Chapter 18

41 5 0
                                    

Bianca POV:

Kahit lagpas 21 hours ang naging biyahe namin pauwi lang sa Pilipinas ay hindi ako naabutan ng pagod ko total pinatulog naman ako ng dalawang nocturnal na lalaki at kumain kami sa tamang oras ng breakfast, lunch, snacks at dinner.

Paggabi pa lang sa Scotland nang umalis kami pero pagdating namin sa Pilipinas ay 10pm na. Napatingin ako sa dalawang lalaki nang tumawag ulit sila Director Velky at si Timothy kay Max at Attorney pagkababa namin ng jet plane niya sa airstrip mismo ng Club.

"What is it this time, Timothy?" Narinig kong tanong ni Attorney saka nagpaalam na samin kaya tinakbo na niya ang kotse niya hindi ko na tuloy narinig ang iba pa niyang sinabi.

"Hello, Velky?" Bungad ni Max na ni-loud speaker agad ang tawag nang pasakay na kami ng kotse niya dahil nilakad-takbo na namin ito.

[Elijah is so fvcking mad to Jihyun, Maxwell! Where the hell are you?] Yan ang huli kong narinig pagkasakay ko ng kotse ni Max kaya tumakbo na siya papunta sa Driver's seat. [He said that if Jihyun focused on his job in Korea he might have received the news that his sister was kidnapped and now she is dead.] Balita ni Director saka kinonekta ni Max sa speaker ng kotse niya ang tawag then nag-drive na siya ng sobrang bilis papunta sa Cal Restaurant dahil andoon daw lahat ng Club members.

[Elijah, calm down!] Narinig kong boses isang boses ng lalaki dahil mukhang ni-loud speaker ng Director ang phone niya.

Napahikab ako bigla kahit alam kong nocturnal na rin akong tao dahil sa magkaiba ang oras ng Scotland at Pilipinas although dalawang araw lang yata kami roon. Yung 5pm pala kasi nila ay 12am na rito kaya kaninang nag-celebrate kami para kina Max at Attorney ay bigla akong humikab pero natulog naman kami sa jet plane kaso last check ko sa oras noon ay 6pm na so 1am na sa Pilipinas noong oras na yun.

[Stop making a scene, Elijah it's already 10 in the evening!]

"I'll send you at my home first then---"

"No. I'm okay. Gusto kong suportahan ka kapag kailangan ka ng mga kaibigan mo. Sasabihan din naman kita agad kapag hindi ko na kaya ang antok ko." Putol ko agad sa kanya dahil napansin niya agad ang marahan kong paghikab para sana hindi niya ako makita.

[I don't fvcking care about the time, Jack. All I want is answers!]

[Where are the founders?] Narinig kong boses babae yun at hindi ko siya kilala kaya napaisip ako sino sa mga Amerikana sa Club ang hindi ko narinig ang boses?

"Tsk." Napailing lang si Max sa sagot ko at alam kong wala siyang choice kundi ang dumiretso kami sa Cal Restaurant.

[They are coming, Ms. Enriquez, so just relax.] Boses yun ni Eduard pero yung tinawag niyang Enriquez ay hindi ko natatandaan na may ganoong apelyido sa mga babae ng Club.

"Who's Enriquez, Isaac?" Tanong na nga ni Max na mukhang pareho kami ng iniisip.

[Jack Corvin's girl. She's fvcking hot, dude! Damn! I hope to meet a voluptuous woman too.]

[Eh?] React ng babae na mukhang narinig si Director Isaac.

[Kidding lady hehehe] mukhang napahiya naman ang boses na sagot ni Director sa babae na may surname na Enriquez.

"Oh, that is why Jack was at Bianca's apartment." Bulong naman ni Max kaya napalingon ako sa kanya then nilingon niya ako. "Wala."

"Aba!" Singhal ko pero pinigilan ko sarili ko nang lumiko na kami papuntang Parking lot ng Employees Building.

TBMC #4 [Batch1]- Maxwell FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon