takip sunod kong nilabas ay ang box na may transparent sa takip kaya kitang-kita ko ang blue dress sa loob na halatang maganda ang pagkakagawa pero nakuha ang atensyon ko sa mga box na nasa ilalim pa nito. Sila na ang naglabas ng dress sa kahon since nilabas ko yung unang maliit na box at napasinghap nang makita ang isang Classic Cultured Pearl Hoop Earrings nasa ibabaw nito ang isang Interlocking G 18k Bracelate tas sa kaliwa ng mga to ay ang Diamants Légers Diamond 18K Rose Gold Necklace. Sunod na box na binuksan ko ay ang Gold na ALAÏA La Bombe 110 Sandals na 5 inches na yata ang taas ng killer heels nito.
Hiningi nila saking mag-dress na muna kaya sinunod ko sila saka sinuotan agad ng white robe para hindi madumihan pero pagkalabas ko ay pinahubad nila sakin yung robe. "Trust us, Madam, hindi namin yan dudumihan." Nakangiting confident na sabi ng magmi-make up sakin kaya hinubad ko na lang yun. Tinitigan nila ako ng ilang segundo bago sila nagngitian. "Easy." Sabi pa ng make up artist.
Pinaupo nila ulit ako sa harap ng salamin ng bahay ni Max na andito sa sala pero nakatalikod ako sa hagdan. Hindi ko makita ang sarili ko habang sinisimulan nila akong pagandahin dahil nakaharang yung make up artist sa salamin tas madalas pinapapapikit pa niya ako nang bumukas ang pinto.
"Sir, Madam's dress has already sent please prepare before you'll be both too late to the gathering." Inform naman ng bakla na nasa likod ko pero dahil nakapikit ako ay hindi ko nakita si Max.
"Thank you." Sagot lang ni Max sa mga to saka ko narinig ang pagtakbo niya paakyat sa hagdan.
Wala pang 30 minutes ay tapos na sila pareho kaya nagpaalam na sila sakin at nakapagpasalamat na ako rin ako sa kanila saka nilingon ang sarili ko sa salamin at napangiti. Kung si Charlotte ay maganda na pero napaganda pa nila ako pa kayang simple lang pero heto trinansform din nila into much prettier than I thought.
Sinemtipede ng hair stylist ang buhok ko na malapit sa noo na parang nagmukha yung headband tas may kunting strands ng buhok ko na nasa left forehead ko na kinulot pa niya kaya yung natira kong buhok ay in-straight niya ng husto na parang nagpa-rebound ako then ginawa niyang hair tie sa mga straight kong buhok at nilagay yun sa kanan ko since pa-diagonal na ang strap ng dress kong may white artificial sa strap na nasa kanan ko lang ang strap ng style ng damit na yun. Fit and dark blue ang color unlike kay Charlotte na sky blue with spaghetti strap at parang bra na sa itaas ng damit then mabukadkad na lagpas hanggang tuhod ang haba na pinaresan niya ng silver Saint Laurent Opyum YSL 5 inches Heels at binuhol ang kinulot niyang buhok tas nag-iwan ang mga bakla sa bawat gilid ng tenga niya ng ilang strands ng buhok. As I said fit ang dress na yun na may clit sa kaliwang hita ko.
BINABASA MO ANG
TBMC #4 [Batch1]- Maxwell Fall
Romans"Na kung dalawa ang mahal mo ay piliin mo yung pangalawa? Dahil kung mahal mo naman talaga yung nauna edi dapat hindi ka na nagmahal pa ng iba? And you loving me even if that is just a second option is the best feeling ever. Kaya ngayong akin ka na...