Chapter 20

46 5 0
                                    

Bianca POV:

Palapit na kami sa Coliseum nila na andaming Christmas lights kahit sa mga puno habang may malaking Christmas Trees naman sa gitna ng field na nasa harap ng Restaurant ni Cal, sa mga Boutiques doon sa entrance basta parang nagkalat siya. Ngayon ko lang napansin lahat ng andito na decorations para sa Christmas dahil ngayong gabi lang naman ako lumabas at New Year pa.

Inalalayan ako ni Max saka may nag-picture sakin pero nalungkot ako nang makitang empleyado yun ni Elijah. "Hey, Madame and Sir, you can get this picture at Accessories Boutique owned by Barbie Volkov." Nakangiti pa niyang sabi samin.

Akmang dadaanan lang siya ni Max nang hinarap ko siya kaya napatigil din si Max sa paglalakad. "How much is it if we will buy one?"

"It's 1,500 US Dollars, Ma'am."

"What?!" Nanlaki sa gulat ang mga mata ko dahil sa sinagot niya.

Hinawakan ni Max ang kamay ko sabay kuha sa picture. "We'll get this tomorrow so prepare this." Sabi pa niya sabay abot ng picture ulit sa lalaki.

Nakangiti naman yung kinuha ulit ng lalaki kay Max. "Yes, Sir!"

Nakangiti na ulit na nilagay ni Max ang kamay ko sa braso niya saka kami naglakad papasok. Grabe ang ganda ng buong Coliseum nila na hindi mo aakalaing dito ginanap yung proposal at Engagement night nila Ashton Dorman at Melchor Arvay. Sa entrance pa lang ay may pa-red carpet na straight sa may stage nilang pinatongan ng plain red na tela or floormat. Sa stage ay may microphone stand at microphone sa gitna tas isang circle na mesa sa likod na pinatongan din ng plain red na tela with three candles, 2 glass wines, plates, table spoons, forks, white tissue at dalawang chairs na magkaharap at tinakpan pa ng red ng gold na tela.

"Red and gold ba ang theme?" Tanong ko na sa kanya.

Napansin ko kasi na ang mga curtains na nakasabit kahit saan ay gold pero may napalupot na red na garlands at white na Christmas lights dito. Pero yung mga mesa naman sa bawat gilid ng red carpet kung asan pa rin kami nakatayo ay red na tela sa circle na mesa habang white na sa mga upoang nakapaikot sa mesa tas may kanya-kanyang 3 white roses sa mga mesa ng lahat.

May nakita akong square na mesa na nasa kanan ng stage. Pinatongan siya ng gold na tela pero may mga nakalagay na roon na mga gifts na lahat ay red pero may iba't-iba na yung design para magmukha yung iba or pareho sa iba.

"Max! Bakit wala tayong gift?" Tanong ko na sa kanya nang maalala ko na wala nga pala kaming gifts.

"I have one here." Nakangiti pa niyang sagot saka hinawakan ang kamay ko pero ako natigilan na dahil mukhang ako lang ang walang gift dahil pati mga babae rito ay meron! "Come here." Nakangiti niyang aya sakin.

Napadabog ako ng mahina sa mga paa ko. "Max, naman, eh! Bakit hindi mo ko sinabiban? Ako lang yata walang gift rito. Tingnan mo yung kapatid ni Zenrodje na dumating lang noong Engagement Night ni Melchor meron siya ako nito. Wala."

Mahina siyang natawa saka pa-slide na hinapit ako sa bewang ko at hinalikan ang tongki ng ilong ko. "I love you too."

Napataas ako ng isa kong kilay. "Alam mo ba na ngayon mo lang yan sinabi sakin na hindi tayo nagsi-sex?"

"Make love? Nope. I already told you how much I love you even before you gave yourself to me." Napa-snob ako sa ere sa ginamit niyang salita.

"Kahit kailan ka. Kung maka-gave yourself to me parang ikaw ang nauna sakin." Sagot ko saka kumapit sa braso niya.

"So what?" Husky ang boses na tanong pa niya saka hinalikan ang kaliwa kong pisngi kaya napapikit na ako sabay ngiti dahil ang sarap talaga sa pakiramdam kapag naglalambing siya sakin.

TBMC #4 [Batch1]- Maxwell FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon