Chapter 14

43 6 0
                                    

Bianca POV:

Dahan-dahan kong minulat ang mga talukap ko kahit ang bugat-bigat pa ng buong katawan ko kaya gusto ko na lang sana matulog ulit pero nang pakiramdam kong may masakit na bagay ang nakatusok sa ilong ko ay nag-decide na lang akong magmulat.

Nakita ko agad si Bruce na umiiyak habang hawak ang kanang kamay ko. Pinagsalikop niya ng mahigpit ang kamay namin pero nasa pisngi niya ang likod ng palad ko saka ko lang naramdaman ang basa sa likod ng palad ko.

Umiiyak siya? Pero bakit? Buhay naman ako, ah?

Mabagal kong naigalaw ang kamay kong hawak niya hanggang sa pinagsalikop ko na rin ang kamay ko sa kanya kaya natigilan siya sa pag-iyak at napatingin agad sa kamay ko sunod sakin tuloy ay nanlaki agad ang mga mata niyang makita na gising na ako.

"Bianca! Sh*t you're finally awake! Wait I'll call for a doctor first." Tarantang bulalas niya kaya huli na nang pigilan ko siya dahil binitawan niya agad ang kamay ko.

Nilibot ko ang mga mata ko ng dahan-dahan. Nasa ospital ako. Gusto ko nang alamin ang nangyari sa mga kasama namin sa rooftop pero inaantok pa ako kaya naghanap na lang ako ng calendar. May nakita nga ako pero hindi ko pa rin alam ang date ngayon. "M-Max..." Mahinang tawag ko nang ma-realized kung bakit si Bruce ang kasama ko at hindi siya? Sinukoan na ba niya ako? Agad nanubig ang mga mata ko sa naisip dahil nawalan lang ako ng malay dahil sa pagkakahulog namin ng kung sino sa hagdan pero sinukoan na niya agad ako pagkagising ko. Sana hindi na lang pala ako nagising. Pumikit na ako nang tumulo na ang mga luha ko sa pisngi ko papunta sa bawat gilid ng mga tenga ko.

Nasasaktan ako. Pinili ko naman siya sa araw na yun sa harap mismo nila Bruce at Charlotte witness ko pa si Ms. Lopez at Ainess pero hindi niya yata talaga ako mahal para iwan niya ako kung kailan siya na ang pinili ko. Gusto ko na lang matulog ulit dahil sa bigat ng pakiramdam ko at mag-wish na sana hindi na lang ako magising.

Wala na akong mukhang maihaharap kay Bruce kung pinili ko sa harap niya si Max. Sinampal ko siya sa akalang pipiliin din ako ni Max. Nagalit ba talaga ng husto si Charlotte sakin para hayaan niya si Max na iwan ako? Ganoon na lang ba talaga kadali lahat yun? Ang sakit-sakit!

Hinampas ko ang puso ko dahil parang sumikip ang paghinga ko kahit na nakakonekta naman ako sa isang machine rito sa hospital room ko. Pero natigilan ulit ako nang mapansin na parang nasa isang execute room ako?

Saan ng pera si Bruce para kumuha ng ganito kamahal na kwarto?

Pati mga hospital things dito like sofa, flat screen tv na naka-hang sa left side pero nasa harap ko pa rin. Gusto kong husgahan si Bruce nang naisip ko na baka galing nanaman kay Ainess ang perang pinanggastos niya rito kahit hindi naman kailangan pero hindi ko nagawa nang maalala ko siya kanina.

Tahimik lang siyang humahagulhol sa tabi ko habang hawak ang kanang kamay ko. Para siyang namatayan sa inaasta niya. Andito naman ako kaya ibig sabihin hindi ako ang inaakala niyang namatay.

Edi sino?

Dumating na ang Doctor at na-shock pa ako nang si Dr. Rossi yun. Hinanap ko ng mabilis si Bruce pero hindi na siya pumasok kasunod ng mga Doctor kaya hinayaan ko na lang si Dr. Rossi na i-check ako.

"You only got a minor injury so good news you can celebrate your Christmas with your love ones. Nurse Quimberly will check on you again this afternoon then you can finally be discharged." Nakangiti pa niyang sabi na sakin pagktapos niya akong i-check up.

"Doc. Christmas? Today is already Christmas?" Gulat kong tanong sa kanya dahil tinanggal na niya yung nasa ilong ko kaya nakakahinga at nakapagsalita na ako ng maluwag.

TBMC #4 [Batch1]- Maxwell FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon