Chapter 16

29 4 0
                                    

Bianca POV:

"Good afternoon passengers. This is your captain speaking. First I'd like to welcome everyone on JevPort Flight 1A5. We are currently cruising at an altitude of 33,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 9:25 am. The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in Scotland approximately ten minutes ahead of schedule. The weather in Scotland is clear and sunny, with a high of 25 degrees for this afternoon. If the weather cooperates we should get a great view of the city as we descend. The cabin crew will be coming around in about twenty minutes time to offer you a light snack and beverage, and the inflight movie will begin shortly after that. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight."

Napatingala ulit ako nang marinig ang announcement na yun ng babaing piloto. "We just had our lunch then it is still 11:25 am?" Nagugulohan kong tanong ni Max.

Grabe 19 hours na kaming naka-upo rito tapos 9:25 am pa sa oras ng piloto. Ito na ang direct flight kaso parang ang haba pa rin ng biyahe tapos itong mga lalaking to parang nasa kanto lang ang Scotland at Pilipinas sa pagbalik-balik. Pero kung 19 hours and 35 minutes ang biyahe namin ngayon paano na lang kaya ang iba na mas malayo pa sa Scotland? Grabe bilib na talaga ako sa kanila.

Para hindi uminit ang pwet ko sa kakaupo rito ay nanood kami ni Max ng mga makikita namin sa himpapawid. Grave! Breath takingly beautiful lahat! Kung yung Club ay aakalain ng lahat na nasa labas na sila ng Pilipinas pero heto. Ito ang proof na nasa labas na talaga ako. Blue at malinis na karagatan, sobrang green at malulusog na mga puno, magagandang naglalakihang bahay at mga unique style na mga buildings na sa ibaba lang namin makikita.

Nanood rin kami ng movies nila Max as in kasali si Attorney para hindi rin siya ma-bored minsan nga naglaro sila ng one on one chess at nanalo ang attorney, ginamitan ba naman ng 3 moves si Max na hindi marunong non, buti nga at nagtatago pala ng mga board games si Max dito sa jet plane niya para hindi raw siya ma-board. Tapos nagbato-bato pick pa kaming tatlo sa sobrang boredom at pipitikan ang noo kapag may natalo pero habang wala pang lunch, dinner, breakfast at snack time. Pero dahil babae ako ay parang kagat lang ng langgam ang pagpitik nila sakin.

Actually wala talaga akong alam kung anong oras na ba ngayon sa Pilipinas dahil binago ni Max ang time zone ng cell phone ko kanina pero hindi naman ako sumilip kung ano ang sinet niya. Hindi ko rin tinitingnan ang wrist watch niya na binago rin niya. Basta ang alam ko nag-minus ang oras dahil advance yata ang Pilipinas.

Max checked his wrist watch. "It is indeed 9:25 am, babe, and we will be onboard in a few minutes time. Are you hungry?"

Napakamot ako ng marahan sa ulo ko saka ko siya inilingan. Kakasabi ko lang na kakakain lang namin gutom na agad ako? "Ano na bang oras sa Pilipinas ngayon?"

"It is already 4:26 am there." Sagot niya habang nagbibilang sa wrist watch niya.

Grabe ang galing mag-Math. Pero nakuha ng sinabi niya ang buo kong katinoan. "What? Kung ganoon bakit mo ko ginising para kumain? Baka magutom ulit ako nito mamaya."

Binaba na niya ang braso niya saka ako matamis na ningitian. "It's okay, babe, the food is all yours."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Ginagawa mo kong matakaw." Nice, dahil tinawanan niya lang ang sinabi ko. Mukha ba akong nagpapatawa? "Anyway, among all of you in the Club who is the furthest away from the Philippines?" Usisa at pagchi-change topic ko para hindi ako ma-high blood kay Max.

Napaayos ng upo sa harapang upoan namin si Attorney pero halata sa mga mata nila pareho habang nagtititigan sila na nag-iisip sila kung sino nga ba sa mga kaibigan nila sa Club ang pinakamalayo sa Pilipinas?

TBMC #4 [Batch1]- Maxwell FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon