Chapter 5

52 5 0
                                    

Bia POV:

Pagkatapos niya akong lutoan pagdating namin sa napakaganda nanaman niyang bahay ay sinamahan ko siyang antayin ang pinsan niya. Wala kasing tao pagdating namin dito at may keys naman ang pinsan niya kaya kapag andito daw yung pinsan nakabukas ang pinto sa salas. Habang naghihintay kami ay nanonood lang ako ng balita sa TV.

Natakot ako ng this time ay tungkol naman sa terrorist na hindi pa nakikilala sa South Korea. Nilingon ko si Max nanonood lang rin sa tabi ko pero nakaakbay siya sakin kaya napalingon siya sakin dahil sa paglingon ko sa kanya. "Diba sabi mo andito ang Commander ng South Korea? Hindi ba niya alam ang balitang to?"

"He knows." sagot niya sakin saka napatingin ulit sa tv. "But he is just waiting for his men to inform him that they can no longer handle the terrorist." sagot niya sakin saka siya lumingon sa pinto. "Asan na ba siya? Its quarter to 11."

Hindi ko siya pinansin dahil binalik ko sa TV ang atensyon ko pero nang pinakita ang mga susunod na balita ay tumayo na ako kaya napatingin siya sakin. "I'll go to sleep now. Inaantok na ako."

Tumango siya kaya umakyat na ako sa napakaganda at malaki niyang bahay. "When you go upstairs just go straight to the first door you'll see beside the stairs. That's the guestroom where will be your room while you are here."

Pagpasok namin kanina ay sliding door ang pinto niya dito pero may mga strings ba kung tawagin yung nasa labas ng pinto kung saan sila nagla-lock. Sa gilid ng pinto ay bintana at as usual ang bintana niya at ang blue nanaman sa bahay niya. Buti nga yung kabayo niyang si Gold daw ang pangalan kasi light brown yun na parang gold kanina dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan ay hindi blue. Sa gilid ng hagdan ay may napakalaking cabinet kung saan ay andoon lahat ng sapatos at sandals nila? Yes, na-shock ako kanina dahil may pambabae pero naisip ko na baka babae ang pinsan niya. Makikita ko yun bukas .Sa gilid pa ng cabinet ay isang cabinet nanaman at puro gamit panglinis ang laman non. Sa kaliwa ng cabinet ng panglinis ay ang hagdan niya. Limang baitang paakyat bago kumaliwa paakyat ng tuloyan. Sa kanan ng hagdan kapag nakaakyat ka ng tuloyan ay isang sliding door nanaman na tinatakpan sa loob ng blue na kurtina. Binuksan ko yung sliding door at namangha nang makita ang napakalawak na field na kahit na madilim na ay nakita ko pa rin ang ganda ng lugar dahil sa liwanag ng buwan na nasa gitna na ng kalangitan.

Umihip ang malamig na hangin kaya sinara ko na yun pagkapasok ko sa loob saka lumapit sa pintong malapit sa hagdan tulad ng sabi niya at binuksan ko na yun bago pumasok pero napakunut-noo ako nang makita sa ibabaw ng puting kama ang iba't-ibang kulay ng damit kaya nang maisara ko ang pinto ay nilapitan ko yun.

Lahat yun ay damit pampatulog na may blue, violet, orange, yellow, pink, red and green kaya namangha ako. Pinulot ko ang sticky note na andoon sa ibabaw ng pinakaibabaw na damit at nakangiting binasa yun. "I already bought your clothes for the days that you'll be here... Maxwell." nakangiting basa ko saka dali-daling pinuntahan ang cabinet na andito kahit na may walk in closet naman. "Wow!" namilog ang mga mata ko sa iba't-ibang pants, damit pang-ibabaw at mga dress. Binuksan ko ang mga drawer na malalaki doon sa cabinet. "Kahiya." bulalas ko nang makitang 1 dozen ang sets of inner wears ang andoon. Ang pinakaibaba naman ang binuksan ko. "Oh My God!" bulalas ko nang makitang may maraming rubber shoes, nike na mga sapatos pangbabae, step-ins at doll shoes ang andoon. "Grabe talaga ang mga bilyonaryo gumastos parang piso lang sa kanila ang mga presyo nito."

Nakangiti kong maingat na kinuha ang mga pampatulog sa ibabaw ng kama ko saka yun pinasok sa cabnet. Naligo muna ako at pina-dry ang buhok ko bago ako nakatulog. Kinaumagahn ay naalimpungatan ako sa alarm clock kaya inabot ko yun bago pinatay. Humihikab akong bumangon saka naligo at nag-toothbrush.

TBMC #4 [Batch1]- Maxwell FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon