Chapter 13

40 6 0
                                    

Bruce POV:

Pareho kaming hindi mapakali ni Boss nang sa wakas ay nasa loob na ng emergency room si Bianca. Nanghihina akong napaupo sa isa sa mga hospital chairs na andito sa labas ng ER nang makita ko si Boss na nagmamadaling umalis para siguro pumunta sa Operating Room kung saan naman dinala si Ms. Charlotte.

Naiiyak kong tinukod ang siko ko sa bawat binti ko saka ko sinuklay ang buhok ko papunta sa likod habang nakayuko dahil tumulo na talaga ang mga luha ko. Nagsisisi na ako. Hindi dapat ako naniwala kay Ainess. If I just knew na hindi niya talaga ako tutulongan para mapatawad ako ni Bianca at magkabalikan kaming dalawa dahil ang gusto niya ay siraan si Bianca kina Boss.

Napaka-uto-uto ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Bia. Mahal na mahal ko siya pero dahil sa insecurity na naramdaman ko sa tuwing magkasama ang girlfriend ko at si Boss ay pinakinggan ko si Ainess.

Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko saka umayos ng tayo nang marinig ko ang mabilis na paglalakad ni Boss pabalik sa harap ng Emergency Room. Gusto ko siyang paalisin dahil gusto ko ako ang mabungaran ni Bia pagkagising niya pero feeling ko wala na akong karapatan na gawin yun.

Kasalanan ko lahat ng to. Ako lang ang inimbitahan ni Ms. Charlotte pero dinala ko si Ainess. Naniwala ako kay Ainess na maayos ko ang ginawa kong gulo sa relasyo namin ni Bia pero dumagdag pa ang nangyari sa kanya kaya pakiramdam ko wala na. Wala na kaming chance na bumalik pa sa dati.

Pero ayokong sumuko. Nagkamali ako ng desisyon, ng taong pinakinggan kaya niya lang sinabi kanina na maghiwalay na kami. Kung nagawa kami ni Boss na paghiwalayin habang in a relationship kami kaya ko rin yun gawin alam ko namang hindi rin mabubuntis ni Boss si Bianca at alam kong ang mga Foreigners ay gusto magkaroon ng sariling pamilya at hindi yun mabibigay ni Bianca kaya alam kong maghihiwalay din sila. Ang kailangan ko lang ay maghintay, wag sumuko at sigurohin na babalik ang feelings ni Bianca sakin.

Mabilis akong napatayo nang bumukas na ang Emergency Room pero naunahan ako ni Boss dahil malapit siya doon habang nakatayo kanina pagkarating niya. "How was my girlfriend, Doc?" Tanong pa niya kaya nakaramdam ako ng inis.

Pero napatingin ako nang ngumiti siya. Dapat maging masaya ako dahil good news ang sign na yun pero ang sinabi niya kay Boss ang siyang nagpatigil sa mundo ko. "She's finally safe and your child that she has been bearing for 5 days already. Congratulations, Mr. Fall, your girlfriend and your child are so strong that you did not lost them both."

"What?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ko. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig pero nagawa ko pa rin siyang tingnan. "It was just one week from now nang mahuli niya ako..." Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko sa iisiping ika-pitong araw pa lang mula ngayon nang mahuli nila ako sa SerMall tapos binlock na ako ni Bia. "Pero nabuntis mo agad siya?" Hindi makapaniwalang singhal ko kay Boss kaya nawala ang ngiti nila pareho na nilingon ako kaso wala na akong pakialam. "Paano?"

Nakipag-shake hands pa muna siya sa Amerikanong Doktor nang magpaalam itong aalis na. "Thank you for the good news, Doc." Pahabol pa niya sa Doctor bago ito umalis ng tuloyan para magkausap kaming dalawa pero bumukas na ang ER at nang makita kong ililipat na nila sa isang room si Bia na wala pa ring malay ay susundan ko sana siya nang seryuso niya akong harangan. "Let's talk. I won't allow you to tell her some things that we are not yet clear here." Napatingin ako sa kanya kaya nakita kong desidido siyang hindi niya ako palalapitin kay Bianca kapag hindi kami nagkakausap kaya umatras ako ng isang beses saka hinarap siya "I don't want her to hear some bad news so we must talk everything here."

"Bakit ikaw ang nagdi-desisyon? Ako ang boyfriend ni Bianca dito." Nagtitimping tanong ko sa kanya.

"Aren't you done yet? And have you forgotten? She broke up with you on the rooftop of my company." Halatang nagtitimpi ring sagot niya sakin habang straight na straight ang tindig naming dalawa.

TBMC #4 [Batch1]- Maxwell FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon